CHAPTER 34 and 35: CHANCES AND FINAL BATTLES

72 1 0
                                    

       
    Chapter 34: "Chances"

   Cris' POV

"Anak ko. Bakit mo kami iniwan?" Napatigil ako sa pag-iyak ng may biglang pumasok na tao sa loob at bigla itong humagulgol.
Nagkatinginan kami ni Renz.
"Sir. Kamag-anak po kayo nung namatay?" Lumapit sa amin ang isang nurse.
"Hindi po. Nagkamali kami. Saan ba ang room ni Aira Sanchez, pwedeng malaman?" Tanong ko sa kanya.
"Sige po. Check ko lang." Pagkatapos ay tinignan niya ang kanyang record file.
"Thank you Lord. Akala ko ay sila na." Ngumiti sa akin si Renz na parang sinasabing lakasan ko ang loob ko and always think positive.
"Room 12. Sa susunod na room lang po." agad naming pinuntahan ang kwartong yun.
Pagbukas namin ng pinto ay pareho silang nakahiga sa kama. Ang akala ko ay si Aira lang ang delikado ang buhay. Nagkamali ako.
Napansin ni Aira ang pagdating namin kaya bigla siyang nagising.
"Nandito na kayo. Salamat." Nilapitan siya ni Renz pampalubag ng loob. "Tapos na. Wag ka nang mag-alala."
"Ang sabi ng Doktor, nakita nalang kami sa labas na parehong walang malay." Sabi ni Aira. Lumapit ako kay Cyrus.
Nakakaawa siya. Hindi ko siya kayang titigan.
"May alam ka ba sa kalagayan niya?" Tanong ko kay Aira.
"Cris, matagal ko nang alam. Hindi ko sinabi sayo kasi ayaw niyang malaman mo! Ayaw niyang masaktan ka!" Sagot naman niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay ni Cyrus at unti-unting tumulo ang mga luha sa mata ko.
"Cyrus. Lumaban ka! Wag na wag kang susuko. Gagawa tayo ng paraan para malampasan mo 'to." naramdaman ko ang kamay ni Renz sa balikat ko. Pinapagaan niya ang kalooban ko.
"Kakayanin niya. Alam kong kakayanin niya." Ang sabi niya.
Maya-maya'y biglang nagising si Cyrus habang nahihirapang huminga.
Nagulat kami at hindi malaman ang gagawin.
"Tatawag ako ng Doktor." Tumakbo si Renz palabas ng kwarto.
Ako naman ay walang magawa. Tinitignan siya habang nahihirapang huminga.
"Cyrus. Wag kang bibitaw!" Sigaw ni Aira.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at niyakap siya.
"Cyrus. Wag ngayon. Wag mokong iiwan!" Tuloy-tuloy parin ang pagbuhos ng mga luha ko.
"Cris." Paglingon ko ay dumating na si Renz kasama ang Doktor.
Nilagyan ng Doktor si Cyrus ng bagay na makakatulong sa kanyang paghinga. Naging maayos na ang kalagayan niya... sa ngayon.
"Kailangan na nating isagawa ang operasyon within 24 hours. Nasa kritikal na kondisyon na siya. Kapag hindi pa kayo nakahanap ng heart donor. I'm sorry to tell you." Paliwanag ng Doktor pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
Napaluhod ako sa mga nangyayari. Parang gusto na ring bumigay ng katawan ko.
Saan kami hahanap ng magbibigay ng sarili niyang puso? Sinong tao ang gagawa nun?
Kailangan naming makahanap ng Donor dahil yun na lang ang pag-asa ni Cyrus na mabuhay.
Nawawalan ako ng pag-asa pero pinalalakas ni Renz ang loob ko.
"Nandito pa kami. Nandito pa ako. Tutulong akong maghanap." Sa ipinapakita niyang suporta ay mas lalo ko siyang hinangaan.
Salamat bestfriend!
Renz POV
"Salamat. Maraming salamat." Tumayo siya at niyakap ako.
Masakit para sa kanya pero kailangan niya ng lakas ng loob. Nandito ako para tulungan siya. Para di mawala ang pag-asa niya.
Alam ko naman na kahit wala na sila ni Cyrus ay mahal niya parin ito. Siya parin ang laman ng puso niya.
At ako?
Pangalawa lang ako.
Anong magagawa ko, isang hamak na bestfriend lang naman ako!
"Tutulong ako sa paghahanap." Pinilit ni Aira na tumayo pero hindi pa niya kaya.
"Wag na. Kami nalang ang maghahanap. Magpahinga kana muna." Sabi ni Cris pagkatapos ay lumabas upang pumunta sa banyo.
"Renz." Narinig kong may nagsalita. Paglingon ko sa kanya ay nagkamalay na siya.
"Cyrus." Lumapit ako sa kanya.
May gusto siyang sabihin pero nahihirapan siyang magsalita.
"Kung hindi mo kaya, wag na muna." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Wag na wag mong pababayaan si Cris. Ikaw nang bahala sa kanya. Ikaw nang bahala sa lahat."
Mali. Hindi dapat niya sinasabi ang mga bagay na yon. Kaya niya at gagawa kami ng paraan.
"Wag kang magsalita ng ganyan. Gagawa kami ng paraan. Tutulong ako. Gagaling ka." Umiiling siya.
"Hindi na ako magtatagal. Basta wag na wag mo siyang sasaktan. Kapag ginawa mo yon, mumultuhin kita!" Sunod niyang sabi.
Pinapaubaya na niya sa akin ang lahat. Wag kang mag-alala. Hindi kita bibiguin, Cyrus.
Pagkatapos niya akong kausapin ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata para magpahinga.
Paglabas ko nang kwarto ay nakita ko si Cris.
"Renz." Malapad niyang ngiti sa akin.
"Nagpapahinga na sila. Gusto mo na bang kumain?" Yaya ko sa kanya.
"Hindi pa ako nagugutom. May sasabihin ako sa'yo." Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Ano yon?" Pananabik ko.
"Hindi ko maipaliwanag pero sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko. Nung mga araw kasi na nawala ka, ikaw ang lagi kong hinahanap." Paliwanag niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Renz..."

𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜Where stories live. Discover now