Chapter 2

6.6K 149 8
                                    

Chapter 2
Deep Hug

After waking up in my bed, nagdadalawang isip akong lumabas sa cabin.  I want to just stay here at ipapadala na lamang ang pagkain ko for breakfast but the receptionist declined my request. Hindi raw sila pwede ngayon because of some reason.

Wala akong ibang choice kung hindi ang pumunta sa canteen.  Ewan ko ba kung bakit nag-aalinlangan akong lumabas gayong ilang metro lang naman ang layo ng canteen mula sa cabin ko. 

I might be tired. Hmmm?

Fuck!  What's wrong with you Joey?

Hindi ka dapat nagpapaepekto sa nangyari kagabi.  Lasing kaya malaki ang tsansang nakalimutan niya iyon.  Maybe he's not in his mind while doing that. So it didn't mean to him.  Wala siyang pakealam doon.  Wala siya sa sarili. Hindi niya iyon naaalala kaya wala kang dapat na ipag-alala. You don't need to be bothered.

I quickly take my step towards the canteen.  Hindi na ako lumingon pa sa cabin niya.  Hindi pa ako handang harapin siyang muli lalo na't hindi pa tuluyang naialis sa isipan ko ang pagmumukha niya. 

That kiss. His lips, his caresses. Fuck!  Forget it Joey!

I ate my breakfast as fast as I can. Ayaw kong maabutan niya ako rito. Mahihimatay na ata ako sa kahihiyan kapag nangyari iyon. 

Limang minuto ko lang atang kinain ang umagahan ko at bumalik na kaagad ako sa cabin. I didn't imagine how I ate those foods quicky. Usually ay sosobra sa kalahating oras ako matapos na kumain.

Liliko na sana ako patungong cabin nang maramdaman ang pagkakahawak sa aking balikat.  Halos lilipad na ang kaluluwa ko dahil doon. 

Damn it!

Dahan dahan akong humarap. Sa daming pwedeng dumapo ang tingin ko'y sa labi pa niya ito napunta.  Muli nanamang nanumbalik ang nangyari kagabi. 

His lips turned more red. Klarong klaro ang hugis nito at halatang kakadila lang niya nito gayong mamasamasa pa ang buong kurba. The way he suck my lips suddenly flashed in my mind. Fuck!

"He-hey!" I greeted awkwardly. 

Itinaas ko ang tingin sa mukha niya. Now, I see his brown eyes, his thick eyebrows and his curve eyelashes. Mas naging misteryoso pa siyang tingnan lalo na't seryoso ang mukha niya. 

Ano bang ginagawa niya?  Mas lalo lang akong nababaliw e!

Hindi man lang siya ngumiti o nagsalita manlang.  He just keep on staring me na parang pinag-aralan ang bawat anggulo ng mukha ko. Na para bang inaakit niya ako!

"Hmmm, I have to go..." hahakbang na sana ako nang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking balikat.

Fuck!  Ano bang kailangan niya?

"Wait.  Uhmm, sorry about last night-" he smiled awkwardly. May kung anong namumuo sa boses niyang iyon.

Shit, naalala nga talaga niya ang nangyari kagabi.  Hindi ko magawang igalaw ang buo kong katawan nang marinig iyon. What should I say?  Na okay lang?  Na wala lang 'yon?

"Well, Gab nga pala," he offer his hand to me. Napatingin ako rito.  The moment he caress me last night suddenly flashed in my mind.

Ewan ko ba kung bakit sa bawat galaw niya ay may nabubuo sa isipan ko.

"Joey," tinaggap ko ang kamay niya. I smiled back.

Ramdam na ramdam ko ang magaspang at mainit niyang kamay. Ilang segundo rin bago niya ito binitawan.  Ang ugat dito'y kitang kita nang ito'y kanyang igalaw.

Island of Fire: Sands Of Temptation [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon