JAZEL'S POV
Masyado ng marahas ang aming nasaksihan. Halos di namin masikmura ang pagpapahirap na ginawa ng killer sa amimg mga kaibigan habang nagaabang, nakatago at nanonood kami sa maliit na butas dito sa gilid ng bahay kaming apat nina Louise, Margaux at Charity ay hinihintay namin na habulin ng killer yung apat na boys saka namin tutulungan yung mga kaibigan namin na ginapos ng killer. Nang nakalayo na nga yung killer at yung mga kaibigan namin, agad namin ginrab yung opportunity na mailigtas yung iba pa naming kaibigan. Agad kaming pumasok sa bahay at kitang kita sa mata nila ang tuwa na makita kami. Gamit yung mga sandata na kinuha namin eh kinalagan namin sila. Agad nagyakapan si Charity at Natasha.
"Mabuti naman at ligtas ka." Iyak ng iyak si Charity ng makita ang kapatid.
Niyakap ko din sina Natasha at Reign. Basang basa pa sila.
"Guys, kaylangan na natin kumilos. Dadaan tayo sa kabilang way. Para di natin sila makasalubong." Sabi ni Louise.
"Pero yung mapa, binigay mo na sa mga boys." Sabi ko.
"Good thing, nasa akin pa yung cellphone ko. Okay? Napicturan ko siya kanina. Kaya tara na!" Sabi ni Louise.
Agad kaming kumilos at tumatakbo kami ng mabilis bagamat hirap ang iba sa amin dahil sa pinsalang natamo dulot ng killer. Kung di kami magmamadali di lang sugat ang matatamo namin kundi baka buhay na rin namin ang kukunin. Nagmamasid kami sa bawat paligid. Takbo lang kami ng takbo habang papalapit ng papalapit ang tiyansa na, makatakas na kami dahil unti unti na rin namin natatanaw ang gate.
"Guys malapit na tayo!" Sabi ni Charity.
"It's not yet time to celebrate. May mga kaibigan pa tayong naiwan." Sagot ni Louise.
At narealize ko na oo nga. Yung mga boys namin andodoon pa. Baka sa mga oras na to eh naabutan na sila ng killer. Kahit naman di ko kasundo yung Daniel na yun eh I care for him. Hindi niya ako pinabayaan simula nung nagkagulo. Alam ko sa sarili ko na he's a nice person, at naiinis lang ako sa kanya kasi mapride ako. And to think na he's risking his life because of me sobra akong nagiguilty. Kasi wala naman siya dito sa posisyon na to ngayon kung hindi dahil sa akin.
"Are you okay Jaze?" Tanong ni Margaux na nasa tabi ko.
"Im fine, nagaalala lang ako sa mga kaibigan natin." Sagot ko.
"Well, let's hope na ok sila." Sagot ni Margaux.
Nakarating na din kami sa wakas sa gate. Binuksan namin yun at lumabas. Malapit na kami sa van ng huminto si Louise. Napalingon siya sa gate na para bang may hinihintay na dumating. Nilapitan naman siya ni Liam na para bang alam nito kung ano ang nasa isip ni Louise.
"Don't worry babalikan namin sila at tutulungan. For now, mauna na kayong mga babae sa van." Sabi ni Liam sa kanya.
Niyakap siya ni Louise tapos inabot yung sandatang hawak niya kay Liam.
"Please be safe. Bumalik kayong lahat dito. Hihintayin namin kayo." Umiiyak na sabi ni Louise.
Lumapit na din si Carl kay Louise. Parehong sugatan sina Liam at Carl pero di sila nagdalawang isip na bumalik.
"Yes we'll be safe." Sabi ni Carl.
Tapos kinuha niya sa akin yung sandatang hawak ko. Then bigla kong naalala, may baril pala sa kotse. Baril ni Daniel! Nakita ko yun nung inaayos niya yung mga gamit namin sa likod ng van.
"Wait! May kukuhain ako." Sabi ko.
