Secret Unlocked

9 1 0
                                        

NATASHA'S POV

Nasa tapat na kami ngayon ng room ni Carl. Nakatengga dahil sa kinakabahan pa akong pumasok. Pero bukod sa kinakabahan dahil nga aamin na ako at di ko alam kung ano ang magiging kalabasan dahil baka masira ang pagkakaibigan namin at excited din naman akong makitang okay na siya.

"Shaaaaa, buksan mo na yung pinto. Pasok na tayo." Sabi ni Charity.

Paano kumpol kumpol kami nakaabang sa pinto dahil sa ang tagal ko buksan. Kanina nga lang hiyang hiya ako sa kanila. Akalain mo yun? Alam pala nilang may gusto ako kay Carl nilihim lihim ko pa. Pero hindi naman nila ako binigyan ng dahilan para mahiya eh. Minotivate at sinuportahan pa nga nila ako eh. Kaya mahal na mahal ko tong mga kaibigan ko eh. At dahil doon lalakasan ko na ang loob ko na buksan yung pinto. Unti unti ko itong binuksan. At nung mabuksan iyon ng tuluyan bumungad sa amin ang nakangiting si Carl.

"Carl bro, kamusta?"

"Uy Carl, pagaling ka na!"

"Caaaaarl! We missed you!"

"Sorry kung ngayon lang kami nakadalaw!"

"Ano bro? May masakit pa ba sayo?"

Halos sunod sunod na tanong kay Carl ng mga kaibigan namin samantalang ako naistatwa nalang na nakatingin sa kanya at wala ng masabi. Masaya lang ako na ok na siya.

"Uy guys ang ingay niyo naman! Sinira niyo yung mapayapa kong mundo dito sa ospital eh!" Pabirong sagot ni Carl.

"Uy bakit bro gusto mo na ba dito tumira?" Pagbibiro din ni Liam.

"Oo eh! Sarap buhay dito, pinagsisilbihan ka lang. Sarap pa ng mga pagkain hahaha." Sagot niya.

Sa totoo lang. Siya lang yung nabaril na masaya pa matapos maospital.

"Hahahah sira ulo ka, laki na rin ng bill niyo dito for sure! Ewan ko nalang kung masiyahan ka padin pag nakita mo yung babayaran niyo!" Pagbibiro naman ni Flinn.

"Yun lang, hahaha! Maghihirap kami dahil dito." Sagot niya.

Napatingin naman siya sakin.

"Oh, Natasha? Kanina ka pa tahimik diyan? Ikaw lang di bumati sa akin ah? Di ka ba masaya na makita ako?" Tanong ni Carl.

"Ah hindi.. hindi sa ganun.. ano.. kausap ka pa kasi nila eh. Di ako makasingit." Sagot ko.

Kinakabahan ako ng sobra kaya nauutal utal ako.

"Ahhh hindi ka ba makasingit Natasha? Bakit may sasabihin ka ba? Osige na sabihin mo na. Tahimik na kami." Sarcastic na sabi ni Margaux.

Pinandilatan ko tuloy siya ng mata para tumigil siya. Kaso di pa din ako nakaligtas sa iba ko pang mga kaibigan.

"Oo nga naman Natasha! Di ka man lang bumati! Wala ka man lang bang sasabihin sa kanya?" Sabi ni Liam.

"Tama, alam namin may sasabihin ka eh!" Sabi ni Charity.

"Wala ah!" Pagdedeny ko.

"Meron kang sasabihin o kami ang magsasabi??" Pananakot ni Reign.

Bigla naman ako nagpanic.

"May sasabihin ako! Okay na kayo? Kalma. Okay na. May sasabihin na ako." Sagot ko.

"Anong sasabihin mo Natasha?" Tanong ni Carl.

"Gusto kong sabihing..... uhmmm.. hi! Yun lang" Sagot ko.

Fuck! Bat ba ayun yung nasabi koooo?

"Ano ba yan Natashaaa ayos naman! Sabihin na kaseee!" Sabi ni Jazel.

"Pag di talaga ikaw ang nagsabi, kami nalang bahala ka talaga!" Sabi ni Louise.

"Oo na oo na! Eto na!" Sagot ko tapos lumapit kay Carl.

