Cyrus' POV
Maaga akong pumunta sa Hospital. Kailangan ako ni Cris. Ako lang ang magiging karamay niya ngayon. Ayokong iparamdam sa kanya na nag-iisa siya.
Pagpasok ko sa kwarto kung saan nakaratay si Tita ay nakita ko si Cris na natutulog sa tabi niya.
Nilapitan ko siya at ginising.
"Cris." Tinapik ko ang braso niya. Agad naman siyang nagising.
Naaawa ako sa kalagayan niya ngayon. Halatang buong magdamag siyang umiyak.
"Wag mo namang pabayaan ang sarili mo." Niyakap ko siya.
"Alam ko. Salamat at nandito ka." Nakita ko ang mga ngiti sa kanyang labi.
Tama. Dapat ipakita sa kanya na may pag-asa. Na hindi siya nag-iisa. Alam kong kaya niya. Matapang siya!
"Umuwi ka muna. Ako muna ang magbabantay kay Tita." Nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha.
"Salamat talaga Cyrus. Mahal na mahal kita." Niyakap niya ako at pagkatapos nun ay umalis na siya.
Habang tinititigan ko si Tita ay napapaisip parin ako kung sino ang gumawa nito sa kanya.
Ano ang dahilan?
Mga dalawang oras ang lumipas.
Hinawakan ko ang kamay ni Tita.
"Ako po ito, si Cyrus. Alam ko pong kaya niyo. Wag po kayong bibitiw. Kailangan pa kayo ni Cris."
Nabigla ako sa mga sumunod na nangyari. Habang hawak-hawak ko ang kamay ni Tita ay naramdaman kong gumalaw ang kanyang mga daliri.
Napatingin ako kay Tita.
Ano ang ibig sabihin nito? Magkakamalay na kaya siya?
"Tita. Igalaw niyo muli ang mga daliri niyo. Kung naririnig niyo po ako." Nabuhayan ang loob ko nang muling gumalaw ang kanyang mga daliri.
Magandang balita ito.
Magkakamalay na si Tita.
Agad akong pumunta sa Nurse Station para ipaalam ang kalagayan ni Tita.
Ngunit bago pa ako makarating ay biglang tumunog ang cellphone.
"Cyrus." Si Mark ang nasa kabilang linya.
"Anong kailangan mo?"
"Alam mo ba kung nasaan ngayon si Cris?"
Anong ibig niyang sabihin?
"Saan? Anong ginawa mo?" Humalakhak siya pagkatapos.
"Wala siya dito. Nasa kapatid mo siya. Nandun siya ngayon kay Leonard." Nandilat ang mga mata ko sa aking narinig.
Imposible. Pinagbawalan ko na siyang makipagkita sa lalaking yon.
"Nasan sila ngayon. Pupuntahan ko sila." Agad namang ibinigay ni Mark ang lugar na hiningi ko.
Hayop ka Leonard... wag na wag mong gagalawin si Cris. Kundi, papatayin kita!
Cris' POV
Paglabas ko ng Hospital ay agad akong pumunta sa bahay ni Leonard.
Kailangan ko nang malaman ang lahat ng tungkol kay Cyrus. Patawad Cyrus, kailangan kong gawin ito.
"Pasok ka." Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Leonard. Hindi ko maramdamang nasa panganib ako kaya panatag ang loob ko.
Umupo ako sa sofa at may mga ibinigay siyang mga litrato sa akin. Habang tinitingnan ko ang mga litratong kanyang ibinigay ay nagsimula na siyang magkwento.
"Bata pa lang magkasundo na kami ni Cyrus. Paborito ako ni Daddy, siya naman kay Mommy. Close talaga ang pamilya namin. Hindi ko aakalain na magagawa niya ang bagay na yon." Napatigil ako sa narinig ko kay Leonard.
"Anong ginawa niya?" Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Wag kang mabibigla sa sasabihin ko. Kriminal si Cyrus. Pinatay niya si Mama at Papa pati ako pinatay niya pero nakaligtas ako!" Nawindang ako sa rebelasyon ni Leonard. Hindi. Imposible!
