Chapter 45

67 1 0
                                    

Nanatiling tahimik lang ako sa loob ng plane. Siguro kung nasa tabi ako ni Aaron baka walang katapusang asaran ang maganap at sa huli ako ang talo dahil ako ang napikon. Nakasuot lang ako ng airpods para hindi ako masyadong kausapin ni Zayden.



Zayden was just looking out from the window and staring out of no where. Medyo nag-guilty naman ako kasi hindi ko siya kayang makausap. Sobrang awkward kasi alam mo yun. Kaya nag-isip ako kung anong topic ang pwede naming pag-usapan.



Tinanggal ko muna ang airpods ko at kinulbit si Zayden para makuha ko ang attention nito. What if I asked for his song para medyo may alam na ako sa gagawin naming music video niya.



"Hmm?" Medyo inaantok niya ng sabi at lumingon naman sa'kin.



"Pwede ko bang makita ang kantang sinulat mo? Para magkaroon na ako ng idea sa gagawing music video mo." Sabi ko at tumango naman ito. Sinubukan niyang icheck sa bulsa kung naroon pero nakita ko itong umiling.



"Wala?" Tumango pa siya.



"Could you just write it here sa notes ko?" Request ko naman pero hindi na siya pumayag. Napatingin naman ako sa phone ko at wala namang nakakatakot dito so bakit ayaw niyang hawakan.



"Daya mo!" Sabi ko pa.



"Give your time to relax, Maddie. I don't want to stress you out." Sabi niya. Parang natandaan ko kung paano siya naging concern sa'kin dati noong college ako. Hindi na rin ako sumagot kasi wala na rin naman ako masasabi.



"Can you just sing some of your lyrics?" Pagpupumilit ko pa kahit kaunting lyrics para malaman ko kung malungkot ba 'yun or masaya or remix ba tawag 'don.



"I love you." Napaurong naman ang dila ko roon. Rinig na rinig ko na naman ang malakas na pintig ng puso ko. Kahit alam kong parte iyong ng lyrics ay nagkakagulo pa rin ang buong sistema ko. Shit pati tenga ko namumula na naman.



"That's all I can hear and my feelings are clear." Diba sinulat niya toh? What if para sa ibang babae niya ito sinulat at doon niya nilabas sa lyrics niya kung gaano niya kamahal ito. Ganon naman kasi kapag nagawa ng lyrics. You based it on your own experience and emotion.



"Love song 'yon?" He just nodded. So kailangan romantic yung scene.



"Isn't it obvious?" Ang sungit talaga. Bakit siya ganon?



"Just making it sure. Sungit!" Inis na bulong ko at inirapan ito.



"Inlove ka?" Saktong umiinom siya ng iced coffee ng tanungin ko iyon. He was about to spit it out but the good thing he stopped it at nilunok ang kanyang ininom. White t-shirt pa naman suot niya.



"W-why do you say it so?" Tanong niya.



"Gawa kasi ng lyrics mo. Parang inlove ka e. May girlfriend ka na?" Kitang-kita ko pa ang panlalaki ng mga mata niya sa tanong ko.



"I'm just asking. T-there's no need t-to be shocked by it, r-right?" Actually kinakabahan na rin ako sa sagot niya. I even crossed my fingers to help me calm.



"Y-yes I'm inlove with someone but she's not yet my girlfriend." Sagot niya pa at umiwas na ng tingin sa'kin.



"May I know her?" I asked and he just shook his head. Sumimangot naman ako dahil roon. Ang damot niya. Gusto ko lang naman makilala e. Hindi ko naman siya sasabunutan.



When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon