CHAPTER 32 and 33: REVENGE AND REVELATION

108 1 0
                                        

               Chapter 32: "Revenge”

    Bea's POV

Suot-suot ko pa ang gown nang ipasok ako sa kulungan. Hindi ito patas, mga hayop sila!
Ngayon sana ang araw na nagdidiwang ako sa sobrang saya. Sinira nilang lahat ito. Magbabayad sila!
"Hayop ka! Paano mo nagawang patayin ang Mama ko?" Paglingon ko sa nagsalita ay nakita ko si Cris. Kasama si Renz, Aira at Cyrus.
"Lahat gagawin ko para sa plano ko." Ngumisi ako sa kanya.
"Hayop ka!" Sigaw niya. Lalapit sana si Cris sa akin nang pigilan siya ng mga kasama niya.
"Pare-pareho lang tayong masasama!" Nabigla sila sa aking binitawang salita. Alam nila kung ano ang tinutukoy ko.
"Killer ka din diba Cris? At bakit hindi mo kayang magalit kay Cris, Renz? Siya ang pumatay sa Kuya mo!" Nandilat ang mga mata ni Cyrus. Alam kong nabigla siya.
"Tama na. Hindi niya yon sinasadya." Sagot ni Renz.
Ang laking tanga niya. Baliw na baliw siya kay Cris pero alam naman niyang si Cyrus ang mahal nito.
"Tumigil ka na. Mabubulok kana dito sa kulungan!" Sigaw sa akin ni Aira. Pagkatapos ay umalis na sila.
Nanlilisik ang mga mata ko habang tinititigan ko silang mawala sa paningin ko.
Humanda sila dahil hindi pa ako tapos. Makakalabas ako rito at kapag nangyari yun, papatayin ko silang lahat.
Maghihiganti ako!
Maya-maya'y biglang may dumating na pulis.
"Bea, may dalaw ka." Laking pagtataka ko kung sino yon pero inisip kong baka ang mga magulang ko lang iyon pero nagkamali ako.
"Kumusta na?" Ngiting demonyo niyang sabi.
"I-ikaw?" Nandilat ang mga mata ko nang makita siya.
"Alam kong kailangan mo ang tulong ko."
Ang taong ito... hindi ko aakalaing magiging kakampi ko siya sa bandang huli.

Cris' POV

Lumipas ang isang linggo simula nang mangyari ang mga pangit na karanasan sa buhay ko.
Dapat ay maging masaya at kailangan maging matatag kahit ako nalang mag-isa. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa.
Hindi ako nalulungkot dahil hindi ako pinapabayaan ng aking mga kaibigan. Si Cyrus, Aira at si Renz.
6pm nang makatanggap ako ng tawag mula kay Aira.
"Anong oras ka pupunta?" Bungad niyang salita.
"Maliligo lang ako. Punta na agad ako diyan. Sige." Ngayon ang kaarawan niya at may pa-house party siya. Kaming tatlo lang nina Renz at Cyrus ang kanyang mga inimbitahan. Wala kasi ang pamilya niya at nag-bakasyon ng ilang araw sa probinsya.
Kaming apat lamang mamayang gabi sa kanila kaya alam kong magiging masaya ang gabing ito.

Kasabay kong dumating si Renz sa bahay ni Aira. Pagpasok namin ay nakita ko si Cyrus na nakaupo habang nakatingin sa amin.
Bumaling ang mga tingin niya sa ibang direksyon.
Selos.
Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko. Nagseselos nga ba siya?
Dapat hindi na...
Dahil wala nang kami, hindi na kami!
"Nandito na pala kayo. Kumpleto na tayo. Let's start the party!" Sigaw ni Aira nang makita kami.
Niyakap namin siya ni Renz pagkatapos ay ibinigay namin sa kanya ang aming dalang regalo. Nagpasalamat siya ng matanggap ito.
"Thank you sa pagpunta niyo. Masaya akong nandito kayo." Mangiyak-ngiyak pa niyang sabi.
Nilapitan ko agad siya at tinapik-tapik ang kanyang likuran.
"Wag ka nang magdrama. No more drama. Magsaya tayo kasi birthday mo." Sabi ko. Tumango naman siya.
Nakita kong nagtama ang mga mata nina Renz at Cyrus at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.
Hindi pa rin sila magka-ayos.
Ilang saglit pa ay nagsimula nang umingay ang loob ng bahay.
Pinatay ni Aira ang ilaw. Binuksan niya ang isang bagay na naglalabas ng iba't ibang kulay ng ilaw. Parang ilaw sa loob ng bar. Nagpatugtog din siya ng malakas na kanta at naglabas ng inumin.
Sayaw.
Inom.
Sayaw.
Inom.
Kahit apat lang kami ay nagiging masaya naman ang kinalalabasan.
Walang epal at mga panggulo.
Napatingin ako sa lugar na kinatatayuan ni Cyrus. Kinakausap siya ni Renz at alam kong seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Nakikita kong minsan ay napapangiti sila pareho.
Napanatag ang loob ko. Alam ko naman na mangyayari talaga ang pagbabati nila.
Masaya ako para sa kanila.
Biglang tumigil ang musika, namatay ang mga ilaw. Anong ibig sabihin nito?
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Cris." Narinig kong nagsalita si Renz. Madilim ang paligid kaya hindi ko siya makita.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Sinagot ko siya na ayos lang ako.
"Anong nangyari, brown-out ba?" Nagsalita si Cyrus. Bakit biglang natahimik si Aira? Nasaan siya?
Pag-atras ko ay napatumba ako nang may maapakan ako. Pagkapa ko ay alam kong si Aira yon. Pero bakit nakahandusay ang kanyang katawan?
"Si Aira, walang malay." Sigaw ko.
"Buksan niyo mga phones niyo." Sabi ni Renz. Nakapagbigay naman iyon ng konting liwanag. Lumapit sa akin sina Renz at Cyrus.
"Anong nangyari?"
Ipinakita ko sa kanila ang dugo.
May tama ng baril sa dibdib si Aira pero saan nanggaling yon? Imposible, kami lang ang taong naririto.
"Sino ang may gawa niyan?" Pagtataka ni Renz.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang dalawang anino sa labas.
"It's payback time." Boses yon ni Bea.
Imposible. At sino ang kasama niya? Bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Takot at kaba ang nararamdaman ko.
Dahil alam kong may hindi magandang mangyayari sa gabing ito.

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now