Chapter 30: "Secrets"
Aira's POV
Tinawagan ako ni Cyrus at agad akong pumunta sa Ospital na binanggit niya. Wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kanya.
Pagpasok ko sa kwarto kung saan naroon siya ay nakita ko siyang nakahiga sa kama. Napansin niya ang pagdating ko.
"Anong nangyari sayo?" taka kong tanong sa kanya.
Napansin kong namumutla siya at hirap huminga.
"May sakit ako. Malubha na ang kalagayan ko." Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang ito nalaman.
"Anong sakit? Alam na ba ni Cris?" Umiling siya.
"Nilihim ko sa kanya ang lahat. Ayokong malaman niya. Aira, lumalaki na ang puso ko at bumabagal na ang paghinga ko." Nangilabot ang buong katawan ko.
Bakit ngayon niya lang ito sinasabi?
"Anong maitutulong ko? May paraan pa ba para gumaling ka?" Tumango siya at doon ay nabuhayan ang loob ko.
"Heart transplant." Sambit niya.
Napakahirap makakuha ng kanyang sinasabi.
"Alam kong mahirap ang sitwasyon ko pero lalaban ako. Makakahanap ako... para kay Cris!"
Nabanggit ko rin sa kanya ang pagbabalik ng memorya ni Cris, natuwa siya ng malaman yon.
Ngayon na ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa kasal.
"Cyrus, kailangan nating pigilan ang kasal nina Cris at Bea." Nabigla siya sa sinabi ko.
"Kailan sila ikakasal?" akmang tatayo siya pero pinigilan ko siya. Hindi pa niya kaya!
"Bukas. Pipigilan natin ang kasal sa tulong ni Renz. Kailangan nating magtulungan."
Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.
Renz's POV
Isang tawag ang natanggap ko mula kay Aira.
"Aira. Napatawag ka?"
"Pipigilan natin ang kasal. Nabanggit ko na yun kay Cyrus." Sagot niya.
Hindi ako sumang-ayon sa kanya. Kahit na ayaw ko ring matuloy yon ay wala na akong magagawa. Gusto ni Cris at hindi ako tututol dun.
"Bakit? Masaya si Cris. Gusto niyang ituloy ang kasal bukas." Sagot ko.
"Hindi dapat pakasalan ni Cris ang taong pumatay sa Mama niya!" Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Tama ang narinig mo Renz. Si Aira ang pumatay kay Tita. Plano niya yun sa simula palang, pati si Ryan ay pinatay niya. Hindi ko na maintindihan si Bea. Nababaliw na siya. Gusto niyang makuha ang yaman nila Cris." Nabigla ako sa rebelasyon ni Aira.
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
Roman d'amourNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...
