CHAPTER 19: WHITE ROSE

57 1 0
                                    

Bea's POV
Pagkatapos ng libing ni Ryan ay agad akong umuwi. Tapos na ang drama, wala na siya at kailangan kong tanggapin yon.
Itutuloy ko ang plano ko. Papatayin ko si Cris!
Puro galit at poot ang nasa puso ko ngayon. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.
Wala na siya ngayong halaga sa buhay ko. Kapag nakuha ko na lahat ng pera nila, doon lang ako titigil. Dun lang ako magiging masaya.
Bago ko siya patayin ay gagawin ko munang miserable ang buhay niya. Sisirain ko ang buhay mo Cris!
Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko si Renz.
"Nasaan ka?" Sinagot naman niya ang tanong ko.
"Kailangan mo nang umuwi dito." Napapangiti ako. Nagtaka naman siya mga sinasabi ko sa kanya.
Alam kong matalik niyang kaibigan si Cris at kapag nalaman nito ang kanyang sikreto...
Pagkamuhi.
Alam kong kamumuhian niya si Cris at kapag nangyari yon. Alam kong sobrang maaapektuhan si Cris!
"May dapat kang malaman tungkol sa kanya..." ipinutol ko na ang tawag para manabik siya.
Sinisigurado ko na wala pang isang linggo simula ngayon ay magbabalik na si Renz upang malaman ang sasabihin ko sa kanya.
Isang malaking pasabog na ikawiwindang ng buhay niya.
Malapit na malapit nang mangyari yon.
Cris' POV
Kagabi ay tumawag si Leonard. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko.
Makikipagkita ako sa kanya ngayon dahil nahihiwagaan ako sa sasabihin niya.
Nagdadalawang-isip akong puntahan siya dahil pinagbawalan ako ni Cyrus.
Pero malaki rin ang pagtataka ko.
Bestfriend niya si Leonard pero bakit inilalayo niya ako sa kanya?
Parang may mali...
Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang mga kakaibang ikinikilos ni Cyrus.
Hindi ko na siya maintindihan lalo na nung araw na may napulot akong sobre sa bahay niya.
Wala akong ideya sa mga nangyayari. Wala akong alam.
Nagpaalam ako kay Mama na lalabas na muna.
Paglabas ko ng gate ay may taong rumihistro sa isip ko.
Si Renz... hindi ko ikakailang sobrang miss na miss ko na siya. Kailan kaya ang pagbabalik niya? Sana dumating na ang araw na'yun. Hindi na ako makapaghintay.
Pumara ako ng taxi patungo sa isang coffee shop na di naman kalayuan sa aming lugar. Doon ang pagkikita namin ni Leonard.
Nakarating ako at pagbaba ko ng taxi ay nakita ko siya agad na nakaupo sa loob habang humihigop sa kanyang baso.
Lumingon siya sa labas at nang makita ako ay kumaway sa akin. Pumasok na ako sa loob at umupo kung saan naroon si Leonard.
"Mabuti naman at pumunta ka." Ngiti niyang sabi sa akin.
Kung pwede ko lang sabihin ang totoo, na pinagbawalan ako ni Cyrus na makipagkita sa kanya.
"Oo naman." Ngumiti din ako sa kanya.
"Order ka muna." Iniabot niya sa akin ang menu pero tinanggihan ko.
"Sabihin mo na ang sasabihin mo sakin." Tumitig ako sa kanya. Napansin kong may pagkakahawig sila ni Mark.
"Oo nga pala. Magpapakilala muna ako. My name is Leonard Gonzales." Nagulat ako sa apelyidong binanggit niya.
"Gonzales?" Napa-nganga ako sa sobrang gulat.
"Right. Kapatid ko si Cyrus." Malapad niyang ngiti.
Hindi... imposible, nagsisinungaling siya!
"Bakit bestfriend ang sinabi mo nung una tayong magkita?" Pagtataka ko.
"Gusto mo ba talagang malaman ang lahat? Pati na ang itinatagong lihim ni Cyrus?" Nandilat ang mga mata ko sa kanyang sinabi.
Hindi kaya niloloko niya lang ako at balak niyang siraan si Cyrus.
"Paano kita paniniwalaan sa mga sasabihin mo?"
"Hindi ko naman sinasabing maniwala ka sa mga sasabihin ko. Wag kang lubos na magtiwala kay Cyrus. Hindi mo pa lubusang kilala ang pagkatao niya." Napa-isip ako sa kanyang sinabi.
Tama at may punto siya. Gaano ko na nga ba kakilala si Cyrus? Hindi ko pa alam ang buong kwento ng buhay niya. May dapat akong malaman at si Leonard ang makapagbibigay ng kasagutan.
"Sige, ano ba ang dapat kong malaman kay Cyrus?" Ngumiti siya at alam kong natuwa siya sa sinabi ko.
Ikinuha niya ang plastic bag na nakalagay sa ilalim ng lamesa. May kinuha siyang isang bagay dun at nang ilabas niya ito ay laki ang pagkagulat ko.
-isang rosas.
"White rose?" Taka kong tanong.
Iniabot niya sa akin. "Kunin mo. Para sayo." Kinuha ko naman agad yon. Tumayo na siya at bago siya lumabas ng coffee shop ay may iniabot siyang isang munting papel na nakasulat ang kanyang address.
Tuluyan na siyang lumabas at nawala na siya sa paningin ko. Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa munting papel.
Pupunta pa ba ako?
Kailangan...
Dapat kong malaman ang lahat.
Tumunog ang cellphone ko... -si Cyrus ang tumatawag.
"Cyrus."
"Ang Mama mo nasa Hospital. Bilisan mo at pumunta kana rito." Nabigla ako sa aking narinig.
Anong nangyari? Dali-dali akong lumabas ng coffee shop at mabilis na nagtungo sa Hospital.
++ A U T H O R's N O T E ++
Konting role lang ang gagampanan ni Leonard kaya wag kayong masyadong mag-expect sa kanya.
Yung mga revelations na mabubunyag malapit na malapit na.
Thank you sa support guys. Ily all.

❤️

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now