"Bakit ka late? Would you mind telling me the reason?"
Tanong pa ni kuya sa'kin. Tumungo naman ako dahil medyo nahiya ako kay kuya at pati na rin sa pagkatao ko kasi hindi naman ako mahilig maging late. Kaya nga pinamadali ko na si Nolan kasi nga ayaw ko talagang malate.
"Sorry kuya. Hindi ko naman kasi alam na kasama ako sa meeting na iyon." Sagot ko pa. 'Yun rin ang isang dahilan kung bakit naglakas-loob akong magbiyahe.
"Pero ininform kita kahapon." Tinaasan ko naman siya ng kilay. Parang hindi naman niya sinabi iyon sa'kin.
"Sinabi ko iyon kay Matthew na sabihin sa'yo. Hindi niya ba sinabi sa'yo?" Tanong pa ni Kuya. Umiling naman ako kasi wala naman talagang sinabi sa'kin si Kuya Matthew kahapon. Tapos inasar niya lang ako ng umaga.
"Hindi." I answered then he suddenly rubbed the bridge of his nose.
"Ilang beses ko iyon sinabi kay Matthew kahapon. Ang bata bata pa niya para makalimot." Inis na sabi ni kuya habang pinipilit nito na kumalma.
"Fine! Basta ang malinaw roon ay yung pagsesettle ng advertisement ni Zayden." Sabi pa ni Kuya at tumango naman si Kuya sa sinabi ko. Narinig ko naman na bumukas ang pinto kaya naman parehas kaming napatingin roon at nakita ko yung secretary ni kuya kasama si Zayden.
"Sir ito na po si Sir Zayden." Sabi naman nung secretary na kuya at pumasok na rin si Zayden.
"Salamat po ulit. Matutuwa po ang aking anak dito." Natutuwang sabi naman nung secretary ni Kuya. Sinenyasan naman ni Kuya Markian na umalis na muna ito sandali at sumunod naman ang secretary.
"Hello Sir Montes. It's a pleasure to meet you." And they share a firm hand shake. Parang walang nangyari dati ah. Sa bagay baka nga moved on na sila ako na lang ang hindi.
"You may take your sit." Sabi pa ni Kuya kay Zayden at umupo na rin naman ito. Napatikom naman ang bibig ko at kinuha ang phone ko sa bulsa ko kasi naramdaman kong nagvibrate ito.
From: Astrid
So excited for the opening of my cafe. Pwede ba tayo magkita mamaya or sa isang araw na lang? Baka kasi busy ka e.
"It's long time no see and I'm glad you're doing good job and a good life right now." Sabi naman ni Kuya kay Zayden habang ako naman ay nagtatype para replyan si Astrid.
To: Astrid
I'm sorry. Mukhang magiging busy talaga ako. Dami kong aasikasuhin e. Text na lang kita kung kailan ako free. Is that okay?
"Thank you Mr. Montes. So about this restaurant that we're working on...would you mind give me a little details about it?" Sabi pa ni Zayden. Medyo na out of place naman ako pero okay lang iyon dahil kailangan naman talaga nilang mag-usap.
Kuya Markian shared some details about their new project and I was listening to it. Maganda naman ang strategy at innovations ni Kuya about sa project niya and I think he will be successful with that project of him. Napatingin naman ako sa phone ko ng magtext ulit si Astrid.
From: Astrid
Okay lang beh! Good luck on your work! Kausap ko nga pala ngayon si Chris kaya medyo matagal ako magreply. By the way, don't stress yourself ah. Kung gutom na, wag magpalipas at kumain ng mabuti okay. Bad yun sa health mo lalo na't vegetarian ka haha. So ayun lang. labyu
I suddenly smiled at Astrid's reply. I'm so lucky to have a friend like her. Hindi ko talaga pinagsisihan na makilala siya sa DLSU Laguna dati. Nabigla naman ako ng makuha ni kuya Markian ang attention ko by clearing his throat kaya naman naitago ko agad ang phone ko sa bag ko at ngumiti sa kanila kasi parehas silang napatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomansaMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...