"Hindi. Hindi magagawa ni Cyrus ang bagay na yon." Hindi parin ako makapaniwala.
"Yun ang totoo at kailangan mong tanggapin yun."
"Anong dahilan?" Nanginginig ang mga kamay kong inilapag sa lamesa ang mga litrato.
"Nalaman niyang ampon lang siya." Nanghina ako at parang bibigay ang katawan ko. Agad akong tinabihan ni Leonard para palakasin ang loob ko.
"Kailangan mo siyang layuan. Mapanganib si Cyrus." Napasandal ang mga ulo ko sa braso ni Leonard.
Cyrus... bakit?
Biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello. This is Ms. Cruz from St. Lukes Hospital. Is this Cris Ramirez?"
"Speaking. Ano pong nangyari." Parang ayokong marinig ang mga susunod niyang sasabihin.
"Kailangan niyo na pong bumalik dito. Patay na po si Mrs. Ramirez." Nabitawan ko ang cellphone ko kasabay nun ang pagpatak ng mga luha ko.
"Anong nangyari? Bakit?" Niyakap ko si Leonard. Halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Layuan mo si Cris!" Napatingin kami ni Leonard sa taong nagsalita.
-si Cyrus at tinutukan niya ng baril si Leonard.
"Cyrus. Ibaba mo yang baril mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Layuan mo siya kundi papatayin kita." Nanlilisik ang mga mata ni Cyrus. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Tama si Leonard, hindi ko pa nga talaga siya lubusang kilala!
"Cyrus. Nagsinungaling ka sa akin! Bakit? Bakit ka naglihim sa akin." Lalapit sana ako sa kanya ngunit pinigilan ako ni Leonard.
"Patawarin mo ako Cris. Nagawa ko yon dahil mahal kita! Natakot ako na baka kapag nalaman mo. Layuan mo ako." Paliwanag niya. Tsaka ko naalala na siya ang nagbantay kay Mama.
Posible kayang...
"Patay na si Mama! Anong nangyari? Pinatay mo rin ba siya?" Nandilat ang mata niya sa sinabi ko.
Cyrus POV
Patay na si Tita... imposible, kanina lang ay naging maganda na ang kalagayan niya.
"Hindi." Nakatutok parin ang baril ko kay Leonard.
"Sinungaling ka! Bakit mo iniwan si Mama? Ang akala ko ay babantayan mo siya?" Sigaw ni Cris sa akin. Napatingin ako kay Leonard at ngumisi ito. Alam kong may binabalak siya.
"Lumayo ka sa kanya. Cris, sumama ka sa akin!" hindi niya ako pinakinggan.
Nakita kong may hinugot na kutsilyo si Leonard sa kanyang bulsa at akmang sasaksakin si Cris pero naunahan ko siya.
Dalawang putok ang pinakawalan ko at bumagsak ang katawan niya.
"Hindi. Leonard." sigaw niya at tumingin sa akin si Cris.
"Mamamatay-tao ka! Cyrus. Hindi na kita kilala!" Napaluhod ako pagkatapos ng ginawa ko.
Hindi ko ginusto yon. Niligtas lang kita, Cris.
----Bea's POV
Nakipagkita sa akin si Renz pagkatapos ng libing ng Mama ni Cris.
"Ano ang dapat kong malaman?" Ibang-ibang Renz na ang kaharap ko ngayon.
"Hindi mo ba sasamahan si Cris sa kanyang pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay?" Lumapit siya sa akin.
"Wag ka nang maraming satsat! Sabihin mo na sakin ang gusto mong sabihin!" Nabigla ako sa ikinilos niya. Ang laki na talaga ng pinagbago niya.
"Bestfriend mo siya diba? Dapat nasa tabi ka niya. Dapat ikaw ang karamay niya ngayon!"
"Tumigil ka na kundi..." akmang susuntukin niya ako pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
Basang-basa ko pa rin siya.
Alam kong mahal pa rin niya si Cris.
"Noon yun. Marami nang nagbago at bakit ko nga ba aaksayahin ang oras ko dito para sa kanya? Wala na akong pakialam sa kanya." Nagulat ako sa mga binitawan niyang salita.
