JAZEL'S POV
We're heading our way pauwi ng bahay. Kasama ko si Daniel, nagpahatid lang kami sa taxi. Pareho kaming lagot sa parents ko dahil sa nangyari. Pero hindi pa ako nakakapagpasalamat kay Daniel sa pagpoprotekta sa akin palagi at di lang sakin pati na din sa mga kaibigan ko.
"Daniel, alam kong kinaiinisan natin ang isa't isa pero ibababa ko ang pride ko ngayon, para magpasalamat sayo sa pagligtas sa akin at mga kaibigan ko most of the time." Sabi ko.
"Wow, nagtithank you ka ba talaga sa lagay na yan? parang utang na loob ko pa talaga na binaba mo ang pride mo para lang magthank you." Walang kaekspreekspresyon niyang sagot.
"Grabe! Wala ka ba talagang kabaitan sa katawan mo na natitira para sa akin? Kahit konti lang? Nagthank you na nga ako!" Naiinis kong sagot.
"Totoo naman. Kung magtithank you ka, dapat di labag sa loob mo, hindi yung napipilitan ka na ibaba ang pride mo dahil may utang na loob ka sa akin." Sagot naman niya.
"Bukal naman sa loob ko yun! Kaya nga binaba ko na pride ko!" Sagot ko.
"Kung naiinis ka sakin naiinis ka yun lang yun. Hindi yung sasabihin mong ibababa mo yun pride mo para magthankyou sa akin, tapos sa susunod na araw naiinis ka nanaman sakin. Hindi ganun yon."Sagot naman niya.
"Eh kaya nga ako nagbababa ng pride ko para magkaayos tayo eh! Para maging ok na tayo!" Sabi ko.
Bigla naman siyang parang nabigla kaya napatingin siya sa akin. Nagtaka naman ako.
"Bakit? May nasabi ba akong masama?" Tanog ko.
"Gusto mong maging okay tayo?" Tanong niya.
Ako naman ang napahinto ng marealize ko kung anong sinabi ko.
"H..ha?" ang tangi kong naisagot.
"Sabi mo gusto mong magkaayos tayo?" Tanong niya.
"O..oo naman!" Sagot ko naman sabay iwas ng tingin.
Pakiramdam ko kasi namumula buo kong mukha. Parang biglang uminit at pinagpawisan ako ng malagkit. Bakit ganooooooon!!?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Bakit ka namumula?" Halakhak niyang wagas parang kala mo walang bukas.
Ngayon ko lang siya narinig at nakitang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka tumatawa!?" Sigaw ko sa kanya.
"Eh bat ka namumla? Hahahaha!" Pangaasar niya.
"Hindi ako namumula no!!" Sigaw ko.
"Ahhhh, hindi ba? Sige hahaha! Sabi mo eh. Anyway, sa sinasabi mong gusto mong magkaayos tayo... hmmmmm, napakaimposible kasi." Sagot niya.
"Anong imposible? Bakit?" Tanong ko.
"Ayaw kitang kaayos eh. Forever enemy kita." Sagot niya.
Huh! Sama talaga ng ugali niya! Dapat di na lang ako nag thankyou sa kanya! Walangya!
"Oh wag ng magsalubong ang kilay ang panget mo pag galit! Andito na tayo sa inyo, manong dito nalang po."
Nagabot siya ng bayad sa taxi driver. Bigla nman akong sinampal ng reyalidad na lagot ako sa parents ko. Kinakabahan ako. Kung kanina pinagpapawisan ako, ngayon nanlalamig ako. Lumabas na si Daniel tapos tinignan niya ko paglabas niya.
"Bat di ka pa lumalabas?" Tanong niya.
"Kinakabahan ako." Sagot ko.
"Bat ka naman kinakabahan?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mistério / SuspenseIn the forest where they are the only people. Expected fun but, they experienced something different. No of them likes what happened but repentance is too late. Run, hide and fight. These are the options. But what really happened in that forest? How...