Author's POV
Nakarating sina Cris kasama si Renz sa sinabing lugar ni Cyrus. Pagbaba nila ay namangha sila sa labas pa lamang ng lugar. Hindi nila inaasahan na sa isang rest house pala sila tutuloy na pagmamay-ari ni Cyrus.
"Wow. Dito tayo for one day? Ang ganda naman Cyrus." Manghang sabi ni Cris. Lumapit siya sa mga nakatanim na bulaklak sa gilid ng main gate. Nakatanim doon ang makukulay na bulaklak. Nilalanghap niya ang bawat halimuyak nito.
"Ano bang binabalak mo?" Tumitig si Renz kay Cyrus.
"Hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong ipahiwatig?" Matapang na pahayag nito.
Tumingin si Renz sa kinaroroonan ni Cris na aliw na aliw sa mga nakapaligid sa kanyang mga bulaklak. Hindi nito naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Bakit sobrang bait mo kay Cris?"
"Alam mo naman siguro ang kanyang tunay na pagkatao." Naguluhan si Renz sa sinabing yun ni Cyrus. Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin.
"Ano bang sinasabi mo diyan! Pwede ba, diretsuhin mo na ako." Naguguluhang sabi ni Renz.
Lumapit ng bahagya si Cyrus sa kanya.
"Alam ko na alam mo na bakla siya. At hindi yun issue sakin. Gusto ko siya!" Gulat na gulat ang reaksyon ni Renz. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Uy. Mukhang seryoso yata kayo diyan. Tara pasok na tayo, excited nakong ikutin ang rest house."
Habang palapit sa main entrance ay lalong namamangha ang mga mata ni Cris sa nakikita. Maituturing na paraiso sa kanya ang ganitong klaseng lugar.
"Good afternoon Sir Cyrus. Mukhang may bisita ka po ngayon." Nagsalita ang taong bantay sa main entrance. Napansin agad ni Cris na kakaiba ang mga ipinupukol na titig nito sa kanya.
"Si Mark, matagal na siyang katiwala dito." Bumati si Mark sa dalawa at nakipagkamay kay Cris. Pagkatapos ay nagbigay ito ng makahulugang ngiti. Hindi maintindihan ni Cris kung bakit ganon na lamang ang trato sa kanya ni Mark ngunit hindi niya nalang ito pinansin.
"Pasok na tayo sa tutulugan niyo." Pinakita ni Cyrus ang mga kwarto na pagtutulugan ng dalawa. Inikot din nila ang buong loob ng rest house.
"Wow. Sobrang ganda naman dito. Hindi mo naman sinabing ganito kayo kayaman." Malapad ang ngiti ni Cris.
"Hindi naman kami mayaman. Namana ko lang to kay Papa." Saad ni Cyrus.
"San ba ang pamilya mo?" Nagulat si Cris dahil narinig niyang nagsalita si Renz.
"Yung Papa ko, wala na. Namatay siya 15 ako nun. Si Mama naman, hindi kinaya ang nangyari kaya nagpunta ng ibang bansa. Ayoko naman umalis dito kaya mag-isa nalang ako." Paliwanag ni Cyrus.
Bigla namang naawa si Cris sa kwento ni Cyrus. Napansin yon ni Renz at labis itong naapektuhan. Hindi rin maipaliwanag ni Renz kung bakit ganon ang kanyang nararamdaman. Takot ba itong maagaw ang atensyon ni Cris sa kanya?
"Wag kang mag-alala. Nandito naman kaming mga kaibigan mo. Para di mo na maramdaman na nag-iisa ka." Tugon ni Cris.
Kinuha ni Cyrus ang palad ni Cris at nagpasalamat ito.
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomanceNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...