LOUISE'S POV
Lumipas ang mga oras na nasa bahay kami. Kwentuhan, asaran, kulitan at kantahan ang mga nangyari. So far masaya lang dahil napakatahimik lang ng lugar at kami lang ang maingay. Isa pa napakaganda din ng view sa lugar na to! Kaya lang iniisip ko, bakit wala pa ring may aring pumupunta dito para man lang singilin kami or kausapin man lang kami? But then again, inalis ko nalang muna sa isip ko kasi andito naman kami para magenjoy. Gabi na at tapos na ulit kaming kumain kaya pumunta na kami sa kaniya kaniya naming kwarto para matulog. At ganun nga ang nangyari natulog na nga kami pero sa kalagitnaan ng tulog ko bigla akong nagising sa di ko malamang dahilan. Basta nalang akong nagising. Si Margaux at Reign tulog na tulog na. 12:30 nang tignan ko ang oras sa phone ko at hindi na ako makabalik sa pagkakatulog kaya bumangon nalang ako. Pumunta ako sa may bintana tapos sinilip ko kung anong itsura ng paligid kapag gabi. Nakakatakot pala. Tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Bukod sa napakalawak ng kagubatan, yung thought na kami lang ang nandito ay nakakatakot din. Isasara ko na sana ulit yung kurtina ng may matanaw ako. Akala ko nung una ay puno lang pero nung titigan kong mabuti, may tao. May tao akong nakitang nakatayo at nakatingin directly straight to me. Bigla akong kinilabutan sa nakita ko at sinara ko agad yung kurtina. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Bagamat di ko naaninag ng mabuti ang itsura dahil madilim, sa aking nakita alam kong lalaki siya. Hindi ko malaman kung bakit ako natatakot eh tao lang naman siya. Huminga ako ng malalim tapos, binuksan ko ulit yung kurtina. Nakita kong paalis na siya. Nakatalikod na habang naglalakad. Nacurious ako, baka siya yung may ari ng bahay! Agad akong lumabas ng kwarto namin at bumaba ng hagdan ng nagmamadali. Bubuksan ko na sana yung pinto ng bahay ng may marining akong ingay sa kusina. Bakit parang... parang may tao. Kaya pumunta muna ako sa kusina. At wala naman akong nakita. Kaya bumalik na ulit ako para buksan yung pinto. Pero kakahawak ko palang sa doorknob may humawak sa balikat ko na napakalamig na kamay. Sa sobrang takot ko nagtayuan lahat ng balahibo ko. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at di nakapagsalita. Pakiramdam ko gusto ko ng umiyak.
"Anong gagawin mo? San ka pupunta?"
Nung marinig ko yung boses na yun eh agad akong nabunutan ng tinik sa dubdib. At napabuntong hininga bago ko siya harapin.
"Ano ba Flinn! Bakit ka ba nanggugulat?? Saka bat ang lamig ng kamay mo??" Sigaw ko sa kanya pero di gaanong malakas kasi may natutulog.
"Hindi naman kita ginulat ah? hinawakan lang kita sa balikat. Yung kamay ko naman kaya malamig kasi galing ako sa kusina kanina kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Actually ako yung narinig mo kanina eh. Nagtago lang ako sayo kasi balak kitang gulatin pero umalis ka agad kaya sinundan nalang kita." Paliwanag niya.
"Hayss! Sa susunod wag mo ng uulitin yan ah! Nakakagulat ka eh!" Sabi ko.
"Eh bakit ka kasi andito? Saka anong oras na ah? Bat di ka pa tulog. At bakit lalabas ka? Ang dilim dilim oh! Tas ikaw lang magisa." Tanong ni Flinn.
"Ikaw? Bakit gising ka pa? Saka ano ding ginagawa mo dito?" Tanong ko din.
Baka sakaling parehas kami ng dahilan.
"Ayos ah? Tinanong kita tapos tinanong mo din ako? Nandito ako kasi nagising ako para umihi pagtapos ko naman nauhaw ako kaya andun ako kanina sa kusina. Eh yung tanong ko sayo?" Tanong niya ulit.
"Eh kasi may nakita akong lalaki mula sa bintana. Nakatayo lang siya sa labas ng bahay. Inisip ko baka siya yung may ari ng bahay." Paliwanag ko.
"Huh? Eh kung may ari ng bahay yun didiretso na yun dito hindi na yun magaabang sa labas." Sagot niya.
May point siya. Pero curious talaga ako sa taong yun.
"Tara tignan natin kung di pa siya nakakalayo." Sabi ko tapos binuksan yung doorknob.
Sumunod naman sakin si Flinn pero pagbukas namin ng pinto wala ng katao tao sa paligid.
"Baka nakaalis na siya. Paalis na kasi siya kanina nung bumaba ako eh." Sabi ko.
"Naku ikaw? Alam mo mapapahamak ka ng wala sa oras! Wag kang sumusugod basta basta ng wala kang kasama! Hindi ka sigurado kung sino yun! Eh pano kung mapahamak ka?? Naku buti nalang talaga nagising ako! Sinadya na siguro talaga ng tadhana para mabantayan kita." Sermon niya.
Daig pa yung tatay ko kung magsermon eh.
"Wala naman nangyari oh. Wag na high blood. Balik na tayo sa pagtulog." Sagot ko nalang.
"Eh pano kung meron?" Sabat niya pa.
"Tama na.. matulog na lang tayo ulit." Sagot ko.
Bumuntong hininga siya bago kamay sabay naglakad at umakyat sa hagdan. Nung maghihiwalay na kami ng landas kasi magkatapat yung kwarto namin eh nagsalita ulit siya.
"Goodnight Louise. Sa susunod kapag may mga ganung pangyayari sabihan mo ako ah. Para may kasama ka." Sabi niya.
Nginitian ko siya.
"Oo na.. sasabihan kita sa susunod. Gusto mo na din atang maging bodyguard ko." Sagot ko.
"Higit pa diyan gusto ko Louise. Kaya matulog ka na. Pasok na tayo." Sabi niya.
"Sige na papasok na ako. By the way.. goodmorning na." Yun ang huli kong sinabi bago ko buksan yung pinto at isara ulit.
Im sure mahihiya nanaman ulit yun kasi nagkamali siya. Hindi niya siguro napansin na madaling araw na kasi mukha parin namang gabi. Bumalik ako sa higaan ko pero di na talaga ako makatulog eh. Once kasi na magising ako sa pagkakatulog ko ang hirap ng makatulog ulit. Kinuha ko nalang yung cellphone ko tapos tinignan yung mga pictures namin nung nagswimming kami sa falls. Grabe ang saya naming tignan. Nagslide pa ako ng mga picture tapos napunta ako sa group picture namin. Tinignan ko isa isa bawat mukha namin hahaha lahat kami masaya pero may natanaw nanaman akong kakaiba. Medyo malayo sa amin sa may bandang kakahuyan eh may lalaking nakatayo at nasali sa picture. Hindi namin to napansin nung pagpicture namin. Wala rin kaming matandaan na may tao don. Tinignan ko ulit yung larawan medyo di na malinaw yung itsura niya kasi malayo siya. Naalala ko yung lalaking nakita ko. Di din malinaw ang itsura kasi madilim na. Pero bakit parang pakiramdam ko iisa sila? Bakit kinakabahan ako? Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda? Naku wag naman sana..

BINABASA MO ANG
Into The Forest
Mystery / ThrillerThey sought refuge in the forest, expecting a peaceful escape, a chance to reconnect. But their idyllic retreat took a sinister turn. They found themselves in a place where the familiar sounds of nature became menacing, and a sense of unease perme...