CHAPTER 9: PROMISES

78 4 0
                                    

Renz's POV

Pagkatapos kong malaman ang buong katotohanan ay parang nilagyan ako ng tinik sa aking dibdib. Hindi ko matanggap na magiging ama na ang matalik kong kaibigan.

Nagdesisyon akong hindi na umalis at isantabi muna ang nararamdaman ko dahil alam kong bawal, mali at hindi na pwede.

Bago ako pumasok sa pintuan ng aming bahay ay narinig ko ang isang boses sa aking likuran.

"Renz." Paglingon ko ay nakita ko siya.

Kinabahan ako na hindi ko malaman. Bakit ganito na ang nararamdaman ko?

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"May sasabihin lang ako." Bumilis ang tibok ng puso ko sa kanyang sinabi.

Lumapit siya sa akin at binatukan ako. "Hoy, aalis ka pala. Di ka man lang magpapaalam sa akin."

Napayuko ako sa kanyang sinabi. Ang akala ko ay alam na niya ang totoo.

"K-kasi biglaan..." palusot ko. Tumalikod ako ngunit iniharap niya ang katawan ko sa kanya.

"Bespren naman. Bakit ka ba nagkakaganyan?" Kumunot ang noo niya.

Iba ang pakikitungo ko sa kanya kaya siguro siya nagtataka.

"Wala naman." Binatukan ko siya para di na mag-drama.

"Iiwan mo na nga ako eh." Lumungkot bigla ang kanyang mukha.

Hindi na ako aalis. Hindi ko pala kaya!

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngayon ko lang nahawakan nang ganun katagal yon. "Kahit anuman ang mangyari, bespren, hinding-hindi tayo maghihiwalay." Pangako ko sa kanya na panghahawakan ko.

"Talaga? Promise?" Malapad na ngiti niyang sabi.

"Oo naman, bespren." Sagot ko.

Totoo na talaga tong nararamdaman ko. Gusto ko na siya. Gusto ko na si Cris!

"Pasok tayo sa bahay?" Binuksan ko ang pintuan at nagpa-anyaya sa kanyang pumasok sa loob.

"Hindi na, salamat nalang. May pupuntahan din ako. Oh siya, mauna na ko." Ngiti lang ang itinugon ko.

Paglabas niya sa gate ay tinawag kong muli ang kanyang pangalan.

"Cris!" Bumalik siyang nagtataka. Pinalapit ko siya at sumenyas na may ibubulong.

"Wala lang. Sobrang namiss kita." Ang sumunod na nangyari ang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Niyakap niya ako at parang tumigil ang oras ng mga sandaling 'yon.

Alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Bahala na, alam ko naman na si Cyrus ang gusto niya.

Wala akong laban.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko. Hindi ko siya matignan ng diretso kaya minsan hindi ako nakikipagtitigan.

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now