Big Plan

16 1 0
                                        

MARGAUX'S POV

Nakaupo kami ngayon sa sahig at hinihintay magsalita si Louise. Siya lang talaga ang inaasahan namin ngayon dahil siya ang pinakamautak sa aming apat.

"So what's the plan?" Tanong ko.

"Can I see the map first?" Tanong naman ni Louise.

Inabot ko sa kanya yung mapa tapos inilatag niya iyon sa harap namin habang nakapabilog kami. Nakita namin yung buong sketch ng kagubatan. Nakita namin, yung bahay na tinirhan namin. At yung bahay kung nasaan kami ngayon. Medyo malayo ang pagitan. Nakita din namin yung falls. Napakalawak ng ng kagubatan na ito. Kaya naman imposibleng may mabilis na makahanap ng labasan dito.

"So meron p alang pinakamalapit na daan palabas mula dito sa bahay na to?" Sabi ni Flinn.

Tinignan ko nga at oo nga. Medyo malapit na nga ito sa gate. At doon na kami dadaan pag tumakas kami.

"Yes, and diyan tayo dadaan kapag tumakas tayo." Sabi ni Margaux.

"But first, we have to plan kung paano tatakas." Sabi ni Prince.

"Yeah, maya maya andito na sila. Kaya kaylangan nating magmadali." Sabi ni Flinn.

"Tama ka. So naisip ko, pagbalik ng killer kasama yung mga kaibigan natin kahit sino man sa dalawang grupo, magtatago tayo sa likod ng bahay. Ngayon, there are posibilities na patayin niya agad yung mga kaibigan natin pag dating dito or hahanapin niya muna yung isa pang grupo, or tayo. Kapag nakita natin na papatayin na niya agad yung mga kaibigan natin na nauna niyang mahuli, aaksyon tayo agad. We'll take risk. Mas marami tayo apat tayo at kayong dalawa pagtutulungan nyo yung killer tutal may mga gamit naman na tayo. Habang kaming dalawa ni Margaux papakawalan natin yung mga kaibigan natin. At pag napakawalan na natin yung mga kaibigan natin, we'll take that killer down at hahanapin na yung iba pa nating kaibigan." Sabi ni Louise.

Lahat kami nakanganga sa kanya dahil ang taba ng utak niya. At wala kaming naiambag kundi pagsangayon.

"Eh kung hindi niya pa naman balak patayin?" Tanong ni Flinn.

"Edi that's good thing! Mas mapapadali ang proseso. Dahil habang hinahanap niya pa yung isa pang grupo eh papakawalan na natin yung mga nauna niyang dinala dito. Malamang sa malamang magwawala yun kapag bumalik siya at nakita niyang wala na yung mga kaibigan natin dito. Ngayon maghahati tayo sa dalawang grupo. Yung isa, magpapahabol sa killer palabas ng gate, at habang naghahabol yung killer yung isang grupo naman papakawalan yung mga kaibigan nating kakahuli niya lang. And they'll  take the easiest way palabas. And ipagdasal nalang natin na makatakas tayong lahat at di tayo maabutan. Kasi yun lang ang naiisip kong plano." Sabi ni Louise.

She has a very good plan. But in the end, luck pa rin namin ang masusukat. Lord wag naman sana. Hayaan nyo po sana kaming makatakas dito.

"Kaya natin to. Lalabanan natin siya hanggang dulo." Pageencourage ni Flinn.

"Sa totoo lang natatakot ako, hindi ko alam na aabot lahat sa ganito." Sabi ni Louise.

"Lahat tayo hindi inexpect to, and sa totoo lang din gusto ko magsorry sayo Louise. Kasi hindi agad kami naniwala sa inyo." Sabi ko.

"Wag na nating isipin yun, ang importante, makatakas tayong lahat dito." Sagot niya naman.

Ngumiti lang ako. Tapos tumayo na kami. Kumuha rin kami ng mga gamit pang depensa sa sarili namin. Magtatanghali na at di parin dumadating yung killer. Nahihirapan parin sigurong hanapin at hulihin ang mga kaibigan namin. Kaya inayos muna namin yung mga hinalungkat namin dito sa bahay para pagbalik nila dito ay hindi mapagkakamalan na may nakapasok na dito. Pagpatak ng tanghali, narinig na namin na may sumisigaw mula sa labas. Boses pa lang alam na alam kong si Jazel yun. Kinabahan kaming lahat. At the same time naiiyak din kami dahil alam naming nahihirapan yung mga kaibigan namin. Nakasilip kami mula sa butas ng pintuan. At nakita namin na nakagapos sila sa paa at kamay at hinihila sila ng nakahiga sa lupa. Walang malay si Ejay, Daniel at Charity at si Jazel lang ang tanging may malay at sumisigaw. Di ko napigilan ang luha ko ng makita sila.

"Parang awa mo naaaaaaaa!! Pakawalan mo na kamiiiiiiii! Please maawa kaaaaaaaa!!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Jazel.

Pero hindi siya pipapansin ng napakasamang killer na yun.

"Margaux tara na umalis na tayo dito." Sabi ni Louise na umiiyak din.

"Dito may bintana dito. Tumalon tayo." Sabi ni Flinn. Binuksan niya yung bintana tapos naunang tumalon.

