LOUISE'S POV
Inabot na kami ng umaga sa kakahanap ng daan palabas ng kagubatan na ito. Nagpalipas kami ng gabi sa likod ng isang malaking puno para matulog at magpahinga. Hindi kami naabutan ng killer kaya dapat kumilos na kami ng mas maaga. Kaso tulog pa si Margaux at Prince. Ako at si Flinn pa lang ang gising.
"Flinn kaylangan na natin kumilos. Magpatuloy na tayo sa paghahanap ng malalabasan." Bulong ko kay Flinn dahil baka sakaling may makarinig sa amin.
Agad naman niyang ginising si Prince at Margaux.
"Margaux.. Prince.. gising na lalakad na tayo." Bulong ni Flinn.
Alertong nagising sina Prince at Margaux at bumangon. Paalis na sana kami ng may marinig kaming kaluskos na may taong paparating. Nagtago ulit kami sa likod ng puno. Nananayo ang mga balahibo ko habang naririnig namin ang papalapit na yabag ng isang tao. Naramdaman kong medyo nakalagpas na sa amin ang yabag kaya sinilip ko ng kaunti. Nakita ko yung killer naglalakad patungo sa isang direksyon. Nakatalikod siya pero alam kong siya yun.
"Yung killer.." bulong ko.
"Hintayin na natin siyang makalayo. Tapos umalis na tayo." Pabulong na sabi ni Margaux.
"No. Sundan natin siya." Pabulong kong sagot.
"What?? Mapapahamak tayo kapag sinundan natin sya!" Bulong ni Prince.
"Pero pag sinundan natin siya, maaaring malaman natin kung saan siya nagtatago at malaman din natin kung anong dahilan niya bakit niya ginagawa to." Pabulong kong sagot.
"Pero hindi na yun mahalaga ngayon. Importante makatakas tayo." Sagot ni Prince.
"Not without our friends. Sama sama tayong lalabas dito. Kaya kaylangan natin malaman kung saan nagtatago ang lalaking yun. Malamang alam niya ang pasikot sikot dito and kapag sinundan natin siya may chance na mailigtas din natin ang mga kaibigan natin." Sagot ko.
"Tama siya. Mabuting sundan natin ang killer." Pagsang ayon ni Flinn.
Sumangayon din naman ang dalawa kaya dahan dahan kaming naglakad. At maingat na nagtatago sa mga puno habang sinusundan namin ang direksyon na tinatahak ng killer. Habang naglalakad ay palingon lingon ang killer. Nararamdaman niya sigurong may sumusunod sa kanya. Pero hindi niya kami nakikita. Dumistansya kami sa kanya kahit papano. Natatakot kami, pero kaylangan naming gawin. Matapos ang mahaba naming paglalakad, napahinto kami ng makakita kami ng isa pang bahay sa kagubatan. Hindi kagaya ng bahay na tinirhan namin, hindi ito maayos at halos sira sira na ito. Gawa lamang sa kahoy ang bahay na iyon at mula pa lang dito sa malayo ay amoy na amoy na ang nakakasulasok na amoy. Nakita naming pumasok doon yung killer. Nakahawak kami sa ilong namin habang naglalakad papalapit sa bahay. Hindi kami nagpapakita patuloy lang kami sa pagtago sa mga puno. Ng makarating kami sa gilid ng bahay, naghanap ako ng mga butas kung saan pwede kong silipin kung anong ginagawa niya sa loob. At luckily, nakakita ako ng isa. Masyadong maliit pero sapat na para makita ang mukha niya. Dahil parang kubo lang ang bahay rinig na rinig namin kung anong sinasabi niya.
"Mahal, natakasan ako ng mga bata. Pero wag kang magalala. Hahanapin ko sila.. Napakalawak ng kagubatan na ito at alam kong hindi nila mahahanap ang daan palabas.." Sabi ng killer.
Ramdam kong malakas ang kabog ng dibdib ni Margaux dahil katabi ko lang siya. Ako lang ang nakakakita sa killer. Si Prince at Flinn nakamanman sa paligid.
"Anong nakikita mo? May kasama ba siya?" Bulong ni Flinn.
"Hindi, wala siyang kasama... may kinakausap siyang picture frame. Mukhang wala nga talaga siya sa tamang pagiisip." Mahina kong sagot ng hindi tumitingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerIn the forest where they are the only people. Expected fun but, they experienced something different. No of them likes what happened but repentance is too late. Run, hide and fight. These are the options. But what really happened in that forest? How...