"Hoyy! Madison saan ka pupunta? Chang gala porket may pera tayo kung saan-saan mo na ginagastos yan!" Sigaw sa'kin ni ate Madilyn habang nag-iimpake ako. Ang ingay ni ate, sobrang nakakarindi. Hindi ba siya napapagod kasisigaw diyan?
"Madilyn, tumahimik ka nga diyan! Hindi niya naman sinayang pera niya eh." Saway ni Kuya Markian habang naglalaro pa ito ng Fortnite sa PS4 niya. Natapos na rin akong mag-impake at nilock na iyon. Palabas na sana ako ng kwarto nang harangan ako ni ate.
"Ate! Ano ba problema mo? Mag-aaral lang naman ako." Inis na sabi ko sa kanya. Tinulak ko ito ng mahina para makalabas ako pero hindi ito nagpatinag.
"Ate naman! Kikitain ko pa yung land lady." Oo tama kikitain ko pa yung land lady kasi kukuha akong apartment. Medyo malayo-layo rin ang papasukan ko kaya kailangan ko ng apartment.
"Ate Madilyn, hayaan mo na ang kapatid mo." Saway naman ni kuya Matthew habang nagtutuyo ng buhok niya.
"Kuya naman! Hindi rin ba kayo nag-aalala? Ang hirap kaya na malayo ito sa'tin. Baka kung anong mangyari dito." Napahilamos na si ate at napaiyak na. I got her point pero gusto ko rin naman pumasok kung saan akong pinapangarap na papasukin ng magulang namin.
Our parents died from an Airplane crash a year ago. It was really a nightmare for the five of us and all that we can do is pursue their dreams. Kahit pangarap lang nila sa'min ay matupad namin.
"Alam kong pangarap ito ni mama, Madi. Pero ang hirap kasi." Lumapit na si Kuya Markian kay Ate at kinomfort ito. Kahit ako napaiyak na din. I miss them already. Simula kasi nung nawala sila, ang dating masayang bahay ay ngayon ay nabalot na ng matinding kalungkutan.
"I'm sure she'll be safe there, Madi. Gagawan ko ng paraan." Kuya Markian assures Ate Madilyn. Lumapit sa'kin si Melanie, ang pinaka bunso sa'min at niyakap ako nito.
"Iiwan mo na kami ate?" Yumuko ako at hinalikan ang noo niya. "No, no, baby. Babalik sa ate kapag weekends. Pero pwede din tayong mag video call para hindi mo masyadong mamiss si ate.
"Are you sure about this decision, Madi?" Tanong sa'kin ni Kuya Matthew. I just smiled. "Never been so sure, Kuya." Sabi at bumuntong hininga pa.
"Ano? Tara na, Madi. Hahatid na kita." Umiling ako kay kuya. To be honest, I'm just trying also to be independent just for a mean while.
"No need kuya. I commute na lang." Sabi ko. Tumakbo na ako palabas para hindi nila ako maabutan.
"Hoyy! Ano ba? Hahayaan niyo na lang iyon umalis mag-isa?!" Sigaw ni ate. Pero alam nina kuya na hindi nila ako mapipigilan sa gusto ko kaya hinayaan na lang nila magwala roon si ate.
"I'm sorry ate." Sabi ko na lang at maya-maya ay nag-abang na rin ako ng bus papuntang Laguna.
*
"Bes, sure ka na ba sa desisyon mo? Hindi na tayo magiging magkaklase." Napatawa na lang ako sa sinabi ni Keziah, ang bestfriend ko. "Kahit malapit pa rin tayo sa isa't isa hindi pa rin tayo magiging magkaklase. Accounting and finance ka, ako naman ay Fine Arts." Sagot ko.
"Atleast nasa same school tayo diba." Napabuntong hininga na lang ako. Ginusto ko rin naman ito. Pangarap ito ni mama at kailangan ko itong tuparin. "I'm sorry, Keziah. Para kasi ito kina mama at papa. Kahit ito lang makabawi man lang ako sa kanila."
"I understand. Pero 'wag mo akong kakalimutang bisitahin at tawagan ha. Baka makahanap ka pa ng bagong bestfriend diyan." Napailing na lang ako. Impossibleng hindi ako makakahanap ng bestfriend sa ibang school. Edi nabulok ako doon. But if we're talking about our friendship? Hindi magbabago iyon. She's always been there for me through thick and thin.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...