Totoo nga bang wala na talaga siyang nararamdaman para kay Cris?
Tinalikuran niya ako.
"Wala na rin akong pakialam sa inyong lahat."
Lumakad na siya pero bago pa makalayo ay nagsalita ako na nagpatigil sa kanyang humakbang pa.
"Si Jonas. Kilala ko kung sino ang pumatay sa kanya!" Lumingon siyang muli sa akin at nandilat ang mga mata niya.
Lumapit siyang muli sa akin. Nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Sino? Sabihin mo sa kin." Galit na galit niyang sigaw sa akin.
"Huminahon ka, sasabihin ko sayo sa tamang oras." Sinakal niya ako gamit ang kaliwa niyang kamay. Nasasaktan ako at nahihirapang huminga.
"Sabihin mo na sa akin. Sino ang pumatay sa Kuya ko?" Parang hindi na si Renz ang kaharap ko ngayon. Parang sinapian na siya ng demonyo.
Cris POV
Isang oras matapos ang libing ni Mama at ni Leonard ay narito parin ako sa sementeryo kung saan sila inilibing.
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Halos naubos na ang luha ko sa kaiiyak.
Ito na siguro ang pinaka-malagim na nangyari sa buhay ko.
Wala na si Mama... nag-iisa nalang ako. Si Papa ay sa susunod pa na taon ang uwi pero wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang lahat.
Hindi ko na alam kung kaya ko pang mabuhay.
Hindi ko na kaya...
"Cris." Nilingon ko ang taong nagsalita at nag-iba agad ang aking naramdaman ng makita siya.
Galit. Hinanakit!
Ayaw ko na siyang makita!
"Umalis ka na dito!" Hindi siya nakinig bagkus ay niyakap niya ako sa likuran.
"Pakinggan moko. Hindi ko ginusto yon." Kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"All this time, minahal kita! Cyrus, ano bang nagawa kong kasalanan? Niloko moko. Pati Mama ko pinatay mo. Pinatay mo rin ang kapatid mo. Wala kang puso ko." Galit na galit kong sabi sa kanya.
Lumapit siya at niyakap muli ako. "Pakinggan mo muna ako. Mali ang iniisip mo!" Itinulak ko siya.
"Para saan pa? Magsisinungaling kalang ulit. Ayoko na Cyrus!" Napatigil siya sa sinabi ko.
Ayokong gawin ito pero ito ang nararapat.
"Are you breaking-up with me?" Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
Tumalikod ako sa kanya. Ayokong makita ang magiging reaksyon niya. Ayoko siyang makitang nasasaktan.
"Kung ito ang dapat. Oo, Cyrus. Maghiwalay na tayo." Pinigil ko ang mga luhang babagsak sa mata ko pero di ko nagawa.
"No. No. Wag mo namang gawin sakin to! Cris naman." Lumuhod siya sa akin at nagmamakaawa.
Halos madurog ang puso ko habang pinapanood siya.
"Cyrus. Tumayo ka na diyan. Ayoko na. Pwede ba bigyan mo muna ako ng space!" Tumayo siya at niyakap ako.
"Alam kong nabibigla ka lang. Sige, i give you space. Malalaman mo rin ang totoo. Paalam." tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin.
Cyrus... patawarin mo ako. Kailangan kong gawin ito.
Masakit para sa akin dahil sa kabila ng lahat ng nanyari. Mahal parin kita!
"Ma, tulungan niyo naman ako. Ano bang dapat kong gawin?" Humagulgol na ako sa pag-iyak.
Galit ba sa akin ang mundo? Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Kinakarma na ba ako sa kasalanang ginawa ko noon?
Naalala ko si Renz.
Kailan ko ba siya muling makikita? Kung kailan kailangan na kailangan ko siya ay wala siya sa tabi ko.
Bestfriend... sana magkita na tayong muli.
--
++ A U T H O R's N O T E ++
KUMAPIT KA NA SA MGA REBELASYONG SASABOG SA SUSUNOD NA KABANATA!
Guys, wag na wag palalampasin ang next chapter. Yun lang. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. <❤️
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomanceNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...