CHAPTER 15: FEAR

61 1 0
                                    

Cyrus' POV
Nasa isang madilim na lugar ako. Anong ginagawa ko rito? Nilingon ko ang paligid. Tahimik... walang tao maliban sa akin.
"May tao ba? May tao ba rito?" Sumigaw ako ngunit umalingawngaw lang ang boses ko.
Paglingon ko sa aking likuran nakita ko ang dalawang taong nakahandusay. Duguan...
Bumilis ang tibok ng puso ko... palapit ako ng palapit sa kanila at nagulat ako kung sino ang mga 'yon. -si Mama at si Papa. Patay na, naliligo sa sarili nilang dugo.
Nabigla ako sa sumunod na nangyari. Dumilat ang mga mata ni Mama at nagsalita.
"T-tulungan mo ako. Anak, tulungan mo ako!" Sa sobrang takot ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanila!
H-hindi... patay na sila! Pinatay ko na sila.
"San ka pupunta?" Humarang sa daraanan ko ang isang tao...
Nandilat ang mga mata ko nang makilala siya.
"Hindi ka totoo! Pinatay ko na kayong lahat!" Sigaw ko sa kanya.
---
Napabalikwas ako sa aking higaan. Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip...
Ayoko nang balikan pa ang nakaraan. Kailangan ko na silang kalimutan. Impyerno ang naging buhay ko sa kanila. Mga wala silang kwenta. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko.
Tiningnan ko ang oras at mag-uumaga na pala. Hindi na ako dinalaw ng antok.
Tumunog bigla ang aking cellphone.
Unknown number...
"Hello."
"Nandito na ako." Ang boses na ito, siya rin ang tumawag sa akin sa court nung isang araw.
"Hindi. Patay ka na! Pinatay na kita." Pagkatapos kong sabihin yon ay humalakhak siya.
"Ayaw mong maniwala? Sige, silipin mo ako sa labas. Nasa tapat ako ngayon ng bahay mo." Agad kong binuksan ang bintana at nandilat ang mga mata ko.
Nakatayo siya sa kalsada na may sumbrero sa kanyang ulo. Tinanggal niya iyon at tumingala sa kwarto ko. Ngumisi siya at tumingin ng matalim sa akin.
"Imposible..." dali-dali akong bumaba ng hagdan. Paglabas ko ng bahay, wala na siya. Hindi ko na siya nakita.
"Nasaan ka, magpakita ka sa akin?" Sigaw ko.
"Wag kang mag-alala. Mangyayari din yun, mahal kong kapatid."
Bea's POV
Umaga nang magpasiya akong pumunta sa bahay nila Cris. Kailangan kong ituloy ang plano... kukunin ko ang lahat ng yaman nila.
Hindi imposibleng mangyari yon dahil hawak ko na siya sa leeg.
Magiging sunud-sunuran siya sa lahat ng sasabihin ko.
Dahil kung hindi... ibubunyag ko ang sikreto niya!
Habang naglalakad ay hindi ko inaasahang makasalubong siya. --si Cyrus.
"Kumusta na?" Matalim ang mga tingin niya sa akin.
"Mabuting-mabuti naman Cyrus." Ngumiti ako sa kanya at tinalikuran na siya. Pasensiyahan tayo dahil magiging akin na si Cris.
"Bakit mo ginagawa ito?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko siyang nagsalita.
"Ang alin? Yung magpanggap ako?" Sabay tawa ko.
"Nagsinungaling ka! Itigil mo na'to." Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit at tumingin ng masama.
"Bitawan mo ko. Nasasaktan ako!" Nagpumiglas ako at nakawala naman ako.
"Wag ka nang makigulo, manahimik ka na lang Cyrus." Lumakad muli ako at narinig kong muli siyang nagsalita.
"Lalabas din ang totoo at matatapos na 'yang kabaliwan mo!" Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na sa paglalakad. Malapit na ako sa bahay nila Cris nang biglang may bumangga sa akin.
Nakasumbrero siya at kakaiba ang aura niya. Ngayon ko lang siya nakita rito.
"Pasensiya na." Tumingin siya sa mga mata ko. Kakaiba ang naging dulot nun sa akin. Parang may kakaiba sa taong ito. Sino siya?
Tatanungin ko sana ang pangalan niya ngunit mabilis na siyang nakalayo sa akin.
Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nakarating ako sa bahay nila Cris ngunit hindi inaasahang balita ang gigimbal sa akin.
Tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Aira.
"Hello. Aira, napatawag ka?"
"K-kasi Bea. S-si Ryan..." halata ko sa boses niya ang takot at kaba.
Bumilis ang tibok ng puso ko...
"Sabihin mo, anong nangyari?" Sigaw ko sa kanya.
"Wala na siya..." nabitawan ko ang cellphone ko at napaluhod sa kalsada.
Halos tumigil at gumuho ang mundo ko nang marinig yon.
Hindi... imposibleng mangyari yun. Bakit Ryan? Kung kelan malapit na nating maabot ang tagumpay.
Napahagulgol ako at hindi makapaniwala sa aking nalaman...
Takot, kaba at pangamba... ngayong wala na siya, paano ko haharapin ang mga yon.
"Bea? Bakit, anong nangyari?" Itinayo ako ni Cris nang makita ako sa kalagayan ko.
"Si Ryan... wala na siya... wala na si Ryan..." iyon ang mga huling salitang nabanggit ko at nawalan ako ng malay.
--
++ A U T H O R's N O T E ++
Hi. Papatayin ko na ang mga panggulo sa kwento. Magfocus sa mga bida. XD
WAG NANG BIBITIW SA MGA SUSUNOD NA KABANATA. PAPASOK NA ANG BAGONG KARAKTER SA BUHAY NI CYRUS.
SIYA BA AY KAKAMPI, KAAWAY O KAAGAW?
ITUTULOY...

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now