Cris' POV
Nang magising si Bea ay agad kaming pumunta kung nasaan sina Aira at Ryan.
Nagulat din ako sa balita, patay na si Ryan. Ngunit sino ang pumatay sa kanya?
Nakarating kami sa Hospital na sinabi ni Aira. Pagbukas namin ng kwarto ay may nakita kami sa kama na nakatalukbong sa puting kumot.
Si Aira naman ay nakaupo at nakatulala lamang.
Unti-unting lumapit si Bea... parang di niya kakayanin na makita si Ryan sa ganoong sitwasyon.
Nilapitan ko si Aira.
"Anong nangyari? Paano?" Tanong ko sa kanya ngunit wala akong sagot na makuha sa kanya.
Narinig ko ang paghagulgol ni Bea. Napalingon ako sa kinaroroonan niya.
Hindi naman sa masama pero parang natuwa ako sa nangyari sa kamatayan ni Ryan dahil sa mga ginawa nila sa akin.
Karma... alam kong iyon ang dahilan kung bakit siya namatay.
"Hayop ka! Hayop ka." Sumugod sa akin si Bea at pinagsusuntok ako.
"Bea. Ano bang ginawa ko?" inawat narin ni Aira si Bea at bahagyang inilayo sa akin.
"Alam kong ikaw lang ang makakagawa nun! Ikaw lang ang may galit sa kanya dahil nalaman mong niloko ka lang namin!" Matapang niyang sabi.
"Alam na niya? Alam mo na Cris?" Tumingin sa akin si Aira.
May alam din siya? Kasabwat din ba siya? Mas masahol pa kayo sa hayop!
"Oo, at hindi ko inaasahang may alam ka rin dito. Kung tutuusin ako dapat ang magalit sa inyo. Niloko niyo akong lahat." Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto at umalis na sa Hospital.
Tinalikuran ko sila. Tama lang yon dahil pinaikot lang nila ako. Niloko at hindi tinuring na tunay na kaibigan.
Kung bibigyan ko man sila ng parusa, kulang pa ang kamatayan pero hindi ko magagawa yun.
Tao pa rin ako at hindi demonyo!
Nagpasiya akong pumunta sa bahay nila Cyrus. Kakatok na sana ako nang makita kong bukas ang pintuan.
Agad akong pumasok, bahala na. Sosorpresahin ko na lamang siya.
"Cyrus?" Sigaw ko.
Walang kahit na anong gamit ang makikita bukod sa mga upuan at lamesa. Kunsabagay, mag-isa lang siya dito.
"Cyrus!" Tawag kong muli. Nakarinig ako ng ingay sa likuran kaya lumingon ako.
Nahagip ng mata ko ang papalabas na taong nakasumbrero. Hinabol ko siya ngunit hindi ko siya naabutan. Sino ang taong iyon? Anong ginagawa niya sa bahay ni Cyrus?
Bumalik muli ako sa loob ng bahay. May nakita akong isang sobre sa lapag.
Dinampot ko ang sobre sa lapag.
Dahan-dahan kong binuksan ang sobre at ang nilalaman ng sulat. "DEATH." iyon ang nakasulat. Tiningnan ko sa likuran ngunit wala nang iba pang nakasulat.
Maya-maya'y naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko.
Paglingon ko...
Bea's POV
Halos mamaga ang mata ko at maubos ang lahat ng luha ko sa sobrang pag-iyak. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.
Naipa-ayos ko na ang mga labi ni Ryan. Nalaman na rin ng pamilya niya ang nangyari at gaya ko, hindi rin sila makapaniwala,
Labing-walong saksak ang nakita sa kanyang katawan. Naalala ko tuloy ang nangyari sa Kuya ni Renz. Halos magkaparehas.
Tama... isa lang ang dapat managot! Humanda ka!
"Anong iniisip mo?" Kinalabit ako ni Aira nang makita akong tulala. Nakasakay kami ngayon sa taxi pauwi ng bahay.
"Kilala ko na kung sino ang pumatay. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali." Bigkas ko.
"Anong plano mo?" Tumingin ako sa mga mata niya.
Hustisya... Hustisya ang kailangan ko!
"May bago akong plano!" Ngumisi ako sa kanya.
Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit...
"Ano?" Lumapit ako sa tenga niya at ibinulong ko sa kanya.
Gulat na gulat at nandilat ang mga mata niya.
__ __
++ A U T H O R's N O T E ++
Guys, free to comment sa mga saloobin niyo. Reactions, bawal po sana ang bad comment kung pwede.
NEXT CHAPTER. MAKIKILALA MO NA SIYA. ANG BAGONG KARAKTER NA PAPASOK SA BUHAY NG ATING MGA BIDA.
Thanks and Godbless <❤️
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomanceNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...