We're Leaving

18 1 0
                                        

JAZEL'S POV

After naming mabasa yung letter eh nagtatakbo kami ni Margaux pababa. Nagpapanic at kinakabahan. Agad naming naabutan yung mga kaibigan namin na nanonood padin.

"Guys! Guys! Look what we saw on our room!!" Sigaw ni Margaux.

Ako naman di pa din makapagsalita.

"What's happening? Bakit kayo nagpapanic?" Agad na bungad ni Louise na kalalabas lang ng kusina.

"Nakita namin yung sulat na to." Kalmado pero kabado kong sabi at inabot sa kanila yung sulat.

Agad naman nilang binasa yun. Nang matapos basahin hindi maipaliwanag ang mararamdaman ng bawat isa.

"Fuck! So it's real? Totoo yung mga hinala nyo?" Sabi ni Carl.

"Ayoko namang mangyari, pero parang ganun na nga." Sagot ko.

Tumutulo na yung luha ko kasi matatakutin talaga ako at nerbyosa. Knowing na hindi kami safe dito at wala kaming mahihingan ng tulong ni isa, eh natatakot na ako ng sobra.

"So we have to leave now! Magimpake na tayo ng mga gamit natin at umalis na tayo dito." Sabi ni Daniel.

"Are we sure? Baka naman wala lang yan at trip trip lang ng nagsulat? Oh kaya naman, isa lang sa atin ang may gawa niyan para manakot? It's not funny guys! Umamin na kayo." Sabi ni Natasha.

"Sure or not we are going to leave!! There is no other option!" Sagot naman ni Louise.

"Saan kayo pupunta?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Kinilabutan ako ng sobra ng makita ko yung lalaking may ari ng bahay. Kalmado lang siya, kaya hindi kami nagpahalata na natatakot kami at may nalalaman kami tungkol sa kanya.

"Ahh sir, napagdesisyunan na kasi namin na aalis na kami. Kasi, may emergency po sa lugar namin eh. Babayaran nalang po namin yung renta namin." Sagot ni Prince.

Kalmado lang siya at di nagpapahalata ng takot.

"Ahhh ganun ba?" Sabi nung may ari.

"Opo. Ahhh, ehhh.. ito po yung.. yung bayad." Kabadong sagot ni Louise. Habang nagaabot ng cash.

Binigyan siya ni Louise ng pera. Wala na kaming pake sa kung magkano ang renta ang gusto lang namin ay makaalis ngunit tinignan lang ito ng may ari. Walang kaemo emosyon.

"Maiwan ko muna kayo dito. Kukuha lang ako ng panukli." Sagot nito at tumalikod sa amin.

Lumabas siya ng pinto tapos agad naman iyong sinara ni Liam ng makaalis na ito.

"Guys! This is it! Kuhanin na natin ang mga gamit natin at magmadaling magimpake! Kumuha lang yun ng tyempo para kumuha ng resbak niya! Panigurado!" Sabi ni Ejay.

"Yeah I know! I can see it in his eyes. Obviously, alam niyang alam natin ang balak niya." Sagot naman ni Daniel.

"Oh kaya ano pang hinihintay natin!? Magmadali na tayo!" Sabi ko at nanguna na sa pagakyat sa kwarto.

Agad naman silang nagsunuran at nagsipunta sa kani kanilang mga kwarto para kuhain ang kanya kanyang mga gamit. Nang matapos na naming kunin ang mga gamit namin agad kaming lumabas ng bahay at sama samang naglakad papalayo sa bahay. Kaylangan namin makabalik sa pinagparkan namin ng kotse. Sobra na akong natatakot. Habang papalapit na kami ulit sa kagubatan na pinanggalingan namin, nakasalubong naman namin ang nagmamadaling naglalakad na may ari ng bahay na may dala dalang malaking palakol.

"Hindi ko kayo hahayaang makalabas ng buhay dito!!" Sigaw nung lalaki.

