We're Trapped

18 1 0
                                    

NATASHA'S POV

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagtatago sa kuwebang pinasukan namin. Alam naming nasundan kami ng killer. Mula sa pagtakbo namin napunta kami sa likod ng bahay kung saan papunta sa falls nakakita kami ng kuweba at doon kami pumasok. There's no way out here and I guess we're trapped. Any time soon, pwede na kaming makita ng killer. Walang nagiingay sa amin at madilim na rin. Wala kaming kahit anong dalang panlaban man lang sa kanya sakali. Nabitawan namin lahat ng mga gamit namin ng magtakbuhan kami.

"Sha, natatakot na ako." Bulong ni Reign.

Katabi ko siya at katapat namin yung dalawang lalaking kasama namin na sina Carl at Liam. Tears are flowing through her eyes. I just held her hands para gumaan konti ang pakiramdam niya. Hindi na ako magtataka, sa aming anim na babaeng magkakaibigan si Reign ang nerbyosa. She has this negativity in her personality. Lagi siyang nagooverthink. But we all know naman na kaya siya ganun eh mahal na mahal niya kami. Dito na muna kami magpapalipas ng gabi. Hindi kami pwedeng lumabas dito ng wala kaming nakikita. Mas delikado. Then tomorrow, kaylangan na naming gumawa ng plano. Para makatakas kami dito. Hindi tulad ng mga kaibigan ko, hindi mahina ang loob ko. Sa totoo lang, ako yung matapang sa kanila. Risk taker ako. Wala akong inaatrasang kaaway kahit babae ako. And siguro kaya ngayon hindi ako pinanghihinaan ng loob. Si Louise, siya yung matalino samin. Siya yung madalas umiisip ng paraan, ng mga dapat gawin sa isang bagay. Palagi siyang may idea. Si Jazel, yun naman yung mabait at huwaran. Palaging sumusunod sa magulang. Payapa lang siyang uri ng tao. Si Margaux yun naman ang maarte sa amin. Maarte in a way na hindi nakakainis o nakakairita. Mapili siya sa lahat ng bagay at gusto niyang nakukuha ang mga gusto niya pero lahat naman ng gusto niya eh pinaghihirapan niya. Si Charity, yung kapatid ko siya naman yung mataas ang energy sa amin. Siya yung vitamin ng grupo. Siya yung naghahype kapag malungkot kami. Sobrang loud ng personality niya, hindi ka maboboring kasama siya. Hindi siya mauubusan ng sasabihin.

"Sha. Tulala ka. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Carl.

Biglang akong natauhan sa tanong ni Carl. Natulala na pala ako kakaalala ng mga ugali ng mga kaibigan ko. Sa totoo lang, matapang at malakas ang loob ko pero may bagay na ayaw na ayaw ko talagang mangyari. Yun yung mawala yung mga kaibigan ko. May pagkakaiba iba kami ng personalities pero naiintindihan namin ang isa't isa at dahil don kaya kami masaya.

"Ayos lang Carl.. iniisip ko lang, ano kayang lagay ng mga kaibigan natin?" Sagot ko.

Napabuntong hininga siya. Halatang nagaalala din siya.

"Ipagdasal nalang natin na walang nangyaring masama sa kanila.." sagot niya.

"How can we survive this?" Umiiyak na tanong ni Reign.

"The question is, will we able to survive this?" Pagiibang tanong ni Liam.

"Yes we will." Mariin kong sagot.

"Bukas pagsikat ng araw kaylangan nating ihanda ang mga sarili natin dahil makakaalis tayo dito. Matatakasan natin yung hayop na yun!" Dagdag ko pa.

"Oo tama! Tatakas tayo bukas! Kung balak niya tayong patayin, edi magpatayan na kung magpatayan. Bahala na." Sabi ni Carl.

I looked at him and narealize ko, paano kapag isa sa amin mawala ng hindi ko nasasabi ang nararamdaman ko para sa kanya? Sabihin ko na ba? Naku hindi, mali. May mga kasama kami at saka wrong timing pa. Basta pangako ko sa sarili ko, makalabas lang kami ng buhay dito sasabihin ko na sa kanya yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Why are you looking at me like that? May sasabihin ka ba?" Bigla tuloy naitanong ni Carl.

"Ah wala. Gusto ko lang sabihin na wag ka sanang panghinaan ng loob. Kayong tatlo." Pagdadahilan ko nalang.

"Sa totoo lang sha, kanina iniisip ko wala ng pagasa eh. Pero nakita ko kung gaano ka katapang at pursigido kaya namotivate ako. Kasi kung kaya mo bilang babae dapat kaya din namin." Sagot ni Carl.

"Basta tandaan nyo, sama sama tayo. Makakalabas tayo dito." Sabi ko naman.

Nagyakapan kaming apat tas nanahimik na ulit kami dahil may naririnig kaming yabag ng tao. Papalapit sa amin. Lahat kami pigil hininga dahil baka yung killer na yun. Nakatago lang kami sa sulok at natatakpan kami ng malaking bato. Mula sa pwesto namin nakikita namin yung killer malayo siya sa amin. Nagmamasid masid masid siya. Malamang hinahanap niya kami. Madilim na kaya di niya kami nakikita. Pero di padin kami dapat na magpakasiguro. Habang tumatagal papalapit siya ng papalapit sa pwesto namin at palakas na din ng palakas ang kabog ng puso ko. Kumuha na ako ng bato at hinawakan yun. Naghahanda ako sakaling makita niya kami. Naglakad lakad pa siya pero bumalik din siya dahil hindi niya kami nakita. Sa palagay namin ay aalis na siya at titigil na muna sa paghahanap dahil madilim na.

"Umalis na siya." Sabi ni Liam.

"Hindi pa tayo pedeng magpakasiguro. Baka bumalik pa siya." Sagot ni Reign.

"Dito na muna tayo hanggang sa dumating ang umaga. Wala tayong makikita pag umalis tayo ngayon. Masyadong madilim." Sabi ni Liam.

"I agree. Nga pala, baka nagugutom na kayo. May nadala kasi akong biscuit dito. Nilagay ko to sa bulsa ko kanina eh." Sabi ni Carl at inalok samin ang dala niyang biscuit.

Inabot niya samin yung biscuit niya isa isa nama kaming kumuha. Gutom na rin ako eh. Wala naman kaming makakakain dito buti nalang may dala si Carl. Mabibitin kami dito pero pwede na kesa walang laman ang tiyan. Tahimik lang kami hanggang sa matapos makakain ng biscuit. Tapos maya maya naramdaman ko ng sumandal yung ulo ni Reign sa balikat  ko. Nakatulog na siya. Hinubad ni ni Liam yung jacket niya tapos inabot sakin.

"Oh Sha oh, ibalot mo kay reign baka nilalamig siya." Sabi niya.

Halata sa kanya na nagaalala siya para kay Reign. Sinunod ko nalang siya at ibinalot kay Reign itong jacket na binigay niya. Sa ngayon matutulog muna kami. Kinabukasan paggising lalabanan namin yung killer na yun.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon