Cyrus' POV
Kahapon ko pa hindi makontak si Cris. Anong nangyari dun? Nagpasiya akong puntahan siya sa bahay nila.
Paglabas ko nang bahay ay hindi ko inaasahang makita si Renz. Mabilis siyang magpatakbo ng motor kaya hindi ko na siya tinawag.
Nagbalik na siya. Pero parang ang bilis naman yata.
May kakaiba sa hitsura niya.
Ang laki na ng pinagbago niya.
Nag-aalala ako sa maaaring mangyari ngayon. May kahati na naman ako kay Cris!
Hindi ko hahayaang mangyari yun.
Sa akin lang si Cris. Akin lang siya!
Nag-doorbell ako ngunit nakapagtatakang wala paring lumalabas. Itinulak ko ang gate pagkatapos ay bumukas ito.
Bakit hindi nakasarado ang gate nila? Kinutuban na ako kaya mabilis akong pumasok sa loob ng bahay.
Tahimik... walang tao...
Nasaan si Cris?
"Cris?" Sigaw ko ngunit walang sumasagot.
"Tita?" Muli kong pagsigaw ngunit isang ingay ang narinig ko sa kusina.
Palapit ako nang palapit sa kusina pero nang marating ko yon ay wala naman akong nakitang tao.
"Cris... Tita..." muli kong pagtawag sa kanila. Hahakbang na sana ang mga paa ko nang maramdaman kong nabasa ang paa ko.
Malagkit...
Nalalanghap ko ang kakaibang amoy.
Pagtingin ko sa baba, nandilat ang mga mata ko sa aking nakita.
Dugo...
Saan nanggagaling ang mga ito?
Sinundan ko nang tingin kung san nanggaling ang mga dugong dumaloy sa mga paa ko at laking gulat ko...
Nakahandusay ang katawan niya. Naliligo sa sarili niyang dugo. -si Tita.
Nataranta ako at agad kong dinama kung may pulso pa siya. Nabuhayan ako ng loob at agad ko siyang dinala sa hospital.
Tinawagan ko agad si Cris at siya rin ay nagulat.
May nanloob sa bahay nila. Sino ang taong gagawa nito? Wala akong ideya!
Maya-maya pa ay dumating na si Cris!
"Anong nangyari? Anong nangyari kay Mama?" Tarantang tanong ni Cris sa akin.
Niyakap ko siya agad para pakalmahin ang kalooban niya.
"Wag ka nang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat."
Lumabas na ang doktor sa OR at parang hindi maganda ang naging resulta ng operasyon.
Wag naman sana...
"Dok, kamusta po ang Mama ko? Okay na ba siya? Buhay pa siya diba?" Nakita kong bumagsak na ang mga luha ni Cris.
"She's safe right now. Natanggal na namin ang mga bala ng baril sa katawan niya. Pero sad to say, she's in coma." Napaluhod si Cris sa sinabi ng doktor. Ako rin ay nalulungkot sa sinapit ni Tita.
"Okay lang. Alam kong malalagpasan ni Tita 'to." Umalis na ang doktor at patuloy parin ang pag-iyak ni Cris.
Alam kong masakit para sa kanya ang lahat ng ito.
Wag kang mag-alala... hahanapin ko ang taong yon.
Isa lang ang taong makakagawa nito.
Kilala ko siya!
--si Bea.
Bea's POV
Pagmulat ng mata ko, tiningnan ko ang orasan at alas-dose na pala.
Tinanghali ako ng gising. Bakit kaya? Hindi naman ako nagpuyat kagabi.
Mabilis kong inayos ang hinihigaan ko at pumunta na ng banyo. Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at kumain.
Ano ba ang magandang gawin ngayong araw na 'to?
Hinimas-himas ko ang aking tiyan. Kinakausap ko si baby.
"Baby, paglabas mo sa tiyan ko. Sisiguraduhin ko na walang mananakit sayo. Gagawin ko ang lahat para sayo. Ipaghihiganti natin ang Daddy mo." May naipintang ngiti sa aking mga labi.
Ngayon na ang simula...
Biglang may kumatok sa pintuan...
"Bea." Sigaw nung tao sa labas.
"Pasok ka, bukas yan." Sagot ko.
Pagbukas ng pinto ay bumungad si Aira.
"Oh para kang nakakita ng multo diyan?"
"K-kasi yung Mama ni Cris. Nasa hospital ngayon. Masama ang kalagayan." Napatayo ako sa upuan sa sobrang gulat sa kanyang sinabi.
"Totoo?" Gulat kong sabi.
Tumango lang siya at umupo sa sofa.
"Tara na, puntahan natin sila." Lalabas na sana kami nang mabungaran namin ang taong hindi namin inaasahang makita.
"Totoo ba yung narinig ko?"
Nagkatinginan kami ni Aira.
Ang taong nasa harapan namin ngayon ay ibang-iba na. Nagbalik na siya.
--si Renz.
__
++ A U T H O R's N O T E ++
May POV na si Renz sa mga susunod na chapters. Wc back bestfriend. Hahaha.
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomanceNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...