Cris' POV
Natapos ang pagluluto ni Mama at ni Renz. Spaghetti, lumpia, tatlong klaseng ulam, buko pandan, cake, ice cream at mga pampulutan.Hindi naman sa pagmamayabang pero may kaya naman ang aming pamilya. Si Papa ay nagtatrabaho sa Amerika kaya hindi kami nahihirapan ni Mama sa mga gastusin. Sunod sa luho dahil ako lang ang nag-iisang anak.
Lumipas ang oras at saktong 3pm na. Nagsidatingan na ang aking mga kaibigan.
"Happy birthday Cris." Humalik sa pisngi ko si Bea. Siya ang tanging babaeng nakakaalam ng tunay kong pagkatao.
"Pare, tumatanda ka na huh." Si Ryan ang kaibigan ding malapit ni Renz ngunit mas close parin kami ni bespren.
"Uy, buti naman at pinapunta mo kami dito. Ang daming pagkain." Ang matakaw naming kaibigan na si Aira.
Silang tatlo lang ang natatangi naming kaibigan ni Renz. Halos sabay na kaming nagsipaglakihan.
Close kami sa isa't-isa ngunit hindi nila nalalaman ang matagal ko nang itinatago.
"Maupo na kayo para kumain na." Si Mama na dala-dala ang pitsel na may lamang juice.
"Oo nga po Tita. Nagugutom na kami." Ngiting sabi ni Aira.
"Ang takaw mo talaga kahit kailan!" Pang-iinsulto ni Renz.
"Tama na yan, kumain na tayo." Pinigilan ko na sila sa kanilang bangayan.
Habang kumakain...
"Nakita niyo na ba yung bagong lipat dito?" Napatingin ako kay Bea nang magsalita ito. Baka ang tinutukoy niya yung lalaking nakabasag sa bintana ng kwarto ko.
"Ah. Nakita ko siya kanina sa court. Naglaro ng basketball." Si Ryan.
"Magaling ba Pare? Baka pag nagharap kami nun walang-wala yun sakin." Pagmamayabang ni Renz. Nabulunan naman si Bea sa narinig.
"Ehem, ang hangin naman dito. Hoy Renz, atleast pogi, eh ikaw? Walang-wala ka sa abs niya." Sabay dila ni Bea kay bespren.
Nainsulto naman si Renz kaya bigla itong tumayo, nagulat kaming lahat sa ginawa niya.
"Grabe naman kayo sakin." Biglang lumungkot ang mukha niya.
"Tama na nga yan. Affected bespren? Wag kang ma-alala, mas pogi ka parin!" Pambawi ko sa sinabi nila. Pinapagaan ko lang ang kalooban niya para isipin niyang kinakampihan ko siya.
Pero ang totoo... natutuwa ako sa mga narinig ko kanina tungkol sa lalaking yun.
Biglang itinaas ni Renz ang kanyang damit at ipinakita sa amin ang kanyang abs.
"Mas maganda ang katawan ko sa kanya. Humanda yun pag nagkita kami. Isusubsob ko siya rito sa abs ko." Pagmamayabang niya.
Halos lumipas ang apat na oras na ganun ang senaryo ng usapan. Nagbabangayan parin sina Aira at Renz. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanila.
Gabi na at nagpasya na akong kumuha ng alak sa reef. Pagbukas ko ng ref ay kasabay na may nagtakip sa aking mga mata.
"Bes, ano ba? May kinukuha ako!" Alam kong si Renz lang iyon ngunit hindi parin bumibitiw ang mga kamay sa mata ko.
"Ano ba?" Napasigaw ako at naitulak ko kung sino man ang taong nagtakip sa mga mata ko.
"Aray ko."
"Bea?"
Renz's POV
7:30 na, ang tagal naman yatang bumalik nina Cris at Bea. Mukhang nag-iinom na ang dalawa sa kusina.
"Pare. Kumusta, may nililigawan ka ba ngayon?" Tanong ni Ryan.
"Ano ka ba Pare, diba alam mo naman na hindi ako ang nanliligaw. Sila ang lumalapit sakin." Napansin kong nayabangan na naman si Aira sakin. Namumuro na tong matakaw na to sakin pero hindi ko nalang pinansin.
"Medyo lumamig yata. Nasan na ba ang dalawa at nang maumpisahan na ang inuman." Tinitigan ko lang siya nang masama.
"Magtapat ka nga sakin, Aira. May gusto ka ba sakin?" Seryoso kong tanong.
Medyo nagulat siya sa sinabi ko.
"A-ako? Wow lakas mo naman!" Nasusuka niyang sabi.
"Bakit mo naman nasabing may gusto si Aira sayo?" Si Ryan.
"Wala, feeling ko lang." Sabi ko.
"Hoy Mr. Renz Flores, ang feeling mo! Hindi ako magkakagusto sa mayabang na katulad mo. We're only just friends at hanggang dun lang yun!" Mahaba niyang paliwanag. Ako naman ay natulala sa sinabi niya. Okay fine.
Bea's POV
"Aray ko." Humandusay ako sa sahig nang itulak ako ni Cris.
"Bea?" Gulat niyang sabi.
"Ang sakit nun beks ha!" Sumakit yata ang balakang ko at hirap akong nakatayo.
"Ssshhhh. Wag kang maingay baka may makarinig sayo. Ikaw naman kasi, ginulat mo ako. Ayos ka lang ba?" Natuwa naman ako dahil ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Okay lang ako." Nakangiti kong sabi. Tumalikod na siya at binuksan muli ang ref at kumuha ng dalawang bote ng red horse.
"Tara na." Palabas na sana siya nang pigilan ko siya.
"Sandali Cris." Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.
"Happy birthday!" Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.
"B-bakit?" Pagtataka niya.
Hinampas ko siya sa braso. "Ano ka ba, wala lang yun. Wala namang malisya yun sayo diba? Hindi naman tayo talo!" Hindi niya alam na matagal ko na siyang gusto. Kahit bakla pa siya, wala akong pakialam.
Tumango nalang si Cris at nauna nang lumabas.
Lihim akong napangiti. Ito na ang matagal kong hinihintay. Magiging akin kana, Cris!
** A U T H O R' S N O T E **
Hello readers, alam kong konting update lang to. Kapit lang kasi sa mga susunod na chapters ay kaabang-abang na. 🙂 Keep reading at comment po kayo. Salamat ❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/212122031-288-k603770.jpg)
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomanceNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...