CHAPTER 12: ENVY

61 3 0
                                    

Cyrus' POV

Umaga na nang lumabas ako ng bahay. Kailangan kong magpapawis. Napansin kong hindi nagparamdam si Cris sa akin ng dalawang araw. May nangyari kaya sa kanya?

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at tinawagan siya.

"Hello. Napatawag ka?"

"Hindi ka kasi nagpaparamdam. May problema ba?" Tanong ko.

"Wala naman, busy lang. Sorry. Bawi ako. Mahal kita Cyrus." At ibinaba na niya ang tawag ko.

Alam kong mayroon siyang problema, halata sa boses niya.

Papunta ang mga paa ko sa basketball court. Matagal narin akong hindi naglalaro.

Sa paglalakad, nakarinig ako ng mga talbog ng bola sa aking likuran. Paglingon ko... --si Renz.

"Kumusta na?" Masama ang mga titig na ipinupukol niya sa akin. Parang naghahamon.

"Ayos naman." Ngumiti ako para mainis siya.

Lumapit siya sa akin.

"Layuan mo si Cris!" Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

Bakit ko lalayuan si Cris? Sino ba siya sa inaakala niya.

"Hindi ko siya lalayuan! Ano bang pakialam mo?" Matapang kong sagot sa kanya.

"Kung di mo gagawin yun ako ang makakalaban mo." Pinandilatan niya ako ng mata.

Hindi niya alam na mayroon na kaming relasyon ni Cris. Kapag nalaman niya, alam kong madudurog ang puso niya.

"Talaga?" Ngumisi ako at humalakhak ng tawa.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Galit niyang sabi.

"Hindi mo alam? Matagal nang kami ni Cris. Nakakaawa ka naman Renz." Batid ko ang pagkabigla niya. Napanganga siya at di makapagsalita.

"Hindi sinabi sayo ng bestfriend mo?" Pang-aasar kong muli.

Dati ay inggit na inggit ako kay Renz pero sa pagkakataong ito, nabaliktad na ang sitwasyon.

"H-hindi. Nagsisinungaling kalang! Hindi totoo." Nakakaawa ang reaksyon niya. Hindi na maipinta ang mukha niya.

"Kung ayaw mong maniwala, puntahan mo si Cris." Iniwanan ko siyang nakatulala at pumunta na ako sa basketball court.

Alam kong hindi pa ako ang panalo, nagsisimula pa lang ang laban. Alam kong hindi siya magpapatalo pero sisiguraduhin ko na siya na mismo ang susuko sa mga hakbang na gagawin ko.

Nakarating ako sa court, walang tao. Umupo ako sa upuan at maghihintay na lang na may dumating na mga maglalaro ngunit isang tawag sa cellphone ang hindi ko inaasahan mangyari...

"Cyrus Gonzales."

"Sino to? Bakit mo ako kilala?" Parang may kakaiba. Hindi ko alam kung ano.

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now