Sumunod si Louise sa kanya tapos pinauna naman ako ni Prince. Kaya tumalon na ako. Mababa lang pinagbagsakan namin pero masakit pa din sa pwet kapag nahulog ka. Sumunod naman si Prince na tumalon. Saktong sakto lang pagsara niya ng bintana ay sakto ring pagpasok ng killer sa bahay. Nakasilip lang kami sa mga butas na pwede namin pagsilipan. Kitang kita namin yung kaibigan namin sa loob. Sunod sunod yung luha ko sa pagtulo habang nakikita kong nahihirapan sila. Lahat sila humihinga pa at yun ang okay dun pero napakarami nilang galos. Habang kami, wala kaming magawa kundi panoorin sila.

"Bakit mo ba ginagawa tooo? Wala naman kaming kasalanan sayo! Parang awa mo naaaaa! Hayaan mo na kaming umalis!" Pagmamakaawa ni Jazel.

Nanghihina siya pero nagmamakaawa pa din siya.

"TUMAHIMIK KA!! GUSTO MO BANG UNAHIN NA KITANG PATAYIN HA!!?" Sigaw nung killer.

Pati kami kinakabahan para kay Jazel. Nakakatakot yung mukha niya. Namumula siya sa galit. Para siyang demonyo. Hindi mali, demonyo talaga siya.

"Parang awa mo na.." Yun nalang ang tanging nasabi ni Jazel habang iyak ng iyak.

"MAAWA!? EH NAAWA BA KAYO NUNG PINATAY NYO YUNG ASAWA'T ANAK KO?? HA!?" Sigaw ng killer.

"Hindi namin alam ang sinasabi mo! Wala kaming pinapatay!!" Sigaw ni Daniel na ngayon lang nagkaroon ng malay.

Hirap pa siya pero namanage niyang sumigaw at napakasama rin ng titig niya sa killer.

"SINUNGALING!! PINATAY NYO ANG PAMILYA KOOOOO!! HAHAHAHA! Natatandan ko pa! Natatandaan ko pa yung araw na pinlano namin ng aking pamilya na ipatayong resort ang lugar na ito. Napakasaya namin." Mula sa pagsigaw naging malambing ang boses ng killer.

Malalalaman mo talagang wala siya sa katinuan.

"Napakasaya habang unti unti naming binubuo namin ang mga pangarap namin. PERO NAGLAHO ANG LAHAT NG IYON NG DUMATING SILA DITO! DUMATING SILA PARA SAKUPIN ANG LUPAING ITOOOO!!" Sigaw ng killer.

Kaming apat na nakasilip sa bahay ay maiging nakikinig sa sinasabi ng  killer.

"Sabi nila, naparito lang sila para mamasyal sa kagandahan ng lugar na ito. PERO MGA DEMONYO SILA!! sinabi lang nila yun pero gusto na pala nilang kamkamin ang lugar na ito. Pero hindi kami pumayag! At dahil doon.. dahil doon PINATAY NILA ANG PAMILYA KOOO!! PINATAY NILA NG WALANG KALABAN LABAN!! AT PATI AKO PINATAY DIN NILA!! HAHAHAHAHAHAHAHA! PERO AKALA LANG NILA NAPATAY NILA AKO." Sigaw pa nung killer.

"Malas sila, at nabuhay pa ako. Kaya nung bumalik sila dito? PINAGPAPATAY KO RIN SILA!! HAHAHAHAHAHA PINATAY KO DIN SILA! HAHAHAHAHA. AT LAHAT NG PUMUNTA DITO, PINAGPAPAPATAY KO HAHAHAHAH! DAHIL PAREPAREHO LANG KAYO. PUMARITO LANG KAYO PARA MANGAMKAM NG TERITORYO NG IBA! KAYA DAPAT PATAYIN KO RIN KAYO! HAHAHAHAH. MAMAMATAY KAYONG LAHAT!! MAMAMATAY KAYOOOO!" Sigaw nung killer.

"Pero hindi kami masamang tao.. hindi namin kayang pumatay ng tao. Hindi kami ang pumatay sa pamilya mo." Umiiyak na sabi ni Jazel.

Pero tinitigan lang siya ng killer at tumawa ng tumawa.

"Ngayon alam ko na ang dahilan ng lahat." Sabi ni Louise.

"Nagiging malinaw na nga din sakin." Sabi naman ni Prince.

"Kaya pala wala pang reviews sa internet ang lugar na ito... Kasi nagsisimula pa lang sila noon. At ang kauna unahan pa atang bumisita sa kanila ay may masama palang balak sa lugar na ito at pinatay pa ang pamilya niya at siya lang ang nakaligtas. Hindi niya kinaya ang pagkamatay ng asawa't anak niya kaya siya na nabaliw at lahat ng pumunta dito eh pinagpapapatay niya. Hula ko, wala pang nakalabas ng buhay dito kaya wala pading reviews ni isa." Paliwanag ni Louise.

"Nangangamba tuloy ako." Sagot ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Prince.

"Kasi baka magaya din tayo sa kinahinatnan nila. Baka di narin tayo makalabas dito." Sagot ko.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin dahil alam namin na may posibilidad nga na ganun ang mangyari. Pero binalik nalang namin ang tuon namin sa susunod na mangyayari at gagawin ng killer. Para maisagawa na namin ang plano namin.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon