Chapter 4

62 5 0
                                    

"Aray!" Hinihilot ako ngayon ni Astrid sa cafe. Tapos na kami sa shift namin at nakiupo lang kami para hilutin ni Astrid ang likod ko. "Aray! Marunong ka ba talagang humilot?" Tanong ko.

"Hindi eh pero ang alam ko hindi effective kapag hindi ka  nasasaktan." Ang bigat ng kamay niya kaya masakit.

"Sige okay na Astrid...ARAY!"

"Sorry." Sabi niya at lumayo na siya sa'kin. Sinubukan kong  palugutukin ang likod para mawala ang sakit pero hindi gumana kaya inistretch ko na lang. Ang sakit pa lang manghilot ng babaeng ito sobrang nadala ako. "Okay ka lang ba?" Tumango lang ako at inayos na yung mga gamit ko para ready na umuwi. "Tara na, uwi na tayo." Anyaya ko at pumayag na rin naman itong umuwi.

"Alam mo ba, sobrang naawa ako sa iyo kanina. Tell me, good terms ba kayo ng Estrellas?" Tanong niya. Gusto ko nang kalimutan ang nangyari kanina kasi nakakainis siya. Sobra talaga akong napagod kanina tapos under pressure pa ako kasi inuutusan nila akong bilisan and I'm trying to be a best employee out there. Mabuti na lang sobrang haba pa ng pasensya ko kung hindi baka sesante na ako sa trabaho ko agad which is matutuwa rin si Zayden kasi syempre ayaw niya akong magtrabaho either ate Madilyn. Natakid pa ako kanina gawa ni Jacintha tapos nafifeel ko pa na sinadya niya yun like ngumisi pa siya sa'kin hind man lang naconcern. Okay, I admit it...ayaw ko na sa kanya.

"Nope and I don't want to talk about it." Sagot ko. Naiinis ako kasi roommate kami. I'm expecting that we could be in good terms but ended up we are rivals. Bakit naman sa movies or series nagkakasundo ang roommates? Or maybe this is the reality. "Masakit pa rin ba likod mo?" Tanong ni Astrid.

"Slight." Simpleng sagot ko hanggang sa huminto kami. "Ang harsh naman ng mga iyon sa iyo pero medyo mabait bait pa sa'yo si Justine non." Kilig na kilig na sabi niya at siniko pa ako nito. Lagi talaga siyang may positive feedback kahit sobrang negative nung nagiging impression ko sa kanila. Akala ko ba pag sikat kailangan nilang panatilihin yung good image nila pero baka ito talaga yung realidad.

"Oh beh kailangan na nating mag separate ng ways." Oo nga pala, pakanan siya at ako naman ay pakaliwa. "Sige. Bukas na lang ulit. Thanks for today." At nagwave siya ng goodbye sa'kin bago umalis. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad para makahanap ng jeep pauwi.

Habang naglalakad ako ay may kotseng tumigil sa tabi ko pero syempre pinagpatuloy ko ang paglalakad ko kasi hindi ko naman alam kung kaninong kotse iyon. Pero hindi iyon nagpatinag at sinundan pa ako kaya medyo natakot ako binilisan ang lakad. "Maddie." Gosh ako talaga pakay ng driver na ito. Ano kaya kailangan nito? "Wala kang mananakaw sa'kin. Simpleng babae lang ako na naninirahan sa Amia Scapes at may apat akong kaipatid na kailangan ko pang buhayin." Ang lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang takot ko as in hindi ko talaga nililingon yung kotse kasi baka mahypnotize ako once na tumingin ako.

"Maddie, kung iniisip mo na magnanakaw ako, hindi. Tara uwi na tayo sumabay ka na sa'kin." Napahampas ako sa mukha bago lumingon. Hindi naisip na si Zayden pala iyon masaydo kong namana ang pagiging OA ni Ate. "Ayaw ko. Lakas ng loob mong pahirapan ako kanina tapos nagmamagandang loob ka ngayon. Ano, may kailangan ka ?" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Makonsensya naman  siya sa pinaggagawa niya sa'kin. "Sumabay ka na, Maddie. Please don't be stubborn." At ako pa talaga ang sinabihan ng stubborn? Hayop talaga siya. Alam mo kasi yung gwapo na sana tapos sikat kaso hayop.

"Ayaw ko." Sabi ko pa at tinalikuran siya. "Okay. I'm sorry." Napatigil ako sa sinabi niya. It's my first time hearing him say that word which I find it kinda cute. "Alam mo...hahayaan na lang kita sana magtrabaho kasi matatakasan ko pa si Ate Madilyn mo  pero shit...pati si Kuya Markian pinagsabihan ako na pigilan kang magtrabaho." Pagdadahilan niya.

"Bakit ba napakasunurin mong tao, Zayden? You can just ditch them like I do. Ano bang mayroon at sinusunod mo sila? Are you their slave? May atraso ka ba sa kanila?" Iritadong sabi ko pero umiling lang ito. "Because they had a point. I already told you na walang kwenta iyang pagtratrabaho mo sa cafe, mahihirapan ka lang."

When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon