Cyrus' POV
Pagmulat ng mata ko ay napansin ko agad na wala akong saplot sa katawan. Pati brief ko ay nakababa. Anong nangyari? Napahawak ako sa ulo ko ng ito'y biglang sumakit. Uminom pala kami kagabi at sobrang di ko kinaya ang alak kaya wala akong alam sa mga nangyari.
Pagtayo ko ay napansin ko agad si Cris na nakabulagta sa sahig malapit sa kama ko. Anong ginagawa niya sa kwarto ko? Siya kaya ang nag-akyat sakin dito sa kwarto? Bakit hubot-hubad ako? Napapangiti na lamang ako. Pinagsamantalahan kaya ako ni Cris pero dahil lasing din siya ay di na niya naituloy at nakatulog na sa kwarto ko? Wala akong ideya kung ano ang nangyari.
Nagmadali akong nagbihis. Lumapit ako kay Cris at napansin kong parang may mga pasa o parang kagat sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Agad ko siyang ginising at pagmulat ng mata niya ay naitulak niya ako na parang natatakot. Nanginginig ang kanyang buong katawan.
"Anong nangyari? Ako to si Cyrus." Nang makilala na niya ako ng tuluyan ay biglang pumatak ang mga luha sa kanyang mata. Bigla niya akong niyakap. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mukha.
"Okay ka lang ba? Bakit, sabihin mo sakin. Anong nangyari?" Humahagulgol pa rin siya kakaiyak. Nararamdaman kong may nangyaring hindi maganda.
"K-kasi..." bumitiw siya sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Pinupunasan niya ang mga bawat luha na dumadaloy sa kanyang mga mata.
"May gumalaw sakin kagabi." Yumuko siya at nag-umpisa na namang humagulgol. Naintindihan ko naman agad ang kanyang sinabi. Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ang gagawa nito kay Cris?
"Sino?"
Umiling siya. Paanong hindi niya makikilala? Imposible!
"Nakatakip ang mukha niya habang binababoy ako!" Narinig kong sabi niya.
"Hindi ka man lang nanlaban?" Tanong ko.
"Ginawa ko pero sinasaktan niya ako! Demonyo siya." Walang tigil parin siya sa pag-iyak. Hindi ko lubos maisip na may taong gagawa nito.
Apat lang naman kaming naririto... si Renz.
"Kung iniisip mong si Renz, nagkakamali ka. Hinding-hindi magagawa sakin ni bestfriend yun!" Kung hindi si Renz, si Mark!
"Kung hindi siya... si Mark?" Pero imposible na gagawa si Mark nang ganun. Kilala ko siya, matagal na at alam kong napakabait niya.
Humarap siya sa akin at nagsalita. ""Dalhin mo ako kay Mark."
Cris' POV
"Wala siya rito tuwing Linggo."
Poot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Demonyo siya. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay para akong dahan-dahang pinapatay. Binaboy niya ako, hayop siya!
Tumigil na ako sa pag-iyak, tumayo at lumabas ng kwarto ni Cyrus.
"Sandali, Cris." Hinabol ako ni Cyrus ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomanceNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...