Tapos tumakbo papunta sa likod ng van at hinanap ying baril and luckily I found it. Then bumalik ako sa kanila.
"This may help. Kay Daniel yan. Tulungan nyo sila." Sabi ko.
Kinuha iyon ni Liam tapos tumango at tumakbo na sila pabalik sa loob. Binigay din ni Louise yung cp niya kasi andun din yung copy ng mapa. Kami naman tumakbo na at pumasok sa van. Habang nasa loob di kami mapakali kasi tumatakbo ang oras. At medyo dumidilim na din. Lahat kami nagdadasal para sa kaligtasan ng lahat.
"I can't believe we're here. Akala ko di na tayo makakatakas doon." Sabi ni Reign.
"Hindi pa tayo sure diyan. Paano kung nahuli sila ng killer? Tapos tayo naman ang sundan dito?" Sabi ni Natasha.
"Be positive guys, let's pray for them. Hindi sila pababayaan ng Diyos. Yung makalabas tayo sa gubat na yon is a sign na di tayo pinabayaan ni God." Sabi ko naman.
"Yeah, pero sino sa inyo ang nakadala ng phone?" Tanong ni Louise.
"Me. Pero nalublob na to sa tubig." Sabi ni Reign.
"Will that work?" Tanong ni Louise.
"Hindi ko alam. Bakit?" Tanong din ni Reign.
"Baka kasi may signal na at pwede na tayo magcontact ng mga police malapit dito. Para matulungan tayo." Sagot ni Louise.
"Yeah! Good idea. Let me see." Sabi ni Margaux at kinuha ang phone ni Reign
Tinignan niya ito pero basang basa nga iyon ng tubig.
"Guys, gumagana pa naman. Pero pinasok na ng tuubig yung screen di na gaanong makita." Sabi ni Margaux.
"Then give it back to Reign. Kung di na makita, I'm sure kabisado mo yung mga pipindutin diyan kasi phone mo yan." Sabi ni Louise kay Reign.
Kinuha naman ito ni Reign at pumindot pindot. She tries hard kasi mahirap na talaga mabasa kung anong mga nakasulat sa phone. But then she did it. Nakapagdial siya police hotline. At agad din naman itong sinagot
"Hello? This is PO1 Ramos from police station --------- . Ano pong problema?" Tanong nung nasa phone.
"Hello po! Please help us! May killer po dito na gusto kaming patayin! Please po help us!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Reign.
"Okay, okay.. calm down. Nasaang lugar ka ngayon?" Tanong ng nasa phone.
"1201 B Raso St. Road C. Please pakibilisan po please please please!!" Sagot ni Reign.
"Malayo kami sa lugar na yan but we'll contact a police station near there. Okay? Calm down, help is on the way." Sabi ng nasa phone.
Inagaw bigla ni Charity yung phone.
"How can we stay calm sir?? May killer na gusto kaming patayin!! Please sir pakibilisan po.... sir?.. sir? Hello?.. AHHH! Lobat!" Sabi ni Charity.
"Okay, okay.. kalma. Siguro naman tumawag na sila ng mga police na malapit dito. Magdasal nalang tayo okay? Sana malapit na sila." Sabi ni Louise.
"Paano? Habang tumatagal yung oras lalo akong nangangamba." Sabi ni Margaux.
"Wala naman tayong magagawa eh. Walang magagawa yang mga pangamba natin. Di lang yan makakatulong." Sagot naman ni Natasha.
"Let's just hope they're ok. That's the most powerful help we can give to them." Sabi ko nalang.
Nanahimik ulit ang lahat. At nagabang ng mga susunod na mangyayari. Hapon na at pagabi na din. Hindi pa naman masyadong madilim pero konting oras nalang eh didilim na. Mahihirapan na silang makahanap ng daan palabas. Naku wag naman sana..
BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mistero / ThrillerIn the forest where they are the only people. Expected fun but, they experienced something different. No of them likes what happened but repentance is too late. Run, hide and fight. These are the options. But what really happened in that forest? How...