Saving Friends

14 1 0
                                    

CHARITY'S POV

Nagising na lang ako ng tumatawa yung killer sa harap namin. Tawa siya ng tawa ng parang walang bukas. Tinignan ko si Ejay na nasa tabi ko. Naiiyak nalang ako kasi hanggang ngayon di pa din siya gising. Alam kong mahirap yung pinagdaan nila ni Daniel kanina para maprotektahan lang kami ni Jazel.

**********Flashback**********

Naglalakad kami at naghahanap ng way palabas ng kagubatan. Ng biglang may humarang sa amin. Nagulat nalang kami na nasa harap na namin yung killer. Tatakbo pa sana sana kami kaso nahablot kaming dalawa ni Jazel nung killer.

"Bitawan mo sila hayop ka!!" Sigaw ni Ejay.

"Hahahahaha! Bitawan? Ano ako gago? Hahahahahah! BAKIT KO BIBITAWAN TONG MGA MAMAMATAY TAO NA TO!?" Sigaw nung killer.

Nanggigigil siya sa galit.

"Kung meron mang mamamatay tao dito, ikaw yun." Sagot ni Daniel. Kalmado lang siya at parang di siya makikitaan ng takot.

"TUMAHIMIK KA!! KUNG GUSTO NIYONG MABUHAY TONG DALAWANG TO, SUMUNOD KAYO NG MAAYOS SA AKIN!" Sigaw nung killer.

"May armas ka na duwag ka pa? Kung ako sayo lalaban ako ng patas. Labanan mo kami, bitawan mo yung mga babae." Sabi ni Daniel.

Nanggigil yung killer at agad kaming binitawan. Sinugod niya si Daniel ng palakol. Pero nakailag siya. Dahil nga sa marunong siya sa martial arts alam niyang makipaglaban at mag self defense.

"Ejay itakas mo na yung dalawang babae!!" Sigaw ni Daniel.

Agad kaming nilapitan ni Ejay.

"Tara na tumakas na tayo!" Sabi ni Ejay.

"Teka, pano si Daniel?? Di niya kakayanin magisa yan! Tulungan mo siya Ejay kaming dalawa ni Cha tatakas kami! Please iligtas nyo sarili nyong dalawa!!" Sabi naman ni Jazel.

Hindi nga din naman namin pwedeng iwan magisa si Daniel. Agad na bumalik si Ejay para tulungan si Daniel.

"Cha halika na!!" Sigaw ni Jazel.

Pero hindi ko kayang umalis. Hindi ko kayang iwan si Ejay.

"Cha halika na tumakas na tayo!!" Sigaw pa ulit ni Jazel.

"Jaze di ko kayaaa." Sagot ko habang iyak ng iyak.

"Cha kaylangan na natin umalis!" Sabi ni Jazel.

"Paano silaaaa? Iiwan nalang ba natin sila dito? Iiwan nalang natin sila na alam nating pwede silang mamatay anytime?" Iyak ako ng iyak habang sinasabi yun.

"Chaaaaa!" Naiiyak na sabi ni din Jazel.

Hindi ko siya pinansin at di ako makagalaw habang pinapanood na makipaglaban si Ejay at Daniel. May hiwa na si Daniel sa tiyan at si Ejay naman napukol na ng killer sa ulo ng hawakan ng palakol at nawalan na siya ng malay. Di ko napigilang mapasigaw. Lalapit na sana ako kaso pinipigilan ako ni Jazel. Napakahigpit ng hawak niya sakin para lang di ako makalapit sa kanila. Iyak ako ng iyak. Si Daniel nalang ang nakikipaglaban. Wala siyang kahit anong armas at dahil may sugat na siya nanghihina na din siya. Tapos kami dito nanonood lang dahil wala naman kaming magawa.

"Cha umalis na tayoooo!" Sigaw ni Jazel.

"Ayokooo.. si Ejay? Si Daniel? Paano sila. Si Ejay walang malay Jaze! Di ko kayaaaa." Sagot ko.

Nawalan na din ng malay si Daniel at agad napunta sa amin ang tingin ng killer. Napatakbo nalang din ako ng bigla akong hinila ng mabilis ni Jazel. Tumatakbo na siya at nakakaladkad na ako kaya napilitan nalang din ako ng tumakbo. Pero nawalan nalang din ako ng malay ng may biglang pumukpok sa ulo ko.

*********End of flashback********

At yun nagising na nga lang ako sa tawa ng hayop na killer na to. Bigla kong naramdaman na nagkakamalay na si Ejay at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong may malay na siya.

"Jaaaay, gising ka na." Iyak ako ng iyak ng makita kong nakabukas na yung mata niya.

"Shhhh, tahan na.. okay ka lang ba?" Tanong niya.

Tumango lang ako dahil iyak na ako na iyak.

"HAHAHAHAH GAGO! Ang dadrama nyo! Osiya osiya, sige. Bibigyan ko muna kayo ng pagkakataon na makapagdramadrama. Habang hinahanap ko, yung iba nyo pang mga kasama." Pangaasar nung killer.

"MAS GAGO KA!" sigaw naman ni Daniel.

"TUMAHIMIK KA! BAKA GUSTO MONG MAGBAGO ANG ISIP KO AT PATAYIN KO NA KAYO AGAD NGAYON!?" Sigaw ng killer.

"Parang awa mo na please, wag mo kaming patayin." Sabi ni Jazel.

"Hahahah! Oo. Hindi muna. Dahil gusto ko, makita nyo din mamatay ang isa't isa. Hahahahahaha! Kaya dito lang muna kayo. Dahil hahanapin ko pa yung iba." Sabi niya habang pabago bago ang ekspresyon ng mukha.

Lumabas siya ng bahay. At umalis.

"Ayos ka lang ba, Daniel?" Tanong ni Jazel kay Daniel.

"Ayos lang. Pero yari ako sa tatay mo." Sagot nito.

"Wag mo na munang isipin yun. May hiwa ka. Baka maubusan ka ng dugo." Pagaalala ni Jazel.

"Hayaan mo na wag mo ng pansinin. Di naman malalim yung hiwa. Magsusugat lang yan." Sagot ni Daniel.

Bigla namang bumukas ang pinto akala namin yung killer ulit bumalik para patayin kami. Pero nagkaroon kami ng pagasa ng makita namin na sila Louise, Flinn, Prince at Margaux yun. Agad nila kaming pinakawalan at may mga hawak silang sandata.

"Ligtas kayo! Salamat sa Diyos!" Sabi ni Jazel tapos niyakap sila.

Ako naman di parin tumitigil ang luha ko lalo ng makita ko sila at nakawala na din kami.

"Kaylangan na natin kumilos guys. Kumuha na kayo ng mga sandata nyo. Anytime pwedeng bumalik yung killer." Sabi ni Flinn.

Agad kaming kumuha ng kanya kanya naming mga sandata. Tapos agad sinabi sa amin ni Louise yung pinlano nila kanina. Naghati kami sa dalawang grupo. Magkakasama yung mga lalaki, at magkakasama yung mga babae. Yung mga lalaki sila yung naka assign na magpahabol sa killer. Tapos kaming babae naka assign na pakawalan yung natira naming mga kaibigan. Umalis na agad kami sa bahay dahil baka maabutan kami sa loob. Nagabang kami sa likod ulit ng bahay.

"Let's do this guys! Let's get this asshole down." Sabi ni Daniel.

Nanggigigil talaga si Daniel sa kanya dahil sila yung huling nakalaban.

"Tandaan nyo, importante ang buhay natin. Kaylangan nating makalabas ng buhay dito. Our number one rule, stay alive!" Sabi naman ni Louise.

Kung ako lang, natatakot talaga ako pero dahil sa kanila nagiging matatag ako. Isa pa, kaylangan kong maging matapang. Kasi ililigtas ko pa yung kapatid ko. Kaya takot man, hindi ako nagpapakita ng kahit anong sign.

"Alam kong nangangamba ka, pero andito lang ako." Bulong sakin ni Ejay.

Kilala niya talaga ako. Hindi ko na kaylangang magsalita para lang malaman niya yung nararamdaman ko. Hinawakan ko nalang yung kamay niya.

"I love you." Sabi ko.

"Saka na yung reply ko sayo diyan. Kapag nakalabas na tayo dito pareho. Okay? Kaya kung gusto mong marinig yung sagot ko diyan, kaylangan makaligtas ka." Sabi niya naman.

Ngumiti nalang ako at tumango.

"Ikaw din love. Hihintayin ko yung I love you too mo." Sagot ko.

"Tama na muna landi guys. Focus!" Pagbibiro ni Flinn.

Tinawanan nalang namin siya at nagabang kung paparating na ulit yung killer.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon