My Admirer

11 1 0
                                        

REIGN'S POV

Kasalukuyan akong nagaayos ng sarili ko dahil pupunta ako ng ospital para dalawin naming magkakaibigan si Carl nang bigla akong tawagin ni mommy.

"Nak? Are you done?" Tanong ni mommy mula sa labas ng pinto.

"Not yet. Why mom?" Tanong ko.

"Coz there's someone waiting for you downstairs." Sagot ni mommy.

Nanlaki mata ko sa narinig ko. What!? Don't tell me...

"Who??" Tanong ko.

"It's Liam, sabi niya siya na daw ang maghahatid sayo papuntang hospital." Sagot ni mommy.

Oh my gosh! Nagiistart na ba siyang manligaw??

"How long has he been there?" Tanong ko.

"20 minutes na siyang naghihintay." Sagot ni mommy.

Wtf! Nagmadali ako sa pagaayos.

"Why didn't you tell me earlier mom? Sana nagmadali na ako!" Sabi ko.

"Im sorry nak, akala ko kasi mabilis ka lang magaayos so di na kita ginulo. Ayaw mo kasing ginugulo eh." Sagot ni mommy.

"Okay mom, just tell him patapos na ako." Sabi ko.

"Sabi niya naman he's willing to wait daw eh." Sagot ni mom.

"Okay okay, bibilisan ko na po. Babain niyo na po muna siya at kausapin baka mabore siya." Sabi ko.

"Okaaay." Sagot ni mommy.

Nagmadali na ako tapos nung matapos ako ay agad akong bumaba. Naabutan ko si Liam na nakaupo sa sofa namin smiling widely.

"Good morning Reign." Bungad niya sakin.

"Good morning Liam, nagbreakfast ka na ba?" Tanong ko.

"Yeah, nagbreakfast na ako."

"Kung ganon, tara na punta na tayo agad sa ospital." Sabi ko.

"Di ka ba muna kakain? Masama magpalipas ng gutom." Tanong niya.

"Nah, hindi pa naman ako gutom saka ilang oras mo na din akong hinintay dito eh. Tapos naghihintay nadin mga kaibigan natin sa ospital. Siguro doon nalang ako bibili ng makakain." Sagot ko.

"Alright, tara na." Sabi niya tapos inoffer niya sakin yung braso niya para alalayan ako.

Medyo di ako sanay pero ang sweet niya sa part nayon kaya kumapit na din ako sa braso niya at sabay kaming naglakad palabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pinauna niya akong pumasok bago siya. Hindi talaga ako sanay, naninibago ako ngayong nanliligaw na talaga siya. Nung nasa loob na kaming dalawa kinausap ko agad siya.

"Nakakapanibago no?" Tanong ko.

"Ang alin?" Tanong niya rin tapos nagmaneho na.

"Yung ganito. Yung alam ko ng may gusto ka sa akin. Tapos ngayon ihahatid mo pa ako." Sagot ko.

"I'm sorry kung naninibago ka. Dapat kasi maaga ko na sinabi yung nararamdaman ko. Para di ka nasanay sa sitwasyon na magkaibigan lang tayo." Sagot niya.

"Okay lang naman eh, atleast di rin ako nabigla diba? At saka nagkaroon din ako ng time na makilala ka kung sino ka talaga nung hindi ka pa umaamin sa akin. Doon palang nalaman ko na na mabuting tao ka. Makulit na gago nga lang." Sabi ko.

"Grabe naman! Gago talaga? Okay na yung makulit eh!" Sabi niya.

"Oh bakit? Totoo naman yun ah! Pero alam mo, ang gago gago mo pero bat ang bait mo ngayon?" Sabi ko.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon