Prologue

12.1K 216 12
                                    

Love is so unfair. Kahit anong pilit mong ingatan ang bagay na iyan, hahanap at hahanap iyan ng paraan upang masira. You can't do anything but to let it fade away and find another one.

Is it that simple? You can't find that love in the hallway, not in the seaside, not in the roadside or even in the market. But why is it easily to disappear yet, so hard to find?

Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi patas. The earth contained 65% of water than soil. The body needs 65% of water to live- isa lang iyan sa mga patunay.

Ika nga nila, kung may aalis, may darating din. So? Maghihintay akong darating ang tinutukoy nilang iyon? Saan? Sa bahay? Sa palengke? Sa dagat? Club? At kailan? Bukas? Mamaya? O baka sa susunod na taon?

"Ma'am, malapit na po tayo."

Hinawi ko ang buhok kong magulo dahil sa lakas ng bugso ng hangin. I saw the sunlight fading away as the sunset arouses. Nag-aagaw ang kulay kahel at ang kulay dilaw sa langit. Unti-unti naring naging malamig ang simoy ng hangin hudyat ng pagbalot ng kadiliman. The sea goes more quite, dark and deep.

Habang marahang umuusad ang bangka patungong baybayin ay unti unti naring nabuo sa aking mga mata ang isang isla.

The whole island is so quite, so different than I'm expecting. Akala ko maraming dayo rin katulad ko ang nandito but there's no even one person in the coast.

"Magkano po manong?" I asked as I wiped my scarf down to my neck. Mas naging malamig na ata ang hangin.

"65 lang po," He said in a loyal tone voice.

Nang makuha ang pera mula sa pitaka ko'y kaagad rin akong humakbang patungo sa receptionist ng isla.

As far as I know, this island is so famous for their unique sceneries. It's a private island kaya baka iyon ang dahilan kung bakit hindi ganoon karami ang taong nakakapunta dito.

"Hello, Miss Alejandra right?" the lady in her white long sleeves welcomed me with a wide smile.

Tumango ako sabay ngumiti.

Nagpapareserve ako ng room last night sa pag-aakalang baka maubusan ako ng slot and now, I found it so useless. Parang ako lang ata ang narito sa islang ito dahil sa sobrang tahimik.

I surf the net last week to find some nice place to relax. Well, there are lots of places all over the Philippines that I found pero ewan ko at sa islang ito ako napunta. Siguro dahil sa mga feature places nila. At sa diskripsyong nakalagay sa page ng mismong isla.

"Not a typical island you know."

O hindi ba? Mangangati talaga ang paa mo sa kuryusidad.

Nakasunod ako sa babaeng nakasuot na kulay yellow na polo shirt. Maybe it's their staff. May dalawang lalaki rin sa likuran ko na silang nagdala sa dala kong mga bagahe.

Napalibot ang mga mata ko nang makarating kami sa mga rooms nila. In my own perspective, there are more than 50 rooms at sa dami ng bakante ay ni isang tao ay wala akong nakita. God dammit! Akala ko ba famous ang islang ito? Well, perfect to relax nga, no distractions.

Sa room 6 niya ako dinala. She opened the door using the key. Binigay niya sa'kin ang isang susi at iyong isa'y ibinalik niya sa basket na dala niya.

"Kung may kailangan ka ma'am, tumawag ka lang sa telepono, nakalagay na iyon doon sa loob ng cabin. If you want some foods, may canteen po sa dulo nitong hallway. Nandoon narin ang mga meals na gusto ninyo. Enjoy your night, ma'am," She smiled before she leave together with the two men behind.

Pumasok ako sa loob ng cabin at ang telepono kaagad ang unang naaninag ng mga mata ko nang pumasok ako sa room. Sa mesa ay may nakalagay na chocolate at welcome message. Hmmm?

Island of Fire: Sands Of Temptation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon