Chapter 16

53 3 0
                                    

"Beh I'm sorry na. Inimibita lang ako nina Benjamin kahapon. Hindi naman ako makatanggi kasi alam mo na." Gumagawa kami ngayon ng floor plan para sa isang debut party tapos wala ng ginawa si Astrid kundi ang magsorry na magsorry sa'kin.

"Why didn't you tell me? Sana naman ininform mo ako na may magkakaroon ng party sa bahay ko." I said. Medyo nagtampo rin ako sa kanya kahapon. Bestfriend ko siya at alam niyang bahay ko rin iyon pero hindi man lang ipinaalam sa'kin na magkakaroon pala ng ganito or ganoon.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam ih. Forgive me na please." Pinagdikit pa niya ang kanyang mga palad at nag pout pa.

"You're unbelievable, Astrid. I forgive you this time. Just don't forget that when I'm gone you have to report what's going on with my house." Pinag krus niya ang kanyang braso at tinaasan ako ng isang kilay. "Do you mean yours and Zayden's house?" Tinulak ko siya ng mahina at pinagpatuloy ang floor plan ko.

"Bati na tayo?" Ang kulit talaga niya. Hindi niya nga ako pinansin nung vacant tapos kung kailan may pinapagawa sa'ming activity ay saka niya ako pinapansin.

"Oo na, Astrid. Basta inform mo ako kung anong mga pangyayari sa bahay habang wala ako." Masaya siyang tumango sa'kin at pinagpatuloy niya na ang floorplan.

*

"Nolan!" Tumakbo ako palapit sa kanya niyakap siya ng mahigpit. I kinda missed this guy kahit 2 days lang akong nawala.

"I'm sorry for what happened last friday." Sabi ko pa. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at sinubukang iharap sa kanya. Ngumiti siya sa'kin na parang walang nangyari. This is what I liked about Nolan. He's good at hiding his feelings but somehow I felt pity on him sometimes

"Okay lang iyon. At least I had the chance to beat that guy's face." At parehas kaming tumawa.

"Care to share?" Nakakrus ang braso ni Astrid habang nakatingin sa'min. Lumayo kami ni Nolan ng kaunti sa isa't isa at parehas nagkamot sa batok.

Tiningnan niya ng maayos si Nolan at bigla niyang pinitik ang noo nito. "Nakipag-away ka! Why?!"

"It was Zayden's fault, Astrid. He just did it for self defense." At mas lalong nanlaki ang mga mata nito. Pinaghahampas niya ito sa dibdib sa sobrang inis. "You hurt, Zayden! I hate you."

"Uhmm...Astrid?" Tumungo ako at huminga ng malalim.

"Hmm?"

"Hindi na ako magtatrabaho sa cafe." Nagulat silang parehas sa sinabi ko at nagkatinginan pa. "Bakit?!" Malungkot na sabi ni Astrid.

Even though I hate Zayden. He has a point. Wala akong mapapala kasi may trabaho na si Kuya Markian at Ate Madilyn. Sobrang desperado akong matutong maging isang independent na tao pero hindi ko alam kung paano. He really did said it, my purpose of coming here is to learn.

"I need to focus more on my studies, Astrid. Wala rin naman akong mapapala roon." Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti.

"Whatever your decision is miss independent." Sabi pa ni Nolan.

"I'm glad to hear that, Maddie. Zayden is a good babysitter." Pang-aasar pa ni Astrid at palokong sinisiko ang braso ko. She always do this and it is really weird.

"Nolan." Sabay-sabay kaming lumingon nina Astrid at nakita ko si Jacintha kasama ang mga kaibigan niya.

"Can we talk?" Tanong ni Jacintha. Sabay naman kaming sumulyap kay Nolan at mas lalong hingpitan ang hawak ko dito.

"No." Ako na mismong sumagot para kay Nolan at hinatak na ito palayo kina Jacintha.

"What's going on with you, Nolan? Dapat pinakita mo sa kanya na nakapag move on ka na. Dapat sinabi mo sa kanya na 'We can't talk right now, Jacintha. We're over and I love Maddie...'" I gave her an annoyed face and she gave me a peace sign.

When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon