LIAM'S POV
Kinaumagahan mula sa paggising ko mula sa bed ko ang una kong hinanap ay si Reign kasi wala na siya room namin. Actually, di lang siya. Yung iba pa naming mga kaibigan wala na.
"Asan sila? Asan yung iba nating mga kaibigan." Tanong ko.
Kami nalang kasi nina Flinn, Louise, Jazel at Daniel ang naiwan dito sa room. Si Flinn tulog pa. Si Jazel at Daniel pauwi na din dahil kasalukuyan silang nagiimpake.
"Umuwi na sila. Pwede na daw tayo makauwi sabi nung mga nurse. Sinundo rin sila ng mga parents nila eh nung nalaman agad ang nangyari sa atin." Sagot ni Louise.
"Eh bakit di ka sinundo ng parents mo jaze?" Tanong ko.
"They want to. Sabi ko wag na, kasi pauwi na din naman ako. Mas mabuti kung hihintayin nalang nila ako sa bahay. Besides,q ihahatid naman ako ni Daniel." Sagot ni Jaze.
"Alright, ingat kayo ah. Bye Jaze, bye Daniel!" Pagpapaalam ko sa kanila.
"Bye guys!" Sagot ni Jazel tapos lumabas na sila ng room.
"Oh ikaw Louise hindi ka ba susunduin?" Tanong ko.
"No, nagsabi na din ako kanila mom and dad na pauwi na ako. Hinihintay ko nalang magising si Flinn. Ayoko naman kasi siyang gisingin dahil alam kong kaylangang kaylangan niya talagang magpahinga. Ikaw hindi ka pa ba uuwi? Hinihintay mo sundo mo?" Sabi ni Louise.
"Uuwi rin naman ako. I texted mom na. Pero may aasikasuhin muna akong importante." Sagot ko.
"Hmmmm gaano naman kaimportante yan at mukhang excited na excited ang Liam namin?" Mapangasar na tanong ni Louise.
"Hahahaha! Importanteng importante to Louise. Aamin na kasi ako kay Reign. Sa kanila muna ako disiretso. So wish me luck!" Sagot ko.
"Oh my gosh yan na ngaaa!! Goodluck Liam! Support kami sayo!" Sabi ni Louise.
"Hahaha salamat Louise! Osiya aalis na ako ah, ipaalam mo nalang ako kay Flinn pag nagising siya." Sabi ko.
"Walang problema." Sagot ni Louise.
Ngumiti muna ako kay Louise bago umalis. Pagkalabas na pagkalabas ko ng ospital pumara ako ng taxi kasi wala akong dalang sasakyan. Buong biyahe kinakabahan ako sa kung anong sasabihin ko, kung paano ko sisimulan, baka magalit siya sakin or what. I don't know! Basta kinakabahan talaga ako. Mas lalo pa nung nararamdaman kong papalapit na ako ng papalapit sa kanila. Ewan ko ba, matapang naman ako kahit saan pero pag dating kay Reign nanlalambot ako. Si reign kasi simula nung nagkakilala kami napakabait niya sakin, napakabait niya lang talaga. Tapos parang may gayuma yung ngiti niya na nakakaadik talagang tignan. Kung tutuusin mas hinahanap hanap ko pa siya kesa sa cellphone ko. Ewan ko ba kung bakit. Ang lakas lang talaga ng tama ko sa kanya. Nang makarating ako sa bahay nila Reign medyo nagdalawang isip ako. Kasi lakas talaga ng kaba ko. Paano kasi pag nagalit sa akin si Reign? Edi friendship over na? Ayoko naman ng ganun. Pero basta! Iririsk ko na to. Kasi life is too precious to waste. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang ang buhay natin kaya dapat sabihin na ang dapat sabihin. Pumasok ako sa gate nila. Pinapasok naman ako ng guard kasi kilala na ako ng guard nila. Nagdoorbell ako sa pinto. At bumungad sa akin ang mommy niya.
"Hi good morning po tita." Bati ko.
"Oh iho, pumasok ka. Ano? Okay ka lang ba? Are you hurt?" Pagaalala ng mommy ni Reign.
"No tita, okay na po ako. Actually, kaya po ako pumunta dito kasi kakausapin ko po sana si Reign. Asan po ba siya?" Tanong ko.
"Ah si Reign, paguwi namin diniretso namin sa kwarto niya para makapagpahinga. Natrauma ng sobra ang babygirl ko." Sagot ni tita.
