"Did you have fun?" Tanong naman sa'kin ni Zayden. We were both wearing pajamas for tonight because its comfy at tsaka dito sa kanila. Like there is aircon everywhere.
"Yes. Hindi ko talaga ineexpect ito. Akala ko talaga hindi nila ako magugustuhan." Sabi ko. Sinamahan ako ni Zayden sa magiging ko ngayong gabi at siya na rin ang nagdala ng mga gamit ko.
"Bakit kailangang maghiwalay pa kayo ng room?" Salubong naman ni Zaira sa'min. Napakamot naman si Zayden sa batok at tumawa si Zaira.
"You two are so innocent. Mga bata pa talaga." Pinisil naman nito ang pisngi ni Zayden at umalis na.
"Pasensya na sa mga pinsan ko ah. They are just so open minded to things like—" Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi ni Zayden para hindi na niya ituloy.
"Let's not make each other feel uncomfortable." Hinalikan naman ako nito sa noo.
"I respect you, okay. Beside its only appropriate for married couples." Hinawakan nito ang kamay ko at pumasok na kami sa aking room. Guest room ang tawag nila dito pero ang luxurious pa rin. Well, what can you expect they are rich.
"The bed is comfy. Just how the way you like it." Tinaasan ko pa siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso sa aking dibdib.
"You really did prepared all of this." Tumango naman siya at nilagay ang mga gamit ko sa isang closet.
"Not really. My mother is so excited to see you approximately she got the 70% of preparing this things for you while I got the 20% for the specific details and 10% coming from my cousins because they designed this room for you." I'm speechless. Talagang nag-effort sila. I can't help but to smile and hug Zayden.
"Thank you." No words can express my gratitude for this man. I'm so lucky to have him.
"Do you want me to accompany you until you sleep." Tumango naman ako at parehas na kaming humiga sa kama. He opened the TV infront of us at sinet ito sa Netflix.
"What do you want to watch?" I just shrugged hindi ko rin naman alam kung anong papanoodin ko. Baka hindi niya rin magustuhan ang papanoodin ko e. I really like K-dramas so baka hindi niya magustuhan.
"Let's turn off na lang the TV." Kinuha ko ang remote sa kanya at pinatay iyon. Kinuha ko ang sketch pad ko at binigyan rin siya ng isang papel.
"What do you want me to do? Draw?" Tumango naman ako at binigyan siya ng pencil. Napailing na lang ito at kinuha ang pencil sa aking kamay.
"Katuwaan lang naman. Hindi mo naman kailangang gandahan ang drawing mo." Sabi ko pa at nakita kong nagsisimula na siyang magdrawing.
"I'll draw you and you draw me." Sinunod ko na lang ang gusto niya at nagdrawing na rin ako.
Plano kong idrawing si Zayden habang nagdradrawing kaya naman tumitingin ako sa kanya kada minuto hanggang sa parehas kaming napatingin sa isa't isa at parehas kaming natawa. Pinakita niya ang drawing niya sa'kin at gayang-gaya niya ang itsura ko habang nagdradrawing. May talent palang magdrawing ang isang ito.
Pinakita ko rin ang drawing ko sa kanya at kinuha niya iyon. Nakangiti siya habang tinitingnan ito. "Akin na lang toh." Sabi niya. Tapos kinuha ko rin ang drawing niya.
"Sige mag trade na lang tayo." Sabi ko pa at bigla naman ako humikab. Inaantok na siguro.
"Sleep na. You must be tired for today." Tumango naman ako at humiga na ng maayos.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...