Patawa tawa at nakangisi yung lalaki habang papalapit sa amin. Kaya nagtakbuhan kami at nagkahiwahiwalay ng mga landas. Kami napunta sa kanan na side nila Daniel, Charity at Ejay. Sa kaliwang side naman sina Louise, Flinn, Margaux at Prince. Sa likod naman pabalik sina  Natasha, Carl, Reign at Liam.

"Guys natatakot na ako ng sobra!!" Sabi ko.

Iyak na ako ng iyak pati si Charity umiiyak na din. Di namin alam na ganto ang mangyayari.

"Wag kang magpanic Jazel, focus. Para di tayo maabutan nung killer na yon." Sagot ni Daniel.

"Bakit ba niya tayo gustong patayin??" Sabi ni Charity.

Tumatakbo parin kami kaya hingal na hingal na kami.

"Ang sabi sa sulat, wala daw sa tamang pagiisip!!" Sagot ni Ejay.

Hinawakan niya si Charity sa kamay at sabay silang tumakbo.

Hindi na namin alam kung nasaan na kami. Natatakot na kami para sa sarili namin at natatakot na din kami para sa mga kaibigan namin na nahiwalay. Since parang wala ng sumusunod sa amin, napagdesisyunan namin na huminto muna.

"Mukhang hindi sa direksyon natin sumunod ang killer." Sabi ni Daniel.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Charity.

"Nagkahiwa hiwalay tayo kanina. Kaya hindi niya tayo mahahabol ng sabay sabay." Sagot ni Daniel.

"Ibigsabihin may isa lang siyang nasundan." Sabi ni Ejay.

"At hindi tayo yun." Sagot ni Daniel.

"Paano ka naman nakasisigurong hindi niya tayo nasundan?" Tanong ko.

"Kung sinundan niya tayo, kanina pa natin naririnig na may humahabol satin. Isa pa, huminto na tayo ngayon. Dapat nandito na din siya sa mga oras na to kung sinundan niya tayo." Sagot ni Daniel.

"Tama ka, pero pano naman kaya yung mga kaibigan natin? Pano kung naabutan na sila ng killer? Si Natasha, yung kapatid kooooo!" Hagulhol ni Charity.

Agad naman siyang niyakap ni Ejay.

"Kung sino man ang hinahabol ng killer ngayon, kaylangan nilang wag magpahuli o gumawa ng paraan para makatas sila at kung maaari ay mahuli dapat nila yung killer. Habang hinahabol pa sila, gagamitin natin yung oras na ito, para hanapin ang daan palabas. Dahil kahit anong oras pwedeng nandito na rin yung killer sa paligid natin kung di niya naabutan ang ibang mga kasama natin." Letanya ni Daniel.

Kaya naglakad kami ng marahan habang nagmamasid sa palagid namin. Hindi namin alam kung nasaan kami dahil napunta kami sa kanang direksyon. At wala na kaming idea kung saan kami napadpad. Ang tanging magagawa namin ay manalangin na sana hindi kami maabutan nung killer na yun dito.

"Magdidilim na, paano natin mahahanap ang daan?" Tanong ni Cha.

"Pagdumilim mamaya, kaylangan natin maghanap ng mapagpapahingan na ligtas at di tayo makikita." Sabi ni Daniel.

"Tama ka. Hindi tayo makakakilos ng maayos pag gabi. At kaylangan narin nating magpahinga." Pagsangayon ni Ejay.

"Natatakot ako love.. baka maabutan tayo ng killer." Sabi ni Charity.

"Wag kang magalala poprotektahan kita." Sagot naman ni Ejay.

Bigla naman akong nainggit. Kasi sinong magpoprotekta sakin?

"Wag kang magalala di kita pababayaaan. Gagawin ko tungkulin ko." Biglang sabi ni Daniel.

Kumunot noo ko.

"Binabasa mo ba nasa utak ko ha??" Tanong ko.

"Di ko na kaylangang basahin obvious na obvious na sa mukha mo eh." Sagot naman niya.

Inirapan ko lang siya. Tapos nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Sana lang hindi kami nasundan nung killer.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon