CHAPTER 24,25 and 26: EVIDENCE, CHANGES And DANGER

64 1 0
                                    

Chapter 24: "Evidence"

Renz's POV
Halos malagutan na ng hininga si Bea pero hindi niya parin sinabi sa akin ang kanyang nalalaman.

Kung sino ang pumatay sa Kuya ko.

Isang taon... alam kong malapit ko nang makilala ang taong yun. Mabibigyan na kita ng hustisya, Kuya.

Pumasok ako sa kwarto ni Kuya Jonas. Pagbukas ko ng pinto ay halos manumbalik ang mga ala-alang kasama siya.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang hustisya!

Pinagmasdan ko ang mga larawan na kasama siya. Nalulungkot ako sa kanyang sinapit.

Walang puso ang pumatay sa kanya.

Nahiga ako sa kanyang kama at hinahaplos-haplos ko ang gamit niyang unan. Kung nandito ka lang, Kuya. Alam kong magiging masaya tayo.

Nabaling ang mga tingin ko sa papel na nakatago sa ilalim ng kanyang unan. Ngayon ko lang ito napansin.

Isang liham.

Binuksan ko iyon at binasa.

"Mahal kong kapatid. Sa tamang panahon, makikita mo ito at alam kong wala na ako sa mundo. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Alam kong malakas ka, kayang-kaya mo nang mabuhay ng wala ako. Kapag namatay ako, iyong binigay kung litrato sayo. Kung sino man ang may hawak nun ay siya ang papatay sa akin." Napatigil ako sa pagbabasa. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tama ang hinala ko. Kailangan kong makita ang bracelet na yon.

"Nasa taong minamahal ko ang bracelet na yon. Nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon kami nang hindi pagkakaunawaan. Sinabi niyang papatayin niya ako dahil may iba ako. Wala. Nagkakamali siya. Sinulat ko ito para sayo at sa kanya. Hanggang dito na lang. Paalam na. -Jonas." Nanginig ang mga kamay ko sa aking nabasa.

Ang nag-iisang ebidensiya ay yung bracelet! Kung sinuman ang may hawak nun ay ang killer! Ang pumatay sa kuya ko!

Hahanapin ko siya...

-

Cris' POV

Ito ang unang gabi na hindi ko makikita at makakasama si Mama. Nakakalungkot. Ako nalang ang mag-isa sa bahay.

Lahat nalang ba ng taong mamahalin ko ay aalis at mawawala sa akin?

Una, siya. Pangalawa si Mama at si Cyrus. Hindi na ba talaga ako kailanman magiging masaya?

Pagpasok ko sa aking kwarto ay napansin ko agad ang cabinet na pinagtataguan ko sa isang bagay na matagal ko nang itinatago.

Lumapit ako at binuksan ang cabinet, kinuha ko ang bagay na yon at ibinulsa ko.

Itatapon ko na ito ngayong gabi. Kailangan na itong mawala sa paningin ko, naaalala ko lang ang nakaraan!

Tinawagan ko si Mark.

"Himala at napatawag ka?" Pagkatapos ay humalakhak siya.

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now