CHAPTER 18: THE PAST

55 1 0
                                    

Leonard's POV
Nakauwi ako sa aking tinutuluyan. Sa wakas, nagharap na kami ni Cyrus.
Ang magaling kong kapatid...
Nagbalik ako para maghiganti. Mabuti na lamang at nakaligtas ako noon.
Yung gabing plano kaming patayin ni Cyrus. Ako, si Mama at si Papa.
Hindi ko malaman ang kanyang naging dahilan.
Kung bakit niya kami pinatay at kung bakit gusto niya kaming mawala sa buhay ko.
Sariwa parin sa alaala ko ang lahat. Yung gabing hinding-hindi ko makakalimutan...
++ F L A S H B A C K ++
Pagkatapos kong uminom ng gatas ay umakyat na ako sa aking kwarto.
Pinatay ko na ang ilaw. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng makarinig ako ng isang putok ng baril.
Sa umpisa ay hinayaan ko lang. Ngunit nasundan pa ito ng nasundan. Nagtaka na ako kaya lumabas ako ng kwarto.
Tahimik...
Bigla akong kinabahan...
Nang madaanan ko ang kwarto nila Mama at Papa ay napansin kong nakabukas ito.
Dahan-dahan akong lumapit at pagpasok ko.
Nakita ko sina Mama at Papa, nakahandusay sa sahig. Naliligo sa sarili nilang dugo, wala nang buhay.
At ang nakita kong nakatayo sa tabi nila. --si Cyrus na may hawak ng baril sa kanyang kanang kamay.
"Anong ginawa mo? Cyrus!" Sumigaw ako ng malakas. Nanlambot ang tuhod ko sa aking nakikita.
Humarap siya at ngumisi.
"Mamamatay kayong lahat." Pagkatapos nun ay binaril niya ako.
++END OF FLASHBACK++
Hindi niya alam na nabuhay ako. Ito ang pagkakamaling ginawa niya sa buhay niya, ang buhayin ako. Hindi niya sinigurado na hindi na ako humihinga.
Isang tao ang saksi nang gabing yon. Si Mark-- siya ang tumulong sa akin.
Inilihim namin ang nangyari sa lahat dahil pagkatapos nun ay biglang naglaho si Cyrus.
Ngayong natagpuan na kita, humanda ka!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Cris.
"Hello. Sino to?"
"Leonard to. Pwede ba tayong magkita?" Sumang-ayon siya sa ibinigay kong lugar. Pupunta siya.
Ibinaba ko na ang tawag at may naipintang mga ngiti sa aking labi.
Umpisa pa lang to. Sisirain ko ang buhay mo, Cyrus.
Idi-nial ko ang number ni Mark para tawagan siya.
"Sir Leonard. Napatawag ka?"
"Kailangan ko ang tulong mo!"
Cyrus' POV
Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Hindi mapanatag ang isipan ko. Alam kong gagawa si Leonard ng plano.
Alam kong maghihiganti siya. Hindi ko siya hahayaan. Hindi ako magpapatalo.
Kailangan ay umisip din ako ng plano.
Tumunog bigla ang cellphone ko.
"Hello."
"Kumusta na Cyrus?" Nakilala ko agad ang boses na yon.
"Anong kailangan mo Mark?" Dumagdag pa ang taong ito sa problema ko.
"Wala naman. Pinapaalalahanan lang kita. Malapit nang sumabog yang tinatago mong baho."
"Hayop ka! Pinagtutulungan niyo ba ako ni Kuya?" Galit na galit kong sigaw sa kanya.
Humalakhak siya...
"Wag kang mag-alala. Hindi ko siya kakampi. Wala akong kakampi. Pareho ko kayong kalaban at pareho ko kayong sabay na patutumbahin!" Humalakhak muli siya.
"Hinding-hindi kita hahayaang mangyari yon." Ibinaba ko na ang tawag.
Tumayo ako at kinuha ang isang bagay sa aking cabinet.
Ito ang saksi sa lahat. Ito ang bagay na kakampi ko. Ito ang pumatay kina Mama at Papa... -isang baril.
Isa lang ang naging dahilan kung bakit ko sila pinatay. Nalaman ko ang katotohanan.
++ FLASHBACK ++
Umuwi ako ng bahay galing sa isang party. Birthday ng isa kong tropa.
Pagbukas ko ng pinto ay agad kong narinig na nag-aaway sina Mama at Papa.
"Sabihin na natin ang totoo."
"Hindi. Ayoko siyang saktan."
"Kailangan na niyang malaman ang katotohanan."
"Anong dapat kong malaman?" Napatingin silang dalawa sa akin. Nagulat sa bigla kong pagsulpot.
"Hindi ka namin tunay na anak. Ampon ka lang!" Si Mama ang naglakas-loob na nagsalita.
Nandilat ang mga mata ko sa aking narinig. Ngunit ang sumunod na rebelasyon ang lalo kong ikinagulat.
Simula noon ay nanlamig na ako kina Mama at Papa. Kaya pala, alam ko na ang dahilan kung bakit nila nagagawa sa akin ang bagay na yon. Mga hayop sila!
Isang gabi... naganap ang hindi ko inaasahang mangyayari. Ang pagpatay ko sa aking magulang. Ang dahilan? Ako lang ang tanging nakakaalam.
++END OF FLASHBACK++
Bumalik ang isipan ko sa kasalukuyan. Ayoko nang maalala ang nakaraan. Kinalimutan ko na iyon pero bakit bumabalik parin?
Hinawakan ko ang baril at matagal ko itong pinagmasdan.
Ito rin ang magpapatumba kay Mark at sa muli kong papatay kay Leonard.
Sinisiguro ko iyon.
+ A U T H O R's N O T E+
Yung isa pang rebelasyon na nalaman ni Cyrus ay bukod pa sa dahilan kung bakit pinatay niya mga magulang niya. Magkaiba po iyon.
Malalaman niyo rin yon sa mga susunod na chapter.
Hello ^.^ Salamat sa mga sumusuporta at laging paghihintay sa update. May nakamiss na ba kay Renz? Malapit na malapit na ang kanyang pagbabalik.
Thanks and godbless.

❤️

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now