Chapter 2

88 5 0
                                    

"A-ahh...g-ganon ba?" Sabi ko habang nakatingin pa rin doon sa grupo ng mga lalaki.

"Ayy shet narito na sila!" Tili ni Astrid. Bigla agad siyang nag-ayos ng buhok at ngumiti ng maganda samantalang ako ay hindi ko alam ang gagawin ko. Am I going to greet him?

Chang gala kung alam ko lang na nasa isa itong banda ay tumanggi na ako dito pero wala na akong magagawa. Baka ito na lang din ang cafe na tatanggap sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang tinaasan ako ni Zayden ng kilay. Lumapit siya sa'kin at ngumisi. "A-anong ginagawa mo dito?" Inis na bulong ko sa kanya. Tumawa na lang siya sa pagiging mahiyain ko. Pagtritripan na naman ako nito.

"Malamang kakain, ano pa bang gagawin ko dito?" Napatingin sa'min sina Astrid at yung iba pa niyang kabanda. "G-good M-morning—"

"Good Afternoon." Narining kong tumawa si Astrid pero alam kong pinipigilan niya iyon. Umirap na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang trabaho ko. "May I take your order?"

"Isang Iced Coffee na lang tapos blue berry Cheesecake." Nagkatinginan lang kami at hindi ko na alam ang gagawin ko. "S-sige intayin mo na lang. Bwiset!" Narinig ko pa siyang tumawa bago umalis ng counter.

"Beh ano yun?" Tanong sa'kin ni Astrid.

"W-wala." Sagot ko. Ayaw kong malaman niya na magkakilala kami ni Zayden pero mukhang malabong mangyari iyon lalo na't hindi nakikisama si Zayden.

"Sabi ko sa'yo eh. Mahihiya ka talaga pagdating sa kanila kaya palagi akong nagreready pag dadating sila." Kinuha ko na yung order ni Zayden at binigay iyon sa kanya. "Pakidala na lang kay Zayden na pangit na iyon." Bigla kong sabi. "Ano?" Natauhan agad ako sa sinabi ko. Fan nga pala siya ng Estrellas. Nakakainis kasi eh mas gusto ko pa sa school na lang tumira para tahimik na ang buhay ko.

"U-uh...pabigay na lang kay Zayden yung order niya." Sabi ko. "Sure ka? Sasayangin mo na ba yung opportunity mo?" Tumango naman ako habang nakatingin kay Zayden ng masama. Sure na talaga ako.

"Sige! Thank you." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko. Tiningnan ko na lang ang gawi nila. Totoo nga siguro na may gusto si Zayden sa babaeng iyon. I mean kung titingnan ko kasi si Zayden ngayon, titig na titig talaga sa babaeng ito.

"Oh ano Zayden? Lapitan mo na." Sabi ng mga kasamahan niya. Ngumiti naman ito at buonf tapang nilapitan nga ito. Wow! Ang laki ng confidence niya sa sarili niya. Parang hindi sa irereject, I mean hindi naman siya kareject reject pero siguro sa'kin rejected agad. Gwapo siya, sikat, at sabihin na nating matalino din. Mukha kasi siyang matalino.

"Hi Jacintha." Bati nito at ako ang makakapag sabi na bagay sila. Pero masama talaga ugali nitong si Zayden eh. "Uyyy isend mo kay Alexine mamaya hahaha. Paniguradong magiging proud yun." Sabi naman nung isa kabanda.

"'Wag niyo isend kay Ate. Ang kukulit niyo." Gosh! Nahihiya pa siya ha. Tumingin siya bigla sa'kin at pinalapit ako. Kung hindi ko lang ito trabaho baka kanina ko pa siyang sinakal.

"Ikuha ko kami ng tubig." Umirap pa muna ako bago pinilit ngumiti. "Sige po." Sarkastikong sabi ko at saka kumuha ng tubig.

"Ito na po Sir! Sana maenjoy niyo ang date niyo po." Sarkastikong sabi ko uli. Narinig ko siyang bumuntong hininga at sinamaan ako ng tingin. Ngumiti ako ng mapang-asar bago umalis.

*

"Hayy! Thank you Lord nakauwi na rin." Sabi ko sabay pabagsak na humiga sa sofa kaso may biglang may humila sa'kin dahilan kung bakit ako nahulog sa sofa. "Aray!" Sabi ko sabay himas sa ulo ko. Tumingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Ikaw kanina ka pa ha! Nanggigil na ako sa'yo." Bigla ko siyang sinabunutan sa buhok. "Maddie! Ano ba?! Tigilan mo nga ito." Hindi ako nagpatinag at mas lalo ko pang pinanggigilan ang buhok niya. "ARAY!" Natigilan ako. Kapag kasi galit ako hindi ko na alam ang ginagawa ko. Nakakainis kasi siya. Tapos ngayon ko lang namalayan na nakaupo na ako sa mga hita niya at sobrang lapit ng mukha namin.

When Two Hearts Met (Estrellas series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon