CHAPTER 1: THE STRANGER

410 5 0
                                    


Cris' POV
"Wag kang kikilos kundi papatayin kita."
"Maawa ka sa'kin. Patawarin mo nako."
Hindi malinaw sa mga mata ko kung sino ang dalawang taong nag-uusap. Parang pamilyar sa akin ang senaryong ito.
Maya-maya'y may inilabas na makislap na bagay ang isang lalaki. --isang patalim.
"Wag mong gawin sa'kin to. Hindi kita niloko." Sigaw nung lalaking nakagapos ngunit parang walang naririnig yung taong may hawak ng patalim.
Palapit ako ng palapit sa dalawa kasabay nun ang labis na pagkabog ng aking dibdib. Ngunit mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Lumapit ang taong may hawak na patalim sa lalaking nakagapos at pinaulanan ito ng saksak sa katawan. Napatigil ako sa aking paglalakad. Hindi-- ito rin ang eksenang 'yun. Bakit bumabalik? Anong ibig sabihin nito?
Duguan ang taong nakagapos. Wala na siyang buhay. Ngunit mas ikinagulat ko ang sumunod na pangyayari. Tumakbo palapit sa akin ang taong may hawak na patalim. Palapit ng palapit at naaaninag ko na ang kanyang mukha.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko na siya. Imposible! Hindi ito maaari. Ibinigay niya sa akin ang patalim at nagbigay ng isang makahulugang ngiti. Kilala ko siya, kilang-kilala.
Tiningnan ko ang patalim na kanyang ibinigay at naroon pa ang mga dugo ng taong kanyang pinatay kanina. Pagharap kong muli sa kanya ay nawala na siya na parang bula.
-------
"Kriiiiingg" "Kriiiiingg" "Kriiiiingg"
Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Pagtingin ko sa oras ay saktong 8:00 oclock na. Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Walang dapat makaalam nun. Walang dapat makaalam ng itinatago ko!
Pagtayo ng katawan ko ay napansin kong may pagkain sa aking kama. Wow, breakfast in bed. Paglapit ko sa pagkain ay napansin ko ang note na may nakasulat na "Enjoy your day. Eat well." -bespren
Napabalikwas ako sa aking higaan. Muntik ko na palang makalimutan, birthday ko na pala ngayon. My 21st Birthday at narito sa bahay si Renz? Ano naman kaya ang ginagawa ng bestfriend ko dito nang napakaaga?
Pagkatapos kong kainin ang pagkain ay nagpasya na akong bumaba.
Nakakapagtaka... bakit walang tao sa bahay? Pumunta ako sa kusina at hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay ang malakas na sigaw na ang narinig ko.
"HAPPY BIRTHDAY!" nagulat ako nang makita si Mommy at si Renz.
"Bes, tinanghali kana ng gising." Lumapit sa akin si Renz na may dalang cake.
"Ano to?" Pagtataka kong tanong.
"Ano pa ba, birthday mo diba?" Sagot ni Mommy sa akin habang may hinihiwa sa lamesa.
"Hindi naman ako nagsabi na maghahanda ako." Sumimangot ang mukha ni Renz sa sinabi kong yun.
"Tumigil ka nga diyan Cris. Your 21 now at kailangan may handaan. Debut mo na kaya." Namula bigla ang pisngi ko sa aking narinig, napansin iyon ni Mommy kaya iniba niya ang usapan.
"Anak, may mga papupuntahin ka bang mga kaibigan mo?" Sa reaksyon ng mukha ni Mommy ay alam ko na agad ang ibig nyang ipahiwatig.
"Meron Ma." Hahakbang na sana ako ng biglang yumakap sa akin si Renz.
"Bes." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako kay Mommy na nagulat din sa ginawa ni Renz.
"A-ano yun, bes?" Kinakabahan ako sa ikinikilos ni Renz. Mahigpit parin ang kanyang pagkakayakap sa akin.
"Kasi..."
"Ano?"
"Ang tanda mo na kasi." Pagkasabi'y sabay hampas sa ulo ko at tumakbo paakyat.
Ako naman ay nabigla sa ginawa niya. Pero nakahinga ako ng maluwag, ang akala ko ay alam na niya ang tunay kong pagkatao at ang matagal ko ng itinatago.
"Habulin mo na siya." Nakangiting sabi ni Mommy. Sa lahat ng lalaking kaibigan ko ay kay Renz lang boto si Mommy. Si Mommy lang din ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Oo, bakla ako at 21 years ko na iyong tinatago sa lahat lalong lalo na sa bespren kong si Renz dahil kapag nalaman niya, baka iwasan niya ako at yun ang ayaw kong mangyari.
Tinakbo ko na sa kwarto ko si Renz. Alam kong dun siya pupunta. Pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap at nagpagulong-gulong ang aming katawan sa kama. Tumigil ang pag-ikot at nakapatong ako sa kanyang napaka-kisig na katawan.
Mata sa mata, ilong sa ilong, bibig sa bibig. Halos pantay kami at nalalanghap ko ang mabango niyang hininga. Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon.
"Bes..." seryoso ang kanyang mukha. Ang gandang pagmasdan ng kanyang mga mata, para akong matutunaw.
"Bes." sagot ko.
"Ang bigat mo pala." Biglang pumangit ang reaksyon ng kanyang mukha na halatang nabibigatan.
Saka lamang ako tumayo nang mahimasmasan ang diwa ko. Walang malisya sa kanya iyon dahil palagi naman namin ginagawa ang mag-asaran at mag-harutan.
"Sorry." At agad kong binago ang usapan. "Hoy, bat moko binatukan kanina?" Galit kong sabi.
"Oo nga pala, nagluluto kami ni Tita, diyan kana. Basta inom tayo mamaya." Mabilis na siyang bumaba ng hagdan.
Napaupo ako sa kama at bumuntong-hininga.
Alam kaya ni bespren na bakla ako?
Bakit ganito ang nararamdan ko?
Inlove na ba ako sa kanya.
"BLAGG!" isang malakas na pagbasag ang umagaw sa atensyon ko.
Basag ang salamin ng kwarto ko. Sino ang may gawa nito? Napakamot nalang ako sa ulo. Dali-dali akong lumapit sa bintana at hinanap kung sino ang may kagagawan ng pagbasag ng salamin ng kwarto ko.
"Ho---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang makita ko ang isang lalaki sa tapat ng aking kwarto. May katangkaran, nakahubad ang katawan kaya kitang-kita ang maganda niyang pangangatawan, maputi at mapula ang labi. Anghel ba itong nakikita ko?
Kanina lang ay galit na galit ako ngunit nang makita ko siya ay biglang nawala ang galit ko.
"Pare, pasensiya na. May hinahabol kasi akong pusa. Saktong dumaan diyan kaya natamaan ko ang bintana niyo." Pati sa pananalita ay lalaking-lalaki. Nese kenye ne eng lehet.
Tumango lang ako at umalis na ang lalaki. Sino siya? Parang ngayon ko lang siya nakita rito. Bagong lipat ba siya? Sana... sana... Ano ba yan! Tinamaan agad ako sa kanya. Napatulala na lamang ako.
Aalamin ko kung sino ang estrangherong iyon. Dali-dali akong lumabas ng bahay. Inikot ko ang buong village... ngunit hindi ko na siya nakita.
Malungkot akong nakaupo sa tapat ng bahay. Pagod na pagod ako at tagaktak na ang pawis sa katawan ko. Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Napangiti ako, baka siya na iyong hinahanap ko. Ngunit sa paglingon ko ay hindi siya ang bumungad.
"Tubig oh. Pagod na pagod ka ha, nagbasketball ka ba?" Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Basketball? Diring-diri nga akong laruin yun. No choice lang kasi lagi niya akong inaaya at baka kapag hindi ako naglaro nun, dun pa ako pagdudahan ng lahat.
"Ah oo. May nagyaya kasi." Pagsisinungaling ko.
Pogi din naman itong si bespren. Chickboy nga lang kasi nga magaling magbasketball. Varsity player siya sa kanilang school mula highschool to college at lahat ng laro nila naipapanalo niya. Ganun kagaling ang bespren ko kaya proud ako sa kanya.
"Anong gusto mong inumin natin mamaya?" Nakangiti niyang tanong.
"Kahit ano basta yung malalasing ako." Sabay tawa ko.
"Sige ba pero wala ba tayong mga chikababes diyan?" Ngisi niyang sabi.
Bigla namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Loko. Bawal, nandito si Mama."
"Oo nga pala, 15 years na tayong magbestfriend pero ni-isa wala kapang naipapakilalang GF mo saken?" Napalunok ako sa kanyang sinabi at iniwas ko ang reaksyon ng mukha ko sa kanya.
"Ah yun ba. Hindi na kailangan, baka kasi agawin mo sakin." Palusot ko kay Renz.
Umakbay siya sa'kin at may ibinulong. "May irereto ako sayo, maganda, maputi. Panalo, bes!" Itinulak ko siya palayo sa akin.
"Hindi na kailangan, nahanap ko na ang taong nararapat sakin." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sino?"
Paglingon ko nang dahan dahan sa aking likuran ay nakita ko siyang naglalakad. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Napatingin din marahil si Renz at niyugyog ang katawan ko.
"Oy, bes. Sabihin mo, sino?"
Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na ang taong tinititigan kong maglakad ngayon ang tinutukoy ko.
Nakita ko siyang pumasok sa isang bahay at lihim akong napangiti. Huli ka, diyan ka lang pala nakatira at ang masaya, malapit lang sa bahay namin. Humarap nako kay Renz nang mawala na sa paningin ko ang lalaking 'yun.
"Secret!" Binatukan ko siya pagkatapos ay tumakbo na ako papasok ng bahay.

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now