"Uyy Aaron pwedeng patulong naman." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa laptop at nag-eedit ng mga bagong pictures.
"Kinalimutan kahit nahihirapan, para sa sariling kapakanan!!" Nabigla naman ako ng bigla siyang kumanta at kinaway pa ang parehas na kamay habang feel na feel kumanta.
"Hoy! Aaron. Patulong ako." Kinulbit ko pa siya ng kinulbit pero hindi niya ako pinapansin kasi busy siya sa pagsesenti. He even swayed and snapped his finger while singing badly? Sintunado kasi e. Tinanggal ko tuloy yung headphones niya para makarinig siya.
"Hoy Aaron!" Kahit walang headphones ay sumasayaw pa rin ito at kumakanta kaya naman tinapik ko ito sa balikat ng malakas para makuha ang atensyon niya. Nanlaki naman ang mga mata nito at hinanap ang headphones niya.
"Patulong ako." Sabi ko pa at kumunot naman ang noo nito habang sinusuot ulit ang headphones niya kaya naman tinanggal ko ulit.
"Alam mo ba kung saang building nagrerecord si Zayden?" Napaisip pa siya ng kaunti at umarte ito na para bang alam niya na kaya naman lumapit ako sa kanya para tingnan kung anong ginagawa niya sa computer niya. Sinearch niya yung recording studio ni Zayden.
"Star Records and production inc." Sabi pa ni Aaron. Kumunot naman ang kilay ko.
"Saan iyan? Baka maligaw pa ako pag mag-isa akong pupunta diyan." Sabi ko pa.
"Pupuntahan mo na ba ngayon?" Tanong naman ni Aaron at tumango ako. Siguro naman nandiyan siya kasi nabanggit ni Melanie na mayroon siyang bagong album na ilalabas so feeling ko ginagawa niya na iyon sa recording studio diba? Okay lang naman na maispoil ako sa album niya hindi naman ako interesado.
"Pagkatapos ng trabaho sana." Sagot ko naman.
"Samahan na kita. Alam ko kung saan iyon e." Pagv-volunteer ni Aaron at tumango naman ako. Mabuti naman at alam ni Aaron. Kailangan ko pa kasing kumbinsihin si Zayden.
"Ano bang gagawin mo roon?" Tanong naman ni Aaron.
"May sasabihin lang ako." At humalakhak siyang bigla. Bakit ba parang may mali lagi sa sinasabi ko. Wala namang nakakatawa ah.
"Sigurado ka bang madali lang gawin iyon?" Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Oo may sasabihin lang e diba?" Umiling pa siya habang nililigpit ang kanyang headphones.
"Sikat si Zayden. Maraming guard iyon sa tingin mo malalagpasan natin ang mga guard na iyon para lang makausap si Zayden?" Napaisip naman ako roon. Naging singer lang at rumami ang fans may guard na. Sa bagay kapag sikat maraming paparazzi ang sumusunod sa'yo mahirap na.
"Eh anong gagawin natin?" Tanong ko pa kay Aaron at kinibit lang ang balikat nito.
"Basta pupunta tayo roon. Hindi naman ako matitiis ni Zayden." Napatakip pa ako ng aking bibig nang marinig ko ang sinabi ko at tinaasan na naman ako ng kilay ni Aaron.
"Crush mo si Zayden noh? Obsess fan ka noh?" Agad akong umiling sa sinabi ni Aaron. Impossibleng maging obsess fan ako non noh. Mapagkamalan pa akong stalker ni Zayden.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Kakausapin ko nga lang e. Bakit ba ang hilig niyong maglagay ng malisya?!" Inis na sabi ko samantalang si Aaron ay chill lang na nakaupo habang tinitingnan ako.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomantiekMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...