CHAPTER 8: SWEET LIES

108 5 0
                                    

Cyrus' POV
Dalawang buwan na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakausap si Mark. Ano nga ba ang tunay na dahilan, siya nga ba ang gumawa noon kay Cris? Hindi na siya nagpakita pa sa akin.
Kailangan kong makibalita. Kailangan kong puntahan si Cris. Matagal na rin kaming hindi nagkikita at nakakapag-usap.
Malapit nang magdilim nang lumabas ako ng bahay. Malapit lang naman ang ihahakbang ko at makakarating na ako sa bahay nila Cris.
Nakalabas na ako sa gate nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Unknown number.
"Hello. Sino to?"
"Long time no see, Cyrus." Nakilala ko agad ang boses sa kabilang linya.
"Mark?"
"Ako nga." At bigla siyang tumawa ng malakas.
"Bakit mo yun nagawa kay Cris? Hayop ka!" Galit kong sabi sa kanya.
"Pinagbibintangan mo ba ako? Ayos ka din pala." Patawa niyang sabi.
"Hoy Cyrus. Alam ko na alam mo ang nangyari nung gabing yon. Planado ang lahat diba?" Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan.
"Ano bang ibig mong sabihin?" napalakas na ang boses ko sa sobrang inis sa kanya!
"Easy ka lang. Alam ko naman na mahal mo na si Cris. Nakakadiri mang tingnan, gusto mo yan eh." sabay halakhak niya.
Gusto ko nang ibato ang cellphone ko sa sobrang galit sa kanya. Kapag nakita ko siya, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.
"Gusto mo bang isiwalat ko ang sikreto mo? Diba, alam ko ang lahat ng baho ng pamilya mo?" Nandilat ang mata ko sa kanyang sinabi. Hayop ka Mark. Malaki ang tiwalang binigay ko sayo pero ganito lang ang isusukli mo!
"Hayop ka!" Galit kong sigaw.
Humalakhak muna siya bago nagsalita. "Oo hayop ako, demonyo ka naman!" Pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag. Nanggigil ako sa sobrang galit. Hindi pwede, walang dapat makaalam ng sikreto ko... nang tunay kong pagkatao!
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang makita ko sa di kalayuan sina Renz at Bea... ngayon ko na lang muli nakita si Bea at parang may kakaiba sa kanya. Papunta sila sa bahay ni Cris.
Lumabas ng gate si Cris, gulat na gulat siya nang makita si Bea. Ako naman ay nagmamasid lang sa malapit at naririnig ko ang kanilang usapan.
"Anong nangyari, bakit umalis ka noon? Bakit bigla kang nawala?" Sunud-sunod ang mga tanong ni Cris.
"Sorry, Cris." Nagsimula nang umiyak si Bea. Pinapagaan naman ni Renz ang kanyang kalooban.
"May sasabihin siya sayo." Biglang sumeryoso ang mukha ni Renz.
"Sige sabihin mo."
"B-buntis ako." Nabigla ako sa kanyang sinabi.
"Wag mong sabihing..."
"Oo. Ikaw ang ama!" Nawindang marahil si Cris sa narinig. Hindi siya nakapagsalita. Katahimikan ang sumunod na nangyari.
"Pinagsamantalahan moko noon. Hindi ko matatangap yang dinadala mo!" biglang tumakbo sa loob ng bahay si Cris at naiwan sa labas sina Renz at Bea.
Hindi ito maaari... alam kong walang nangyari noon kay Bea at Cris. Alam kong nagsisinungaling siya! Bakit mo ginagawa ito Bea? Bakit...
Cris' POV
Nawindang ang mundo ko nang makita si Bea at sa kanyang sorpresa. Bakit ngayon pa? Bakit bumalik ka pa! Wala akong alam kung mayroon ngang nangyari sa amin noon. Hindi to pwede!
Pinagsamantalahan niya ako. Hindi ko yon ginusto. Pero anong magagawa ko? Basta. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!
Nasa rooftop ako ng aming bahay at nakaupo. Nakatingala sa itaas habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko pa rin lubos matanggap ang balita. Magiging ama na ako!
Maya-maya'y biglang may narinig akong kaluskos. Tumingin ako sa pinanggalingan ng ingay ngunit walang kahit sino doon.
May multo ba dito? Wag naman sana ngayon. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Isang ingay na naman ang narinig ko at paglingon ko sa likuran ay nakita ko ang isang taong paakyat ng rooftop.
"Sino ka? Magnanakaw!" Sinigawan ko ang lalaking yon ngunit nang makita ko na ng lubusan ang kanyang mukha ay napatigil ako sa pagsasalita.
Nakaakyat na siya at lumapit sa akin. Nagbigay ng isang malapad na ngiti.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka umakyat? Nasaktan ka ba?" Sunud-sunod na tanong ko.
"Gusto lang kitang makausap. Narinig ko na ang balita." Bigla akong nahiya sa sinabi ni Cyrus.
Nakakahiya... wala nakong mukhang ihaharap sa kanya.
"Wag kang mahiya. Alam ko naman na hindi mo yon ginusto." Napatingin ako bigla sa narinig ko kay Cyrus.
Tama si Cyrus. Hindi ko naman talaga yon kagustuhan. Naaalala ko na kasama rin pala niya akong hinatid sa kwarto noong nalasing ako ng sobra.
"May nangyari ba talaga sa amin ni Bea noong nalasing ako?" Ngiti lang ang tugon niya.
Ano ang ibig sabihin ng kanyang ngiti.
Sa sumunod niyang sinabi ako sobrang nabigla.
"Wala, dahil nung gabing hinatid ka namin sa kwarto mo ay nakiusap siya sa akin na siya na ang bahala sayo."
"Tapos?"
"Lumabas ako at nagpaalam pero bumalik ako dahil nakalimutan ko ang cellphone kong hiniram niya noon."
"Pero bakit hubot-hubad ako paggising ko." Pagtataka ko.
"Pagbalik ko ay nahubad na ni Bea ang lahat ng saplot mo. Tinakpan kita ng kumot at hinila ko na siya palabas ng bahay niyo."
Nakakagulat ang mga nalaman ko ngayon. Ganun pala ang nangyari. Alam ko na, hindi ako ang ama ng pinagbubuntis niya pero sino?
"Tapos ano na ang nangyari?"
"Sinabi niyang buntis siya." Napatingin ako kay Cyrus. Buntis na pala si Bea noong kaarawan ko pero bakit hindi niya sinabi sa akin.
"Sinabi niya sa akin ang kanyang plano na ikaw ang palalabasing nakabuntis sa kanya." Walang hiya ka Bea. Paano mo ito nagagawa sa akin?
"Ano nang gagawin ko ngayong alam ko na ang katotohanan?" Binulong niya sa akin ang dapat kong gagawin ngunit nagdalawang-isip ako sa kanyang plano.
"Gawin mo, sa ganong paraan hindi mo siya masasaktan ng sobra." Ngiti niyang sabi sa akin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Mabuti na lang at narito siya ngayon upang tulungan ako. Your my saviour talaga, Cyrus.
Pagbitiw ko sa pagkakayakap sa kanya ay nagtama ang aming mga mata. Hindi talaga nakakasawang tingnan ang kanyang mukha. Sobrang nahuhulog na ang loob ko kay Cyrus.
Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Naalala ko bigla nung hinalikan niya ako sa gitna ng kalsada. Nakakagulat.
Lumapit pa ng bahagya ang kanyang mukha kaya muling naglapat ang aming mga labi.
Sa malamig na simoy ng hangin, sa ilalim ng buwan at mga bituin. Muli kong natikman ang mga halik ni Cyrus na sa panaginip ko lang minsan inasam.
___ ___
++ A U T H O R's N O T E ++
Lagot ka ngayon Bea. WAAAAH! Nakakadalawa kana Cyrus. Pano si Renz? XD

Hi readers. SALAMAT SA PAGHIHINTAY SA UPDATE. NAGUSTUHAN NYO BA?
Mas lalong iinit at titindi ang mga eksena sa mga susunod na chapters. Kaya keep on reading, labyu all.

❤️

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now