"Carl... ano kasi eh.. pasensya na. Hindi ko ginustong maramdaman to, pero... wala eh yun talaga nararamdaman ko eh. Carl gusto kita." Sabi ko.

"I know." Sagot naman ni Carl.

Nagulat ako sa sagot niya. At namutla.

"Alam mo din?" Tanong ko.

"Yes." Sagot nito.

"Putspa kelan pa?" Nagtataka kong tanong.

Taena. Ganun na ba ako kaobvious? Para malaman nilang lahat. Oh my gosh nakakahiya na sobra.

"I don't know, I just know. Nararamdaman ko. Hindi naman ako manhid." Sagot nito.

Actually, hindi ko naman talaga type to si Carl nung umpisa eh. Ang kulit kulit eh. Pero habang tumatagal hinahanap hanap ko na siya. Yung kulit niya, yung ingay niya, yung energy niya.

"Hi.. hindi ka ba galit sa.. sa akin?" Tanong ko.

"Kung galit ako matagal na kitang iniwasan. Eh hindi naman eh. Lalo pa nga akong lumalapit sayo." Sagot naman ni Carl.

"Carl pasensya na talaga kung sayo ako tinamaan." sabi ko.

"Okay lang, gusto ko din naman eh. Kung ganyan kagandang babae lang din naman magkakagusto sa akin choosy pa ba ako?" Sabi niya naman.

"Ayieeeeee, ayun naman pala eh! Edi magjowaan na kayong dalawa!" Pangaasar ni Liam.

Tawanan tuloy kaming lahat.

"Hoy hoy hoy Liam. Di porke may gusto ako kay Carl kapag nanligaw siya sa akin, eh magiging easy to get na ako no!" Sabi ko naman.

Totoo naman. Ang importante lang naman dito ay umamin ako sa nararamdaman ko. Kahit ako ang may gusto di pa din ako ang manliligaw no! Kung magkagusto din sa akin si Carl edi maganda! Pero liligawan niya pa din ako.

"Grabe naman! Pwede bang wala ng ligawan tayo na agad?" Pagbibiro ni Carl.

"No way!" Sagot ko.

"Joke lang naman eh. Liligawan kita syempre, sa tamang panahon. Sa ngayon tamang crush lang muna tayo. Hahahaha! Wag kang magalala Natasha, crush din naman kita." Sabi ni Carl.

OMG. Pakiramdam ko namumula ako.  Kinikilig ako sa sinabi ni Carl.

"Ayieeeee, crush nila isa't isa! Sabi sayo sha eh! Mabuti ang kalalabasan ng pagamin mo eh." Sabi ni Charity sa akin.

Yeah naging mabuti nga. Ang sarap pala sa pakiramdam nito. Para kang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Oh eh ano pag hinihintay natin?? Tara na't magcelebrate!" Sigaw ni Prince.

"Tamang tama may mga hinandang pagkain sina mommy para sa inyo. Andiyan sa table. Sabay sabay na tayong kumain guys!" Sabi ni Carl.

Napatingin siya sa akin at nginitian ako kaya ngumiti din ako sa kanya. Kanya kanya na kaming kuha ng mga pagkain namin. At dahil di makatayo si Carl kinuha ko siya ng pagkain. At dinala iyon sa kanya. Sabay sabay na kaming kumain. At tumabi ako sa kanya sa bed niya. Makapal mukha ko eh. Nakaamin na kasi.

"Thank you sha. Di mo naman ako kaylangan pagsilbihan eh." Sabi niya

"Okay lang, I insist. Nagpapractice na ako." Sagot ko naman.

"Nagpapractice saan?" Tanong niya.

"Maging jowa kita. Ano ka ba? Darating din tayo doon." Sagot ko naman.

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hahaha di ko alam na marunong din pala bumanat ang mga babae huh?" Sabi niya.

"Sus ako pa ba? Try me!" Sagot ko.

Tumawa ulit siya tapos kumain na lang ako. Masayang kwentuhan lang ang nangyari sa pagdalaw namin kay Carl. Masaya ang naging takbo ng araw ko. Lalo na't naamin ko na yung pinakagusto kong sabihin. Yung sekreto kong tinatago sa kanilang lahat na matagal na din pala nilang alam.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon