EJAY'S POV
Buong oras sa biyahe wala akong ibang iniisip kundi si Charity. Kung ok lang ba siya, may masakit ba sa kaniya, kumain na ba siya, basta. Nagaalala talaga ako sa kanya. Alam kong iyak ng iyak yun at nagaalala na yun sa akin. Gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit para makita niyang okay lang ako. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating din kami sa ospital. Excited na excited na akong makita ang mga kaibigan ko, pati na din si Charity. Agad kaming dumiretso sa room nila. Doon, naabutan namin sila na nagpapahinga. Tulog na yung iba. Ang natitirang gising ay si Prince, Natasha, at Charity. Sinalubong niya ako ng mahigpit na mahigpit na yakap kaya niyakap ko din siya. Wala siyang ibang sinabi iyak lang siya ng iyak.
"Bat hindi ka nakatulog? Gabi na?" Tanong ko habang nakayap sa kanya.
"Hindi ako nakatulog kakahintay sayo. Nagaalala ko ng sobra." Iyak siya ng iyak.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Napakasweet at cute talaga ng babaeng to. Sobrang swerte ko sa kanya.
"Okay na akooo, wag ka ng magalala. Andito na ako." Sagot ko.
Pumiglas siya sa yakap, tapos chineck ako.
"May masakit ba sayo? May sugat ka ba? May tama ka ng bala? Ano? May nararamdaman ka ba? Sabihin mo." Sabi niya.
"Wala po. Wala pong masakit. Nawala na po lahat. Nung makita kita." Sabi ko.
"Wag ka na magbiro! Alam kong may masakit sayo." Sagot naman niya.
Tumingin naman siya kanila Flinn, Daniel at Liam na kasalukuyang kausap nina Carl at Natasha.
"Kayo okay lang ba kayo?? Naku! Flinn may sugat ka sa binti!" Pagaalala ni Charity.
"Ayos lang, malayo naman sa bituka yan. Saka maya maya pupunta rin dito yung mga nurse." Sagot ni Flinn.
"Naku, buti nalang at tulog na si Louise. Sigurado ninerbyosin yun pag nakita niyang may sugat ka." Sabi ni Natasha.
"Mabuti nga yun, para hindi na din siya magalala. Saka mabuti nga't magpahinga na muna siya." Sagot ni Flinn.
Si Liam naman lumapit kay Reign at pinagmasdan itong natutulog. Si Daniel humiga na agad sa bed. Naiintindihan ko naman kasi alam kong, pagod na pagod siya at sobrang sakit ng katawan niya. Humarap ulit sa akin si Charity.
"Masaya ako na andito ka na at ligtas ka love." Sabi niya.
"Weh? Kiss mo nga ako." Pagbibiro ko.
"Ano ka ba kitang madaming tao dito!" Sagot niya sabay hampas sa braso ko.
Kaya agad ako napaaray dahil may pasa ako doon.
"Ay sorry sorry! Sorry loveeee." Sabi niya sabay himas ng maahinhin sa braso ko.
"Okay lang loveee. Magpahinga ka na." Sabi ko sa kanya.
Sakto namang pumasok yung mga nurse.
"Yung mga new patients, punta na po sa mga bed nila para macheck namin." Sabi ng isang nurse.
"Love, magpahinga ka na ah. Magpapagamot lang ako." Sabi ko ulit kay Charity.
Ngumiti naman siya at tumango kaya pumunta na ako sa bed ko para magamot ako ng nurse. Kitang kita kong nakangiti lang sakin si Charity habang ginagamot ako nung nurse.
"Hindi naman po kayo nabalian ng buto sir? Wala po kayong nararamdaman na sobrang sakit?" Tanong nung nurse.
"Wala naman. Hindi ko alam kung nabalian ba ako ng buto, hindi ko na kasi iniintindi yun." Sagot ko.
"Ah ganun ba sir, okay lang po kasi magixray naman po kayo eh para macheck kung may mga nabaling buto sa inyo." Nakangiting sagot ng nurse sa akin kaya nginitian ko din siya.
"Ganun po ba salamat po." Sagot ko.
"Hmmm painumin ko lang po kayo ng gamot sir, eto po. Para mawala yung pananakit ng katawan mo." Sabi ng nurse.
Kinuha ko yung gamot tapos ininom na iyon.
"Yan, okay sir. Aalis na po ako. Patawag niyo lang po ako pag may kailangan kayo ah? I hope you'll get better soon." Sabi ng nurse.
"Of course he'll get better soon nurse. Wala kaming balak magtagal dito."
Napatingin kami sa nagsalita. Si Charity pala nasa likod na ng nurse. Nakangiti siya pero alam kong plastic yun. Nako lagot na. Nagseselos nanaman.
"Ah that's good to hear maam, why are you not on your bed maam? Kaylangan niyo po magpahinga at magpagaling para po... Di kayo magtagal dito." Sagot naman ng nurse.
Nakangiti rin ito pero alam naming sarcastic lang yun.
"I want to check my boyfriend kasi eh. Kung anong iinumin niya baka kasi kung ano ipainom mo sa kanya." Sabi naman ni Charity.
Ayan na nga. At umiral na yung pagka maldita niya.
"Ah nurse, maraming salamat po sa pagcheck sa akin at pagpapainom ng gamot. Tawagin ko nalang po kayo pag may kaylangan ako." Singit ko.
Para umalis nalang yung nurse. Ngumiti at tumango nalang ito tapos umalis. Nung nakaalis ito ang sama ng tingin sa akin ni Charity.
"Loveeeee, ano nanamang ginawa ko?" Tanong ko.
"Bat ngiting ngiti ka habang kausap mo yung nurse kanina?" Tanong niya.
"Love naman. You need to be kind kasi sa mga nagtatrabaho dito diba, wala naman yun eh. Wag ka ng magselos okay?" Sabi ko.
"May gusto ata sayo yun eh!" Sabi niya.
"Wala naman siguro love. Ginagawa niya lang ang trabaho niya." Sagot ko.
"Eh kung makahawak hawak sayo eh. Nagpapapansin lang yun eh." Nakapout niyang sabi.
"Kahit magpapansin pa siya love. Wala akong pake. Ikaw nga yung love ko diba? Ikaw lang wala ng iba. Kahit sino pang babae iharap mo sa akin, hinding hindi ako maaattract." Sagot ko.
"Weeeeh? Talaga lang ah. Ako lang love mo ah." Sabi niya.
"Ikaw lang ang love ko promise. I love you." Sabi ko.
Ito yung pinangako ko sa kanya na sasabihin ko kapag nakatakas kami sa forest na yun.
"I love you too." Sagot niya.
"O siya, bumalik ka na sa bed mo at magpahinga. Magpapahinga na din ako. Medyo masakit din katawan ko eh." Sabi ko.
"Hmmm sge. Basta pag may kaylangan ka ako muna ang una mong tawagin ah? Ako magtatawag ng nurse." Sabi niya.
"Love wala na akong ibang kakaylanganin pa. Ikaw lang." Pagbanat ko sa kanya.
"Ikaw talaga love! Palabiro ka talaga. Sige na babalik na ako sa bed. Rest well." Sagot niya tapos bumalik na sa bed niya.
Ako naman nagpahinga na. Dahil masyado ding masakit ang katawan ko at pagod. Sa halos ilang araw ba namang pagtakas mula sa killer. Nagugutom nga din ako eh. Pero mas gusto ko magpahinga. Kaylangan ko magpahinga sa kabila ng lahat. Sobrang nakakarelief lang na ligtas na kami.

BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...