Cris' POV
Pagmulat ng mata ko, napansin ko agad na wala akong damit, tanging brief lang ang suot ko. Napabalikwas ako sa higaan. Anong ibig sabihin nito?
Masakit ang ulo ko dahil sa sobrang kalasingan ngunit ang ipinagtataka ko kung bakit ako walang damit? Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi at naalala ko na si Bea ang may kagagawan nito? May nangyari ba sa amin? Hindi pwede to.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya ngunit.
"The subscriber cannot be reached. Please try your call later." Sampung beses kong inulit ngunit hindi parin siya makontak!
Anong ginawa mo sakin Bea? Nawala na ba ang virginity ko? Humanda ka sakin, hindi ako makakapayag.
Mabilis akong nagtungo sa banyo upang maligo. Kuskos dito, kuskos doon. Sabon dito, sabon doon. Walanghiya siya, sinamantala niya ang pagkakataon! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.
Pagbukas ko ng aparador ay nahulog ang isang bagay na napakahalaga sa akin. Ibinigay niya ito sakin, ang taong yon.
Naaalala ko pa yung araw na ibinigay niya ito sa akin.
-FLASHBACK-
"Cris, pumikit ka. May ibibigay ako sayo." Pinikit ko naman ang aking mga mata at kinuha niya ang aking mga kamay.
"Bigay ko to sayo. Tanda ng pagmamahal ko." Inilagay niya sa kamay ko ang bagay na yon at pagdilat ko ay niyakap ko siya.
"Salamat, iingatan ko to."
-END OF FLASHBACK-
Kung hindi lang sana nagkagulo non ay kasama pa kita hanggang ngayon pero huli na. Dapat ko na siyang kalimutan. Ibinalik ko sa aparador ang bagay na yon sa kinalalagyan nito.
Mabilis akong nagbihis, pagkatapos ay kumain at nagpasya akong pumunta sa bahay nila Bea.
Malapit lang naman sila sa amin kaya ilang hakbang lang ay nakarating na ako.
"Tao po, tao po." Katok ako ng katok ngunit walang sumasagot. Mga tulog pa ba ang mga tao rito pasado alas-onse na.
"Cris, si Bea ba ang hinahanap mo?" Nakita ako ni Manang Rose, ang kapitbahay nila Bea.
"Opo. Parang walang tao dito?" Pagtataka ko.
"Ay oo. Umalis sila kani-kanina lang. Ang rinig ko, sa probinsya na sila titira." Paliwanag ni Manang. Ako naman ay nabigla sa kanyang sinabi.
"Ah ganun po ba. Salamat po."
Bigo kong makausap si Bea. Kahit sa text o tawag ay hindi siya makontak.
Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong ko si Renz kasama ang ilan sa mga kaibigan niyang manlalaro ng basketball. Nagkatinginan kami pero hindi man lang niya ako binati, ni hindi niya ako nginitian. Oo nga pala, may tampo siya sa akin.
Nakalampas na ako sa kanila nang may biglang nagsalita.
"Uy, Renz. Si Cris yun diba? May tampuhan ba kayo?" Sabay kantiyawan ng lahat. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin muli sa kanila.
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomantikNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...