Renz' POV
Pagmulat ng mata ko, alam kong nasa kwarto ako ni Cris. Kabisado ko na ang bawat sulok ng kanilang bahay.
Hindi na ako iba sa kanila dahil simula pagkabata ay halos dito na rin ako lumaki sa bahay na ito.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Naalala kong naglasing ako kagabi. Sobra akong nalasing. Mabuti na lamang at hindi ako pinabayaan ng aking bestfriend.
Napansin ko ang isang cabinet na nakabukas kaya nilapitan ko ito.
Isang hakbang nalang ang gagawin ko nang...
"Renz, gising ka na pala." Tumakbo si Cris patungo sa nakabukas na cabinet at agad sinarado ito.
Nagtaka ako sa ikinilos niya. Parang mayroon siyang itinatago sa cabinet na iyon.
"Tara na sa kusina at nagluto na si Mama." Hinila na niya ako pababa ngunit bago kami makalabas ng pinto ay tinignan kong muli ang cabinet niya. Parang may nagtutulak sakin na pumunta roon pero tuluyan na kaming nakababa at nakarating na sa kusina.
"Goodmorning. Pare, lasing tayo kagabi ah?" Bati at biro ni Tita sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya
"Oo nga bes. Bakit ka ba naglasing?" Tumitig sa akin si Cris.
Sasabihin ko ba na alam ko na ang relasyon nila ni Cyrus. Na nasaktan at sobrang di ko kinaya nang malaman ko yon.
"Ah. Kasi may birthday diyan, napatagay lang." Umupo na kami sa upuan at nagsimula nang kumain.
"Renz." Malalim ang mga tingin ni Tita. Nagtaka rin si Cris sa ikinikilos ng kanyang ina.
"Bakit po tita?"
"Ngayong alam mo na ang tunay na pagkatao ng anak ko. Pwede mo na ba siyang ligawan?" Napatingin kami sa isa't isa ni Cris.
"Ma. Nakakahiya, ano ka ba?" Saway ni Cris kay Tita.
"At bakit hindi, gusto ko naman si Renz para sayo. Anak, matagal mo nang kilala si Renz kaya alam kong mapagkakatiwalaan siya." Ngumiti ako kay Tita.
"Ma, hindi pwede. Bestfriend ko si Renz at hanggang dun lang kami." Halos madurog ang puso ko sa sinabi ni Cris. Parang di ko kakayanin...
"Tama siya Tita. Excuse me." Tumayo ako at dumiretso palabas ng bahay. Masakit ang mga narinig ko. Sobrang nasasaktan ako!
"Bes, san ka pupunta?" Hinabol ako ni Cris palabas ng bahay.
"Wag mokong susundan!" Matigas kong sabi. Nakalabas na ako sa gate at nagpatuloy sa paglalakad.
"Renz. Hintay!" Lumingon ako sa likuran at nakasunod parin siya. Huminto ako sa paglalakad at naabutan niya ako.
"Ano bang problema?" Pagtataka niya.
"Hindi pa ba obvious? Cris naman!" Sigaw niyang sabi sa akin.
"Sorry." Yumuko siya. Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala!
"Ayaw kitang saktan kaya hindi ko sinabi sayo ang tungkol samin ni Renz." Paliwanag niya.
"Hindi moko naiintindihan! Masakit malaman sa iba. Siya pa ang nagsabi sakin!" Nagulat siya sa sinabi ko.
"Nagkausap kayo ni Cyrus? Ano ang mga sinabi niya sayo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero tinanggal ko kaagad.
"Hindi mo ba ako kayang mahalin? Bes, nung wala siya okay tayo! Wala akong kaagaw sayo! Bakit siya pa?" Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata.
Ngayon lang niya ako nakitang umiyak ng ganito.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Renz, sorry. Pero mahal ko si Cyrus. Mahal kita pero hanggang kaibigan lang." Kumalakas ako sa pagkakayakap niya at tumitig sa mga mata niya.
"Pwede bang ako nalang? Ayoko ng ganito lang tayo. Ayoko nang hanggang bestfriend mo lang ako. Mahal kita Cris." Bigla ko siyang hinalikan sa labi. Pumapalag siya pero mas malakas ako.
Ilang sandali pa ay may humawak sa braso ko at pagharap ko sa taong yon ay binigyan niya ako ng napakalakas na suntok. Bumagsak ang katawan ko sa lupa.
Cris' POV
Nagulat ako sa ginawa ni Renz, bigla niya akong hinalikan. Itinutulak ko siya pero hindi ko kaya. Nagulat na lamang ako nang biglang may dumating na tao at bigla siyang sinuntok sa mukha.
"Cyrus."
"Binabastos ka ba ng lalaking to." Hinila niya ang braso ko palapit sa tabi niya. Tumayo si Renz at lumapit kay Cyrus.
"Wag mo kaming pakialaman. Umalis ka diyan." Itinulak niya si Cyrus at hinila ang kamay ko sa kanya ngunit mabilis si Cyrus kaya nasuntok niyang muli si Renz. Lumaban naman si Renz at nagpalitan na sila ng mga suntok.
"Tama na!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Tumigil naman sila nang marinig ako. Sobrang nakakahiya na ang ginagawa nila. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Renz, umuwi ka na! Mag-usap nalang tayo sa susunod." Sabi ko.
"Hindi. Siya ang pinili mo, magsama kayo. Hinding-hindi mo nako makikita. Kalimutan mo na rin ako!" Nadurog ang puso ko sa narinig ko.
Bestfriend, patawarin mo ako!
Nakalayo na at hindi ko na nakita si Renz. Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa aking mata.
"Okay ka lang ba? Wag mo na siyang pansinin." Niyakap ako ni Cyrus at narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa aming paligid.
"Tapos na ang palabas. Umalis na kayo." Sigaw ni Cyrus sa mga tao. Nag-alisan naman agad at ako ay hinatid na rin ni Cyrus sa bahay.
"Hindi siya kawalan. Nandito ako. Hinding-hindi kita iiwan." Bago ako pumasok sa loob ng bahay ay niyakap ko muna siya.
"Salamat... Salamat Cyrus."
Hindi ko na alam ang mga susunod pang mangyayari. Kaya ko bang mawala si Renz sa buhay ko? Hindi ko pa masasagot ang bagay na'yun dahil alam kong hindi...
Hindi ko kaya...
___ _ __
++ A U T H O R's N O T E ++
Wag na wag bibitiw sa mga makapigil-hiningang mga tagpo.
ABANGAN ANG BAGONG KARAKTER NA PAPASOK SA KWENTO.
SINO SIYA?
ABANGAN...
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomansaNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...