"Maddie, saan ka pupunta? Uuwi ka na agad? Naguguluhan tanong sa'kin ni Anne nang makapasok ito sa kwarto ko. Hindi ko ito sinagot at tuloy-tuloy lang sa pagliligpit ng mga gamit ko sa luggage ko.
"May problema ba? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Anne. Pero hindi ko pa rin ito sinagot. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha at pinunasan ko naman iyon.
"Maddie, magsabi ka naman!" Kinuha ni Anne at aking dalawang kamay at hinawakan ito ng maayos.
"Uuwi na ako." I said as I felt my tears streaming down again and can't help but hug Anne.
"Uyy bakit naman? Nag-away ba kayo ni Zayden kagabi? Next week pa uwi natin tapos uuwi ka na agad." Sabi naman ni Anne at tumango ako.
"Ayaw ko na siyang makita Anne. Ayoko na." Sabi ko habang humahagugol na sa iyak at nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Bakit ano bang nangyari? Kayo ba ang narinig ko ng sigaw kagabi?" Naguguluhan tanong naman ni Anne habang hinahaplos nito ang likod ko. But instead of answering her question, I opened up with her instead.
"Mahal ko si Zayden. Mahal na mahal kaso ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin? Natatakot na kasi ako. Paano kung bumigay na ako at naging kami ulit? Paano kung sa gitna ng pagmamahalan namin at may problema na namang dumating? Paano na ako, Anne? Paano na ako na gusto manatili sa kanya ay iwan na naman at sumuko na lang habang ako ay lumalaban pa rin? Nakakatakot, sobrang nakakatakot." Sabi ko habang hindi pa rin umiiyak sa pag-iyak.
"Shh...Maddie, tahan na. Malalagpasan mo rin ito. Gusto mo ba ng ice cream para kumalma ka muna diyan?" Umiling ako at kumawala sa yakap niya para maituloy ulit ang pag-aayos ng mga gamit ko.
"Uuwi ka na ba talaga?" Malungkot na sabi ni Anne habang tinutulungan na rin ako sa paglilipit ng damit. Tumango naman ako sa kanya habang hinahayaang pumatak ang luha ko sa mga damit ko.
"Sinong uuwi?" Nagitla kaming parehas ni Anne nang pumasok na rin si Aaron sa kwarto ko at takang-taka kung bakit ako nag-iimpake.
"Hala uy, anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Aaron habang lumalapit ito sa'min.
"Uuwi na si Maddie." Si Anne na rin ang sumagot para sa'kin at nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Aaron nang marinig iyon.
"H-hala, bakit? Uyy bakit ka uuwi?!" Medyo gulat na gulat na tanong sa'kin ni Aaron.
"Huwag ka na magtanong, Aaron." Sambit pa ni Anne at wala na rin akong balak sagutin ang tanong ni Aaron kasi ang gusto ko na lang talagang gawin ngayon ay umuwi na. Ayaw ko na siyang makita. Ayaw ko ng makita si Zayden. Tutal tapos na narin naman bakit kailangan ko pang manatili dito kung pwede na namang umalis.
Nang maayos ko lahat ang gamit ko, salamat na rin sa tulong ni Anne at medyo napabilis ako. Si Aaron ay nakakatitig lang sa may wall clock at para bang ang daming iniisip nito.
"Uuwi ka na?" Biglang tanong ni Aaron habang sinasarado ko na ang luggage ko. Tumango naman ako sa tanong ni Aaron.
"Pupuntahan mo muna ba si Zayden para sabihin na aalis ka na?" Tanong pa nito at tumungo habang pinaglalaruan na lang ang daliri nito.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...