Chapter 31

53 3 0
                                    

"Ate, kuya, Melanie, si Zayden nga po pala...boyfriend ko."


Today is Friday and as usual kailangan kong umuwi pero this time kasama ko si Zayden. Gusto niya daw kasing magkaroon ng formal introduction sa family ko. Alam ko naman na magkakakilala na sila pero mas nakilala nila si Zayden bilang roommate, specifically kaaway ko.


"Oh. My. Gosh!" Hindi kaagad makareact si ate.


Like she's still processing and trying to sink it in her mind. While kuya Matthew was eating his chocolate together with hotdog. Dinala na rin namin si Hotdog dito kasi wala siyang kasama sa bahay. Si kuya Markian ay biglang napatigil sa paglalaro ng PS4 niya at tumingin sa'min.


"Ano? Inuman tayo." Cool na sabi ni Kuya Matthew at inakbayan si Zayden. Sinamaan ko naman ng tingin si kuya Matthew pero ginulo lang nito ang buhok ko.


"That's a good idea!" Sabi naman ni Kuya Markian at pinatay na nito ang kanyang PS4.


"Grabe naman kayo. Narito siya para makihalubilo ng maayos sa'tin hindi makipag-inuman." Saway naman ni Ate Madilyn.



"Kuya! Pwede bang palipasin niyo muna iyang paglalasing niyo." Sabi ko.


"Its fine with him. Right Zayden?" Tumango naman si Zayden at tinapik ito ni Kuya Markian sa balikat. Sinamaan ko ng mga ang mga kuya at hinili si Zayden palayo sa kanila.



"Are you sure on what you're doing? I though ayaw mong malasing?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan naman nito ang aking pisngi at ngumiti sa'kin.



"I know what I'm doing, Maddie. Gagawin ko lahat para lang maapprove ako ng pamilya mo." I suddenly smiled. Pero bigla naman sumingit si Melanie.



"But you are already approve ever since you and ate are still enemies." Nagkatingin naman kami ni Zayden at parehas tumawa.



"Oh approve ka na pala e. Tigilan niyo na ang ginagawa niyo nina Kuya." Sabi ko pa sa kanya.
Sumingit na rin si Kuya Matthew sa'ming usapan at inakbayan pa ulit si Zayden.


"Pahiram muna kami, Maddie. Masyado kang madamot." Sabi ni Kuya at hinatak niya si Zayden papunta sa table namin at umupo sila roon para makausap si Zayden. Kahit si Melanie ay pumunta na rin doon kasi gusto niya rin makausap si Zayden. Alam ko naman talaga na approve na siya. Kay Ate Madilyn ay go na ito. Even kuya Markian and Kuya Matthew is fine with it as long na mabuting tao at may pangarap sa buhay ang lalaking mahal ko and Zayden is a perfect guy.



"Kailan pa naging kayo ni Maddie?" Excited na tanong ni ate Madilyn. Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nilalaro ko si Hotdog.



"1 week ago lang po ate." Sagot ni Zayden. He's so cute while saying 'po' to ate.


"Kamusta naman kayong dalawa?" Tanong naman ni Kuya Markian. He's really confident while having a conversation with them. Sobrang nakakatuwa lang silang panood. I even took a picture of it using my instax. Kinuha ko ang pentlepen ko sa bag at sinulat roon ang date.



"So far, Maddie and I are having fun and getting to know more about each other. We are also starting to dream together for our future." Sagot naman ni Zayden.



When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon