The Battle

16 1 0
                                        

CARL'S POV

Habang pabalik kami ni Liam para iligtas ang mga naiwan naming kaibigan napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot akong bumalik, kasi di ko alam kung anong panganib ang nagbabadya sa amin kapag bumalik pa kami pero, hindi din naman namin kaya na pabayaan nalang ang mga kaibigan namin na maiwan dito.

"Wala akong makitang kahit anong bakas nila. Nangangamba na ako Carl. Nakuha kaya ulit sila ng killer?" Sabi ni Liam.

"Wag kang magisip ng ganyan sigurado akong nakaligtas sila." Sagot ko.

Pinapagaan ko lang ang loob naming dalawa kahit alam ko naman na pwede talagang mangyari ang sinabi niya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng may marinig kaming kaluskos na parang may mga tumatakbo. Agad kaming napatago sa likod ng isang puno. Nakita namin ang apat naming mga kaibigan na hinahabol ng killer. May dala dala itong palakol na malaki. Pero bukod pa sa hawak niyang palakol ay may hinagis siyang pocket knife at tinamaan nun si Flinn kaya nasubsub siya sa lupa dahilan para muntikan na siyang mahuli ng killer pero agad siyang pinaputukan ng baril ni Liam. Hindi siya natamaan pero napahinto siya at napalingon lingon kung saan nanggaling ang bala kaya nakatakas pa si Flinn. Bagamat hindi naman talaga marunong gumamit ng baril ay nagpaputok pa ulit si Liam dahilan kaya tumakbo palabalik yung killer. Agad naman namin nilapitan si Flinn naabutan namin siya sa pagtakbo dahil sa mabagal na siyang maglakad gawa ng natamaan siya ng kutsilyo sa binti.

"Ahhhh! Bitawan moko! Bitawan moko!" Nagpupumiglas si Flinn ng hawakan namin siya ni Liam. Gawa na rin siguro ng takot kakatakbo nila palayo sa killer.

"Flinn kami to! Niligtas ka namin sa killer!" Sagot ni Liam.

Doon lang kumalma si Flinn ng makita kami at marinig ang boses namin.

"Salamat sa pagligtas niyo! Akala ko mapapatay na ako ng killer kanina! Kayo ba yung nagpaputok ng baril?" Tanong ni Flinn.

Huminto muna kami sa may isang gilid para talian ang sugat ni Flinn.

"Oo binigyan kami ng baril ni Jazel. Kay Daniel daw to." Sagot ko.

"Mabuti yan, at may panlaban na tayo sa killer na yun." Sagot ni Flinn.

"Pero ang masama eh, apat nalang ang bala nito." Sabi naman ni Liam.

Dalawang bala ang nasayang gawa ng hindi naman talaga ito alam gamitin ni Liam kaya di asintado ang tama ng bala sa killer.

"Apat nalang? Paano yan? Hindi natin dapat sayangin ang mga natitirang bala." Sabi ko.

"Mabuti pa't sundan na natin sila Daniel at tumakas dito habang wala pa yung killer!" Sabi ni Flinn.

Inalalayan namin siya ni Liam at nagsimula kaming maglakad ng mabilis ngunit di pa kami nakakalayo may narinig kaming putok ng baril. Biglang nanghina ang katawan ko at nabitawan ko si Flinn. Nakaramdam nalang ako ng likidong tumatagas mula sa tiyan ko. Pagtingin ko dito, dugo pala. Natamaan ako ng bala ng baril.

"Carl!? Carl! May tama ka!" Sigaw ni Liam.

Napalingon siya at nakita niya sa likod namin sa likod ang killer may nakatutok na rin na baril sa amin. Pinaputukan siya ni Liam pero nakailag siya dito.

"Liam, tama na! Wag mong sayangin ang bala!" Sigaw ni Flinn habang ako naman ang inalalayan.

Pero di natigil si Liam sobrang nagalit siya dahil nakita niyang natamaan ako ng bala hanggang sa wala ng lumalabas na bala sa baril na hawak ni Liam. Hindi na din ako masyadong makapagsalita. Sobrang sakit at makirot ng sugat ko. Nanlalabo narin ang paningin ko.

"Hahahahaha! Paano ba yan? Duling ka mamaril? Wala ka ng bala bata!" Pang iinsulto ng killer.

Agad na lumapit sa akin si Liam.

"Carl! Carl wag kang matutulog carl please!! Wag kang pipikit kahit anong mangyari!" Sigaw ni Liam.

Hindi na ako makapagsalita pabalik. Pero sinikap kong sumagot

"Hi hi.. hindi ko na kaya.."

Ang tangi kong naisagot.

"Please wag kang matutulog." Umiiyak na sabi ni Liam.

"TAMA NG DRAMA MGA PASLIT! ORAS NA PARA MAMATAY KAYO SA AKING KAMAY!!" Sigaw ng killer.

"Tigilan mo sila matandang baliw!! At lumaban ka ng patas sa amin! Matapang ka ba kasi may baril kang hawak??" Sigaw ni Daniel mula sa likod ng killer.

Kasama niya si Ejay at Prince.

"Aba abaaaaa at di pa kayo tumakas para magpaka hero? Hahahaha osige lalabanan ko kayo ng patas!" Inihulog ng killer ang baril niya sa lupa.

Gawa rin siguro na wala siya sa katinuan kaya mabilis ito mainsulto sa mga sinasabi sa kanya. Lumapit siya sa mga kaibigan ko. Ngunit kahit na magtulong tulong pa ang mga ito hindi matutumbasan ang lakas ng killer. Palitan ng suntok ang nangyari. Suntok dito, suntok doon pero pawang mga kaibigan ko lang ang nasasaktan.

Agad tumakbo papalapit sa amin si Prince at Ejay. At inalalayan ako at si Flinn. Si Liam naman tumulong makipaglaban sa killer

"Prince, mabuti pa sigurong itakas mo na sina Flinn at Carl. Tutulungan ko sila Liam dito." Sabi ni Ejay.

"Hindi ko sila kakayaning dalawa." Sagot ni Prince.

"Si Carl na muna ang itakas mo, di hamak na mas malala naman ang sugat niya. Kakayanin ko pa magtagal sa sugat ko. Si Carl kaylangan niya na magamot." Sabi ni Flinn.

Tumango naman si Prince at inakay ako. Medyo nalungkot ako kasi bumalik ako para tulungan sila pero sa huli ako lang din pala ang tutulungan nila. Parang lalo pa akong naging pabigat. Lalo tuloy sumakit yung sugat ko. Aalis na sana kami kaso may sinabi pa si Flinn.

"Pag nakatakas kayo dito, umalis na kayo at dalhin nyo na ang sasakyan. Wag niyo na kaming hintayin. Kaylangan niyo ng dalhin si Carl sa ospital. At siguraduhin mong ligtas ang mga babae Prince." Sabi nito.

"Pakisabi kay Charity, kahit anong mangyari mahal na mahal ko siya at wag niyang pababayaan ang sarili niya." Sabi naman ni Ejay.

Tumango si Prince at saka kami umalis. Nagiguilty talaga ako kasi dahil sa akin maiiwan sila dito. At parang lahat sila ay sinasabi na ng kanilang huling habilin kaya kahit kinakapos na ako sa paghinga, sinubukan ko parin magsalita.

"I..iwan m..mo na a..ako dito.. Hin.. di naman na a..a..ako magta..ta...gal.. Balikan.. mo.. na.. s..sila. Kayla..ngan ka... n..nila." sabi ko.

"Hindi! Ang intindihin mo, kaylangan ka naming madala sa ospital. Kaya please kumapit ka lang!" Sagot ni Prince.

"Kaa..kasalanan ko.. pag.. m..may.. n..nangya..ring masama sa ka..kanila." Sabi ko pa.

"Wala kang kasalanan Carl. Bumalik ka para tulungan kami! Kasalanan ng killer yon! Kasalanan niyang lahat!" Sagot ni Prince.

Maya maya pay nahihirapan na talaga akong huminga. At umuubo na rin ako ng dugo. Nahihirapan na akong mglakad kaya pinasan na ako ni Prince.

"Kumapit ka lang Carl!! Malapit na tayo!! Dadalhin ka namin sa ospital!! Please wag kang pipikit!!" Sigaw ni Prince habang tumatakbo kahit na napakabigat ko.

Ramdam ko ang hirap bawat hakbang na tinatahak niya. Nangangatog ang tuhod niya mula sa kaba pero pinipilit niyang maging malakas dahil pasan niya ako sa likod niya. Gustuhim ko man lumaban, iba sa inuutos niya ang ginagawa ng aking katawan. Gustuhin ko man labanan pagpikit ng mata ko ay di ko magawa. Kusang nanghihina ang katawan ko. Unti unti nandilim ang paligid. At nawawalan na ako ng malay.

Into The ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon