Forbidden Love

13 1 0
                                        

FLINN'S POV

Nagising ako ng masakit padin yung binti ko. Hindi pa kasi magaling yung sugat ko. Natahi na, pero masakit padin. Pagmulat ng mata ko bumungad ang mukha ng napakagandang anghel. Akala ko tuloy nasa langit na ako. Pero alam ko kung sinong anghel ang nakita ko. Walang iba kundi ang aking mahal na si Louise.

"Good morning." Bati niya.

Bumangon ako tapos ngumiti sa kanya.

"Good morning." Sagot ko.

"Magready ka na, uuwi na tayo. Nakauwi na yung mga kaibigan natin. Tayo nalang yung nandidito." Sabi niya.

Nilibot ko yung pagtingin ko. Oo nga wala na nga sila.

"Pasensya medyo natagalan ata pagtulog ko. At naghintay ka ng matagal sa akin." Sabi ko.

"Ano ka ba, hihintayin at hihintayin talaga kita. Eh parehas lang naman tayo ng uuwian eh." Sagot niya.

"Talaga hihintayin mo ako? Sana hintayin mo rin yung araw kung kelan pwede ng maging tayo." Bigla ko nalang nasabi yun.

Gustong gusto ko kasi talaga si Louise. Pero malaki ang respeto ko sa pamilya niya at sa kanya. Kaya sinusunod ko sila.

"Ano bang pinagsasabi mo, tara na alis na tayo." Pagiiba niya ng topic.

Alam kong mahirap talagang abutin si Louise. Matalino, masipag, mabait at maganda. Samantalang ako, isang hamak na driver niya lang. Kaya di na ako magtataka kung di niya ako gusto.

"Sige tara na. Hahaha, wag mo na pansinin yung sinabi ko. Palabiro lang talaga ako." Sabi ko nalang.

Ngumiti na lang siya ng mapait tapos parang iiyak tapos nauna nalang lumabas. Sumunod ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng ospital sumakay na kami sa van. Habang nasa biyahe biglang nagsalita si Louise.

"Alam kong nagsisinungaling ka kanina.. nung sinabi mong nagbibiro ka lang." Sabi ni Louise.

I know she knows. Matalino siya eh. Imposibleng di niya mapapansin.

"Gusto mo ako diba? Flinn?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ako makapagsalita.

"Answer me." Sabi niya.

"Yes gusto kita. Hindi lang basta gusto, mahal kita." Sagot ko.

"Then bakit ayaw mong sabihin sakin? Bakit ayaw mo akong ligawan? Bakit ayaw mong gumawa ng move? Bakit pinaparamdam mo sakin na gusto mo ako, pero wala ka namang ginagawa?" Sunod sunod na tanong niya habang umiiyak.

"I want to. Kaso hindi pa pwede." Sabi ko.

"Anong hindi pwede? Pinapaasa mo ako!" Sabi niya.

"May kasunduan kami ng parents mo. Sabi nila, hindi pa kita pwedeng ligawan hanggat wala pa akong nararating sa buhay." Sabi ko.

"What? Why would they say that? Hindi naman sila masasamang tao!" Nagtatakang tanong ni Louise.

"I know.. alam ko naman sinabi nila yun hindi para insultuhin ako eh. Pero para makita nila kung paano ako magsumikap para makuha ka. I don't want to disappoint them. Isa pa sila ang bumubuhay sa akin kaya gusto silang sundin. Ang pangit din naman kasi na, sila ang bumuhay sa akin tapos balang araw pag nagkatuluyan tayo, ikaw pa din ang bubuhay sa akin. Kaylangan kong maging better na tao." Paliwanag ko.

"Sobra sobra ka pa Flinn. Hindi ka lang better na tao, sobra sobra ka pa." Sabi ni Louise.

"That's why gusto kong hintayin mo ako. Pero kung hindi mo man ako mahintay, it's okay. Whatever makes you happy, makes me happy too." Sabi ko.

"Im sorryyy, Im sorry dahil naging driver kita kaylangan mo maranasan to. Sorry kung kaylangan mo maghintay ng matagal. Im sorryyy." Sabi niya.

"Shhhh, tahan na. Tama na, wag kang magsorry. You're worth the wait. Lagi mong tatandaan yan." Sabi ko.

Wala siyang naisagot iyak lang siya ng iyak. Pinunasan ko yung mga luha niya.

"Tama na, andito na tayo sa bahay. Kaylangan mong magayos haharap ka sa parents mo." Sabi ko.

Tumango siya tapos lumabas na ng van. Dumiretso at pumasok na kami ng bahay. Sinalubong kami ni tita at tito ng yakap. I feel safe. Para ko na silang tunay na pamilya.

"Thank God! You two are safe!" Umiiyak na sabi ni tita habang yakap yakap kami.

"Yes mom, hindi po kami pinabayaan ng Diyos." Sabi ni Louise.

"Flinn, thank you at di mo pinabayaan si Louise." Sabi naman ni tito sa akin.

"Wala po yun, obligasyon ko pong protektahan si Louise dahil ako ang lalaki at saka alam niyo naman pong hinding hindi ko pababayaan si Louise eh." Sabi ko.

"Alam namin yun, kaya sa iyo lang namin siya ipinagkakatiwala ng tito mo. Para ka narin naming tunay na anak." Sabi ni tita sa akin.

"Salamat po tita at tito, napakabuti niyo pong mga tao. Napakabait niyo po sa akin. Hindi ko po alam kung anong sasabihin ko para makapagpasalamat sa inyo ng sobra sobra." Sabi ko.

"Ano ka ba wala yuuuun! Anyway, kumain na ba kayo? Alam kong gutom na gutom na kayo. Tara na sa dining room at kumain na tayo." Sabi ni tita.

"Hay naku! Mabuti po yan mommy! Ilang araw po kaming walang kain doon! Dahil wala kaming makitang makakain at panay habol sa amin ang killer." Sabi ni Louise.

"Napakasama ng killer na yan! Mabuti naman at mabubulok na siya ngayon sa mental institute." Sabi ni tito.

Nakarating kami sa dining room tapos naupo na. Napakaraming hinandang pagkain ni tita. Alam niyang gutom na gutom talaga kami. Buti nga at mabait sila at di nila kami pinagalitan eh. Mas inuna nilang magalala kesa magalit. Isa yun sa nakakaproud sa pamilya na to.

"Wooooow, ang sarap talaga ng adobo ni mommy! The best talaga eh!" Pagpupuri ni Louise sa luto ni tita ng matikman niya ito.

"Syempre naman! basta luto ni mommy asahan mo mapaparami ka ng kain anak!" Pambobola pa ni tito.

"Suuuus, eto talagang mag ama ang galing talaga mambola." Sabi ni tita.

"Hindi tita, masarap po talaga ang luto niyo. Lahat po ng niluto niyo ay masarap." Sabi ko naman.

"Aba abaaa, marunong na din mambola ang binatilyo namin!" Sabi naman ni tita.

Nagtawanan nalang kami tapos nagsimula ng kumain. Wala na akong ibang hininihiling na makasama habang buhay kundi ang pamilyang ito. Kuntento at masaya na ako sa kanila. Napakaswerte ko na nasa pamilya nila ako at papatunayan ko na deserving ako para sa puso ni Louise. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Magsisikap ako kahit gaano kahirap. Kung kinakailangan pigilan muna ang nararamdaman. Pipigilan dahil wala ng hihigit pa sa pangarap na nakamtan dahil pinaghirapan.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon