Cris' POV
Nagpunta ako sa munting dasalan ng hospital. Nakaluhod ako at nakatingin sa imahe ni Papa Jesus.
Pinagdarasal ko ang kaligtasan ni Mama.
Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay nang wala siya.
Kailangan ko si Mama sa buhay ko. Bata palang ako ay siya na ang nag-alaga sa akin. Hanggang ngayon ay alagang-alaga parin niya ako.
"Lord, iligtas niyo ang Mama ko. Mahal na mahal ko po siya. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya."
Hindi na napigilang pumatak ng mga luha ko.
Ang laking katanungan na lamang sa isipan ko ay kung sino ang gumawa nito kay Mama?
Hayop siya!
"Cris." Napalingon ako sa likuran nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
Hindi ko inaasahan ang pagpunta nila.
"Nandito kami..." pinutol ko na ang sasabihin ni Aira dahil alam kong hindi sila mga totoong kaibigan.
"Umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan at tapos na ang pagkakaibigan natin." Tumalikod ako sa kanila.
Tama lang ang mga sinabi ko.
Hindi ko na sila kailangan sa buhay ko.
Napanatag naman ang loob ko nang mapayapa silang umalis.
Napabuntong-hininga ako at napa-upo sa upuan.
Inaamin kong sobrang nalulungkot ako. Kailangan ko nang karamay.
Kung nandito ka lang...
Kung hindi lang siya umalis...
Renz. Bestfriend. Miss na miss na kita! Naaawa ako sa sarili ko. Parang mag-isa nalang ako sa mundo.
Pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.
Nandyan si Cyrus, alam kong hinding-hindi niya ako iiwan.
Bigla na namang lumuha ang mga mata ko. Naalala ko ang kalagayan ni Mama. Sana hindi nalang siya ang nandito ngayon sa Hospital.
Sana ako nalang...
Sana ako nalang ang nahihirapan.
Napayuko ako sa sobrang bigat ng nararamdaman.
Napansin kong may taong nakatayo sa harapan ko.
"Gamitin mo. Ayokong nakakakita ng mga taong umiiyak." Iniabot ng taong yon ang panyo sa akin.
"Renz."
Pagtingin ko sa taong inakala kong si Renz ay sobra ang pagkagulat ko. Hindi ko inaasahan na siya ang magbibigay ng panyo sa akin.
Si Leonard.
Nasanay kasi ako na si Renz palagi ang gumagawa nun. Akala ko siya, nadismaya ako.
"Renz? Sino siya?" Umupo narin siya sa tabi ko.
"Ah. Bestfriend ko, pero wala na, umalis." Sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.
"I see. Pumunta ako dito kasi nabalitaan ko ang nangyari." Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Sa kanyang buong mukha.
Hindi ko nakikita na magkapatid sila ni Cyrus.
"Salamat." Nagbigay ako ng ngiti sa kanya. Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Kapag kailangan mo ng karamay. Nandito lang ako. Pwede mo akong maging kaibigan." Naantig ang puso ko sa kanya. Dito ko nakikita si Cyrus sa kanya, sa ugaling kanyang pinapakita. Nakikita kong hindi masama ang intensyon niya.
"Maraming salamat." Niyakap ko siya. Pinikit ko ang mga mata ko habang yakap-yakap ko siya. Isang mukha lang ang nakikita ng diwa ko. Si Renz.
Bestfriend. Sana nandito ka. Sana ikaw ang kasama ko. Sana ikaw ang yakap-yakap ko!
"Wag kang mag-alala. Kakampi mo ako Cris." Pinapagaan niya ang kalooban ko.
Nagugustuhan ko ang kanyang ugaling pinapakita. Ramdam ko iyon.
Bumitiw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"May isang bagay pang dahilan kaya ako pumunta dito." Napatingin muli ako bigla sa kanyang sinabi.
"Ano yun?" Pagtataka ko.
"Kailangan mo nang malaman ang lahat tungkol kay Cyrus bago mahuli ang lahat." Seryosong-seryoso ang kanyang mukha.
Kinabahan ako bigla sa kanyang sinabi.
"Leonard. Sabihin mo na lahat sa akin ngayon!" Medyo kinakabahan man ay nilakasan ko na ang loob ko.
"Pumunta ka sa bahay ko. Malalaman mo doon ang lahat." Matagal ko nang gustong malaman kung anuman ang tungkol kay Cyrus.
"Bakit mo to ginagawa? Kapatid mo si Cyrus!"
"Dahil kailangan. Kailangan mong malaman ang lahat dahil ayokong mapahamak ka."
Nagpaalam na siyang umalis.
Pupunta ba ako? Kailangan kong malaman lahat. Pupunta ako at handa ko nang harapin ang mga malalaman ko.
--
++ A U T H O R's N O T E ++
SOBRANG THANKS SA MGA WALANG SAWANG NAGBABASA NG BBI. ILOVEYOU❤️
YOU ARE READING
𝗕𝗘𝗦𝗧𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗, 𝗕𝗢𝗬𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗜
RomantikNew Story📖!!! Ang mga karakter na susubaybayan mo: Kevin as Renz (Bestfriend) Lloyd as Cyrus (Boyfriend) and Daniella as Cris. Hello readers! Abangan ang kwentong magdadala ng kilig, saya at pighati. Simula na ng agawan! Sino nga ba ang mas mahalag...