CHAPTER 36: HAPPILY EVER AFTER FINALE ENDING

127 4 0
                                    

          "The Happily Ever After Finale."

3 years later...

Kaharap ko ngayon ang puntod niya. Tatlong taon na ang lumipas simula nung mawala siya. Tatlong taon na pero hindi ko parin matanggap ang nangyari. Hindi ko parin matanggap ang pagkawala niya...
"3 years simula nung mawala ka. Sorry at ngayon lang ako nagka-lakas ng loob na dalawin ka. Mahal na mahal kita. Hindi mo tinupad ang pangako mo!" Bumagsak na ang mga luha sa aking mata.
"Ang daya mo naman. Marami pa sana tayong pangarap. Miss na miss na kita." Biglang lumakas ang hangin. Napapikit ako kasabay nun.
Alam kong narito lang siya. Narito lang siya sa tabi ko.
At hindi ko inasahang bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hahayaan kong mabasa ako ng ulan para hindi niya ako nakikitang umiiyak! Sana sa pagwala ng ulan ay kasabay nun ang pagtanggap ko sa katotohanan.
Sa katotohanang wala na siya...
Wala na siya sa buhay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at ilang sandali pa ay hindi ko na nararamdaman ang patak ng ulan. Ang bilis naman yata tumila ng ulan. Pagtingin ko sa itaas ay may payong na nakatakip sa akin para hindi ako mabasa ng ulan.
Paglingon ko sa likuran ay nakita ko siya...
"Sinundan kita. Alam kong hindi mo pa rin matanggap ang lahat pero nandito lang ako palagi." Niyakap ko siya ng marinig yon. Nadurog man ang puso ko ay nariyan naman siya parati sa tabi ko.
Simula nung mawala... si Renz.
"Nagpapasalamat ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon. Ibinigay niya ang puso niya sa akin. Isinakripisyo niya ang buhay niya para sayo Cris. Dahil mahal na mahal ka niya."

-FLASHBACK-

"Aira, bakit? Bakit si Renz? Anong nangyari? Gumising ka bestfriend!" Niyugyog ko ang katawan niya habang sinasabi yon.
"Hindi na kinaya ni Renz. Yung last wish niya ibigay ang puso niya kay Cyrus. Cris, mahal na mahal ka ni Renz." Lumapit sa akin si Aira at niyakap ako.
"Renz. Bakit? Ang sakit-sakit, hindi ko matanggap. Bakit nangyari 'to" Habol-hininga kong sabi sa labis na pag-iyak.
Tinakpan ko nang muli ang katawan ni Renz. Hindi ko sya kayang makita sa ganung sitwasyon. Hindi ko kaya.
All this years, siya na pala talaga ang laman ng puso ko. Si Renz, ngunit bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat?
"Paano na ako ngayong wala kana, Renz. Ang daya mo. Gumising kana please. Hindi ko kayang mawala ka!" Hagulgol kong sabi.
Pinilit namang pagaanin ni Aira ang kalooban ko. "Hindi masasayang ang pagsasakripisyo ni Renz dahil may isang tao siyang nailigtas. Cris, nandito pa ako. At lalong nandyan pa si Cyrus. Hindi ka namin pababayaan." niyakap ko si Aira pagkatapos nun.

-END OF FLASHBACK-

"Renz. Bestfriend." Ngayon ko na lamang ulit nabigkas ang kanyang pangalan.
"Sorry... Kasi sa lamay at pati paglibing sayo hindi ako sumipot. Sorry kasi hindi ko talaga matanggap na wala ka na." napabuntong-hininga ako.
"Salamat sa lahat. Sa mga ginawa mo. Ikaw parin naman ang mamahalin ko, dahil ang puso mo ay napunta kay Cyrus. Mamahalin parin kita sa katauhan niya." Tumingin ako kay Cyrus at ngumiti sa kanya.
Ngayon lang ako nagka-lakas ng loob dahil ngayon ay tanggap ko na. Oras na siguro para tanggapin ang katotohanan. Kailangan kong tanggapin at magpatuloy kahit wala na siya. Kahit wala na si bestfriend!
"Renz. Hinding-hindi ko iiwan si Cris! Mahal na mahal ko siya. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Hinding-hindi ko sasayangin ang sakripisyong ginawa mo." Pagkatapos niyang sabihin yun ay niyakap ako ni Cyrus.
Masaya na rin ako sa nangyari. Palagi paring nasa puso at isip ko si Renz.
Maya-maya'y tumigil na ang malakas na ulan ngunit ang inakala kong masaya ay agad na mapuputol.
"Layuan mo ang anak ko!" Napalingon kami sa taong nagsalita.
Nandilat ang mga mata ko sa taong kaharap namin ngayon.
Si Papa. Ngunit hindi ko inasahan ang pagdating niya sa Pilipinas.
"Pa." Gulat na gulat kong sabi. Lumapit siya sa akin at sinampal ako sa pisngi ng napakalakas.
"Pumasok ka ngayon sa kotse, ngayon na!" Sigaw niya sa akin. Habang ako ay gulantang parin sa pagdating niya.
"Pero..." nagsalita si Cyrus pero hindi na niya naituloy dahil sinuntok agad siya ni Papa.
"Layuan mo ang anak ko!" Hinila ako ni Papa papunta sa kotse.
"Pa, magpapaliwanag ako." Tinitingnan ko si Cyrus habang hila-hila ako ni Papa.
Gusto kong tumakbo sa kanya pero hindi ko magawa. Nakasakay na kami ni Papa sa kotse at mabilis niya itong pinaandar.
"Nagulat ba kita Cris? Alam ko na ang lahat." Galit na galit na sabi niya.
"Pa, sorry pero bakit kayo umuwi agad dito? Hindi man lang kayo nagsabi sa akin." Pag-alala ko.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang galit dahil alam na niya ang lahat lalo na sa pagkamatay ni Mama na inilihim ko sa kanya.
"Isasama na kita sa Amerika." Nandilat ang mga mata ko nang marinig yon.
"Pero bakit?" Pagsalungat ko sa kanya.
"Dahil ikakasal ka na sa iba."
Kasal? Tama ba ang narinig ko? Napahawak ako sa aking bibig sa sobrang pagkagulat.
Ikakasal na ako sa iba pero hindi sa taong mahal ko.

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now