"Ang cute mo naman baby. Saan ka ba nanggaling?" Kinakausap ko ngayon yung asong napulot ko kanina sa labas. Hindi man lang siya gumagalaw habang tinutuyo siya ng blower habang sinusuklayan ko rin.
"Ano kayang pwedeng ipangalan sa'yo?" Tanong ko pa habang nag-iisip ng ipapangalan ko sa kanya.
Drake?
Bruno?
Goldie?
"Hotdog" Biglang sambit ni Zayden. Tumakbo yung aso kay Zayden at dinili ang paa nito. Binuhat ito ni Zayden at nakangiti ikinalong sa kanya.
Mukhang nagustuhan niya ang pangalang Hotdog. Pero bakit hotdog? Grabe namang aso iyon sa daming pwedeng ipangalan sa kanya Hotdog pa ang nagustuhan.
"Maddie, pagluto mo kami ng hotdog. Gutom na kami." Sabi ni nito at pumunta pa ito sa salas. Binuhay ni Zayden ang TV at sabay silang nanood. He really likes dogs.
"Ayaw ko ng hotdog. Sawa na ako sa hotdog mo!" Bigla niyang pinatay ang TV niya at huminga ng malalim. May nasabi na naman ba akong masama? "Ang sagwa mo talagang magsalita Maddie" Binitawan nito si Hotdog at lumapit sa'kin. Isinandal pa niya ang kamay niya sa pader at medyo itinagilid niya ang ulo niya habang nakangisi sa'kin.
"Oh pinagpapawisan ka?" Mapang-asar na sabi nito at inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin. Ang hilig niyang gawin ito sa'kin ngayong mga araw na ito. He's getting really weird. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha at saka niya iyon hinagis sa mukha ko.
"Ako na lang magluluto." Sabi nito at nagsimula nang maghanap ng hotdog sa ref. Nilaro ko na lang si Hotdog hanggang pareho kaming nagitla nang saraduhin niya ang ref ng padabog. "Wala ng hotdog!" Galit na sabi niya.
Kinuha niya yung white t-shirt na nakasabit sa pader at talagang sa harapan pa namin naghubad. Biglang bumagal ang lahat ng tumingin ako sa abs niya. Napakagat labi ako habang pinagmamasdan iyon at alam kong namumula na ang pisngi lalo na't napunta ang tingin ko mukha niyang nakangisi sa'kin.
"Done staring?" Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. I knew he could be so dangerous. Gusto ko na tuloy umuwi.
"S-saan k-ka pupunta?"
"Bibili akong hotdog." Adik talaga sa hotdog ang lalaking ito. Hindi niya ba alam na masama ang hotdog na iyan pag araw-araw kinakain. Mukha ng hotdog ang lalaking ito.
"Ayaw mo ng niluto ko roon?" Umiling siya.
"Ayaw ko. Nakakadiri kaya! Monggo tapos may pansit." Maarteng sabi niya. Para talagang babae. Kalalaking tao namimili ng pagkain.
"Ang sarap kaya. Bahala sa buhay mong bumili ng hotdog. Sobrang lakas kaya ng ulan sa labas." Umirap lang ito sa'kin. Bahala talaga siya buhay niya. Nagpasya na akong pumunta sa aking kwarto para mag-aral. May gagawin kasi kami sa photography bukas. Pero bago iyon ay may quiz kami. Tapos mukhang hindi pa ako makakapagtrabaho bukas sa cafe. Kasi magsisimula na kami sa printmaking. Tapos mageedit pa akong nung advertisement ko pero buti na lang Next week pa submission. Puro basic pa lang naman lahat kaso sabay-sabay. Pero okay lang kinaya ko naman siya nung highschool ibang level nga lang ngayon.
Punong puno na ang kwarto ko ng mga drawing at painting pero pagdating talaga sa fine arts hindi lang na kagalingan ng kamay. Utak ang gamit diyan, kahit saan naman kailangan lagi ng utak. Hanggang sa dumapo an tingin ko sa picture ni Melanie. Gumamit ako ng photoshop kaya sobrang ganda niya talaga sa picture.
Buti na lang talaga dito ko na nilagay ang mga kape ko para hindi na ako bababa.
1 hour and 30 minutes later...
Nagbrabrainstorm na ako sa gagawin kong advertisement. Actually kahapon pa ako nagsimula medyo nakakapagsimula na ako ngayon pero kailangan mag-isip isip pa ng mga innovations something like that.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...