"Uhh guys tumawag si Mama eh. Kailangan ko ng umuwi. Pass muna ako sa gala natin." Nalungkot ako ng malaman na hindi makakasama si Astrid. Ninerbyos din ako dahil kami na lang ang magkasama ni Nolan.
"Hoy beh! Umuwi kang maaga, lagot ka kay baby Zayden." At binaling niya ng tingin si Nolan. "You know what I mean Nolan. 'Wag mong gagamitin si Maddie sa kalokohan mo." Sabi nito at umalis na.
"Bye Astrid! Ingat ka." I waved her a goodbye at ganun rin siya. Pero nacurious ako sa sinabi ni Astrid kay Nolan. They have history issues maybe and I don't want to get involve with that. Nabigla naman ako ng hawakan ni Nolan ang kamay ko.
"Tara Maddie, kain tayo." Sabi nito at naghanap na kami ng makakainan. Hindi naman masama kung hindi ko susundin si Zayden dahil hindi ko naman siya kaano-ano.
"Kaano-ano mo nga pala si Zayden?" Tanong ni Nolan. Medyo naawkward pa rin ako kasi hanggang ngayon hawak niya pa rin kamay ko.
"Wala. He's just my roommate pero hindi kami close." Humalakhak siya sa sagot ko. Napangiti naman ako kasi kahit sa maliliit na paraan ay napapangiti ko siya."Ilang araw na ba kayong roommate ni Zayden?" Tanong niya pa.
"Actually 2 weeks na." Sagot ko.
"Wala bang improvement sa inyo? Two weeks na pala kayong magkasama." At tumigil kami sa harapan ng isang karinderya.
"This may not be your ideal restaurant but trust me masarap ang mga pagkain dito." I looked at and smiled. He's a simple guy too. I want to know him better.
"It's okay, Nolan." Sagot ko naman at pumasok na kami.
"Tita Sonia!" Bati ni Nolan sa magtitinda. "Oh Nolan! Napadalaw ka." Sabi nito at niyakap si Nolan. Siguro suki na siya dito.
"Kasama mo na ngayon si—" Naputol ang sinabi ni Tita Sonia nang higitan ako nito sa tabi niya. "Tita Sonia, si Maddie nga po pala." Nginitian ako nito at binesohan. Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang pangyayari.
"Ang ganda nitong batang ito. Sinagot mo na ba si Nolan?" Napatingin ako kay Nolan at nakita kong napakamot ito sa batok niya. Angt awkwars talaga ng sitwasyon namin.
"Nako tita magkaibigan lang po kami." So alam na Maddie na kaibigan lang ang tingin sa'yo ni Nolan. 'Wag na tayong umasa.
"Ahh ganun ba?" At parehas kaming mabilis na tumango. "Siya sige tita, pabili na lang po kami ng dalawang sisig with rice tapos dalawang sprite na lang po." Nakakapagtaka bakit parang alam niya ang gusto kong kainin ngayong gabi.
"Uhh...Nolan, water is fine with me. Bawal kami sa softdrinks eh." Sabi ko naman. "Tubig na lang po pala yung isa tita, hindi na po sprite." Pahabol naman ni Nolan kay Tita Sonia. Pagkatapos naming umorder at umupo na kami sa isang mesa.
"How did you know na sisig ang gusto ko?" Tanong ko naman.
"Nakita kasi kitang naglalaway sa sisig kanina." At bigla itong natawa. Nakakahiya, talaga bang naglalaway ako kanina?
"T-talaga?" Sabi ko at medyo nainis ako dahil nautal pa ako.
"Just kidding. Hindi ka naman kasi literal na naglalaway. Pero kung makatingin ka kasi sa sisig kanina parang gusto mo kaya iyon." Napatango na lang ako sa dahilan ni Nolan at biglang tumahimik kaming parehas. Ang awkward naman nito. Hindi ko na alam ang mga sunod kong sasabihin.
"Ito na ang order niyo! Sizzling hot pa 'yan kaya enjoy." Sabi ni Tita Sonia.
"Salamat po tita Sonia." Sabi ko at nginitian ako nito. Nang umalis na si Tita Sonia ay nagsimula na kaming kumain. Nasarapan ako sa luto nila. Mukhang mapapadalas ako dito sa karinderya. First time ko kasing kumain dito.
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Met (Estrellas series #1)
RomanceMadison Reign Montes, a 19 years old girl who wants to achieve her parents dream for her so she decided to study at Laguna but suddenly ended up staying with a stranger. Pero hindi niya alam na ang roommate niya ay isang sikat na gitarista ng isang...