MARGAUX'S POV
Habang kumakain kami at may kanya kaniyang kausap, bigla kong napansin si Prince na tahimik na kumakain. Napansin ko rin na hindi niya kasabay sina Natasha at Charity papunta dito sa ospital. Kaya naman napagpasyahan ko na lapitan siya.
"Uy Prince tahimik ka ah? May problema ba?" Tanong ko.
He smiled at me. Alam kong meron siyang problema dahil sa ngiti niya. Halatang pilit lang.
"Ah wala, wala namang problema. Thanks for asking anyway." Sagot niya.
"You're lying." Sabi ko naman.
Totoo naman. Alam ko namang nagsisinungaling siya.
"What do you mean? I'm... fine." Sagot niya.
"Prince.. ano ka ba? Obvious na oh! Tell me, nagaway ba kayo ng mga pinsan mo? Napansin ko kasi na di kayo nagsabay kanina pag punta dito." Tanong ko.
"What? No! Never kaming magaaway ng mga yan." Sagot naman niya.
"Eh ano?" Tanong ko.
Natahimik nalang siya at napayuko. Medyo napaisip naman ako na baka nakukulitan siya sa akin at ayaw niya pa magkwento.
"Okay... sorry kung masyado na akong nanghihimasok sa mga problema mo. Pasensya na prince ah bothered lang kasi ako na nakikita kang ganyan." Sabi ko.
Bigla naman siyang ngumiti sa akin.
"Ang sarap pala sa pakiramdam no? Yung feeling na may nagaalala sayo." Sabi niya.
"Lahat naman kami dito pag nakita kang ganyan magaalala." Sagot ko.
"Pero bakit parang iba pag ikaw yung nagaalala?" Bigla niyang naitanong.
Natulala naman ako sa sinabi niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko na parang ewan. Ngayon ko lang naramdaman yung gantong pakiramdam.
"Margaux... I don't know what's this feeling pero simula nung naging close tayo hinahanap hanap na kita. Everytime I see you my heart beats fast. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin but I think... I think I like you." Sabi ni Prince.
Parehas na parehas kami ng nararamdaman ni Prince. Simula nung magkakilala kami hinahanap ko na din siya palagi. At lumalakas din ang tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. But I don't know why he seems sad ngayong sinabi niya sa akin. Dapat diba masaya siya? Parang nasasaktan tuloy ako kasi pakiramdam ko di niya gusto yung nararamdaman niya.
"Bakit malungkot ka? A...ayaw mo ba? Di mo ba gusto yung nararamdaman mo?" I asked with so much pain in my heart.
Hindi ko na din alam bat ako nasasaktan. Wala namang namamagitan sa relasyon namin. Ni hindi pa nga kami nagsisimula.
"No Margaux.. hindi ganun yun." Sagot niya.
"What? Tell me.. willing akong makinig." Sabi ko naman.
Yeah willing akong makinig kahit na pakiramdam ko masasaktan ako.
"Alright, sasabihin ko na sayo kung ano yung nagbabother sa akin." Sabi niya.
He took a deep sigh bago siya ulit magsalita. At nakatingin lang ako sa kanya.
"I really like you Margaux... and gusto kong makasama ka pa ng matagal. Pero hindi na ata mangyayari yun eh. Hindi na kita makakasama ng matagal, kayo ng mga kaibigan natin." Sabi niya.
There's tears falling from his eyes at sobra akong nasasaktan na nakikita siyang ganun.
"Anong hindi pwede? Bakit naman?" Tanong ko.

BINABASA MO ANG
Into The Forest
Misterio / SuspensoThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...