"Pwede ko po ba siyang makausap?" Pagpapaalam ko.
"Sure, if she is not sleeping. Puntahan mo nalang siya doon sa kwarto niya." Sagot ni tita.
"Thank you po." Sabi ko tapos naglakad at umakyat papunta sa kwarto ni Reign.
Kumatok ako.
"Come in." Sagot ni Reign.
Pagpasok ko medyo surprised siya na nakita ako but then she smiled and waved at me.
"Hi! Bakit andito ka? Hindi ka ba umuwi sa inyo?" Bungad niya sakin.
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya at lumapit ako sa kanya. Nararamdaman kong nagsisitayuan lahat ng balahibo ko nung malapit na ako sa kanya.
"Ah.. eh.. oo. Hindi pa ako umuwi.. ano kase.. may sasabihin pa ako sayo.." utal utal kong sabi.
Medyo nagtaka naman siya.
"Sasabihin? What is it? Pwede mo ng sabihin." Sabi niya.
"Ahh.. wag nalang kaya?" Tanong kom
Medyo naghehesitate kasi talaga ako lalo't kaharap ko siya. Nabubulol pa ako.
"What? Kaya nga pumunta dito diba, dahil may sasabihin ka? Go on. Wag ka na mahiya." Nakangiti niyang sabi sakin.
Napabuntong hininga muna ako saka ako nagkaroon ng lakas ng loob talaga.
"Okay sige Reign.. Sasabihin ko na but, blease promise me na hindi ka magagalit." Sabi ko.
Tumango naman siya.
"Reign..... Gusto kita. Hindi ko na kayang itago pa yung nararamdaman ko. Kasi ayokong dumating sa point na wala ng chance para sabihin sayo. Pasensya ka na kung nagustuhan kita, hindi ko sinasadya pero ayun talaga yung nararamdaman ko eh. Ang hirap pigilan. Ang hirap pigilan na mahalin ka. Reign sorry, pero wag ka sanang magalit sakin please." Sabi ko.
Nakangiti lang siya habang pinakikinggan ako.
"Are you serious? Baka naman binibiro mo lang ako." Di makapaniwalang tanong niya.
"Sa ganitong pangyayari talaga ako magbibiro Reign? Hindi ko gagawin yun malamang! Alam kong galing pa tayo sa trahedya para manggoodtime lang ng kaibigan." Sagot ko.
"Oh my gosh I can't believe you! Kelan paaaa?" Tuwang tuwa niyang tanong na parang akala mo wala lang nangyari.
Kaya medyo gumaan naman din ang loob ko.
"Since the day I met you." Sagot ko.
"Wooow tagal na tapos tinago mo lang! Oh my gosh Im so proud of you! Galing mo magtago." Sabi niya.
Akalain mo ba naman na hindi siya nagalit o nailang sa akin. Tuwang tuwa pa dahil ang galing ko daw magtago. Abnormal diba?
"Natatakot ako eh. Pero ngayon nagkaroon na ng lakas ng loob." Sagot ko.
"Hahahaha you silly! All this time may tinatagong pagtingin ka pala sa akin haaaa." Pangaasar niya.
"Actually hindi lang ako nagtago. Alam ng mga kaibigan natin na gusto kita. Matagal na. Ikaw lang di nakakaalam." Sabi ko.
"Oh my goodness really!? Ganun na ba ako kamanhid? Shocks! It's so funny!" Patawa tawang sagot ni Reign.
"Reign, seryoso. Gusto talaga kita. Pwede bang... pwede ba kitang ligawan?" Tanong ko.
"Hmmmmm." Napahawak siya sa sintido niya na parang kala mo may malalim na iniisip.
Kinabahan nanaman ako kasi baka bustedin niya ako.
"Okay lang naman kung hindi mo ko papayagan. Makakapaghintay naman ako." Sabi ko.
"But my answer is... yes!" Sagot nito.
Lumapad talaga yung ngiti sa labi ko. Tapos feeling ko talaga nanalo ako sa lotto ng marinig ko yung sagot niya. Sobrang goosebumps talaga.
"Yeeeees? Woooooow! Yeeeeeees!! Thankyou Reign I love youuuuu!" Sabi ko sa kanya.
Napatawa nalang siya. Niyakap ko siya after niya magyes sa akin. Tapos nagusap at kwentuhan muna kami saglit bago ko magpaalam at umalis kasi kaylangan ko din umuwi sa bahay para ang parents ko naman ang kausapin ko.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Детектив / ТриллерThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...
